NAPATINGIN si Kiel dahil sa sinabi ni Jen. Nasa loob siya ng kwarto nito at nakaupo lamang sa maliit na sofa na naroon sa silid nito. Kapag sabado at linggo ay tumatagal siya sa bahay ng mga ito dahil alam niyang day off ni Angz. “What?” kunot ang noo niyang tanong. “Ang sabi ko ay bakit hindi nalang tayo sa bahay mo tumira? Isa pa masikip dito sa bahay at napapagod ka pa sa kakabalik-balik dito. Mas maganda siguro kung magsarili na tayong dalawa total ay lumalaki na ang tiyan ko,” wika pa ni Jen sa kanya. Napangisi na lamang siya sa narinig. “Alam mo napapangiti mo ako sa sinasabi mo. Ikaw? Sa bahay ko ititira? Bakit?” pauyam niyang sagot. “Anong nakakatawa sa suggestion ko?” “Talagang nakakatawa. At saan mo naman nakuha ang ideya na yan? Ikaw ititira ko sa bahay ko? Isang kalokoha

