Tatlong araw na ang nakakaraan simula nang maging mission knight kami ni Leovani. Sa mga araw na iyon ay wala kaming ginawa kun'di libutin ang buong west side. Kumpara sa east side ay mas malawak ito ngunit kahit saan ako tumingin ay walang knights na makikita. Bibihira lang kami makakita ng mission knights ni Leovani... mga galing sa mission o 'di kaya ay galing sa kung saan. Kaya sa tuwing binabati namin sila ay halos hindi nila kami napapansin dahil na rin sa pagod ngunit may iilan din naman na nginingitian kami pabalik. Kasalukuyan kaming nag-eensayo ni Leovani nang matigilan kami dahil may lumapit sa amin na isang knight. Nakasuot pa ito ng bakal na kasuotan ng knight kung saan ay may tatak ng logo ng akademiya sa gitna. "Pinapatawag kayong dalawa ni headmaster," aniya. Nagkatin

