Nang makaraan ang isang linggo... "Today is Monday and you know what it means, right?" sir asked. Lahat kami ay nandito sa training grounds. Katatapos lang ng oras ng pag-eensayo. Ang iba naman ay galing lang sa pag-aaral. Ang schedule ko naman ay tuwing 6:00-10:00 a.m. ang study class at 1:00-9:00 p.m. ang pag-eensayo. Kaya pagod na pagod ako at halos hindi na nakakapagsulat pa ng talaarawan ko dahil diretso tulog na. Akala ko kapag lumubog na ang araw ay magpapahinga na ang lahat ngunit kahit sa loob ng dorm ay kailangan patuloy pa rin ang pag-practice. Naka-monitor kasi sila sir at headmaster. Hindi nga namin alam kung paano ngunit nalalaman nila kung sino ang hindi nag-eensayo kapag oras ng pag-ensayo. Binibigyan nila ng parusa ang mga nilalang na mas inuuna ang pagtulog, kaya hal

