Nagising ako sa malakas na tilaok ng manok. Kasabay nito ang paggalaw at pagbangon ni buboy na katabi ko sa papag na aming nagsisilbing higaan. Kinusot kusot nito ang mata nito bago tumingin at ngumiti sakin.
“Good morning po, ate.”
Hinaplos ko ang buhok niya, “good morning, buboy. Bakit gumising ka na agad?” luminga ako sa bintana namin. Medyo madilim pa ang paligid tansya ko ay nasa ala sinco palang ng madaling araw.
“Tutulungan ko po kayo magtinda sa Palengke,” isang tipid na ngiti ang aking ibinigay.
“Hindi na kailangan, buboy. Kaya na ni ate iyon magpahinga kana muna rito."
Sumimangot ang maamo nitong mukha. Alam kong sa ganitong estado ng mood ng batang ito ay hindi ito papaawat na hindi sumama. Kaya isang buntong hininga lamang ang naging turan ko, “Osige tulungan mo'ko ha?”
Agad naman lumiwanag ang mukha nito at saka bumangon at pandalas na nagtsinelas. Dumeretso ito sa kusina at kumuha na agad ng dalawang tasa. Sumunod naman ako at nagpakulo ng tubig sa single barner stove na naadikha ko mula sa bonus ko sa grocery store na pinagtatrabahuhan ko.
“Ate, yung pangako mo po na bibili tayo ng bagong bag mo sa ukay ha?” abal ito sa pagbubukas ng pakete ng milo.
Tumango ako, “pag malaki naging bentahan natin okay? saka kung maabutan nating bukas. Sabado ngayon panigurado alas kwatro palang sarado na iyon.”
Dinaluhan ko ito ng makita ko na bahagya itong mahirapan sa pag bubuka ng pakete, “okay po basta bibili po tayo ha?” ginulo ko ang buhok nito at ngumiti.
Masyado itong sweet at maalalahanin sakin. Sa murang edad nito ay marami na itong alam at mabilis niyang nauunawaan ang mga nangyayari sa paligid. Kaya kagabi ay sobra rin ako nag alalala para sakaniya, hindi niya dapat nasaksihan yung nangyari kagabi.
“Ate...” tumingin ito sakin, “hindi na po ba babalik yung babae kagabi?” kitang kita ko ang pagbaha ng takot sa mga mata nito.
Umupo ako sa harapan niya upang magpantay kamay. Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat “Buboy, makinig ka kay ate. Iyong nangyari kagabi huwag mo na pakaisipin. Tapos na yon at okay na ang ate. Mababayaran na rin natin siya kaya kailangan natin maghigpit sinturon ulit.”
Dumako ang paningin nito sa ilang pasa na nasa braso ko bago sumagot, “O-Opo.”
Nasasaktan ako para sa kapatid ko. Sa musmos niyang pag iisip kung ano ano ng nakikita at nararanasan niya. Hindi ko manlang maibigay ang mga gusto niya.
Matapos kumulo ng tubig ay agad kong sinalinan ang tasa namin. Pinagsaluhan din namin ang pandesal na binili ko sa bakery. Pagkatapos namin mag agahan ay dumeretso na kami sa paghahanda ng mga batya na paglalagyan namin ng isda na kukuhanin namin sa inaangkatan namin sa palengke.
Alas sais palang ng umaga ngunit abala na rin ang halos buong barangay. May ilang nagbubukas na ng tindahan nila at karinderya. At may mga papasok sa opisina. Napabuntong hininga ako.
Kailan din kaya ako makakapagsuot ng slacks at heels na yan?
Ano kayang pakiramdam na papasok ka ng maaga sa opisina at babad ka sa aircon at computer?
Anong pakiramdam ng may stable na trabaho?
Nabalik lang ako sa aking diwa nang marinig ko ang isang babae na sinisigaw ang pangalan ko. Tatakbo itong lumapit sakin at halos kapusin na ng hininga.
“D-Deli...” habol na hininga nito.
Magulo at medyo kalat din ang make-up halatang kalalabas lang nito sa kung saan at pauwi na sana, “D-Delila...”
“Huminga ka nga muna. Bakit ba tarantang taranta ka?” Humugot ito ng hinga bago muling nagsalita.
“Delila yung pinagtatrabahuhan mo nasusunog!” Para naman akong sinabuyan ng malamig na tubig. Ang bilis ng t***k ng puso ko.
“A-Anong sabi mo, Feli?”
“Sabi ko nasusunog yung grocery kung saan ka nagtatrabaho!” hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya iniwan ko siya kasama si buboy. Kailangan ko makarating doon.
Lakad takbo ang ginawa ko. Halos mawalan na rin ako ng hininga. Habang papalapit ako sa kinaroroonan ng gusali ay kitang kita ko ang makapal at kulay itim na usok. Marami ring taong nagtatakbuhan at nakikiusyoso.
“Excuse po! Tabi po muna! Paraan!”
Hindi ko na rin alam kung ilang beses ako nakabangga at humingi ng pasensya ang tanging nasa isip ko lamang ngayon ay ang trabaho ko. Natagpuan ko si Me. Choi na kausap ang mga pulis at ilang bumbero. Wala ng apoy pero makapal parin ang usok. Basang basa ang paligid at ang buong gusali. Tupok na tupok ito ng apoy.
Kahabag habag ang itsura nito at talagang halos lahat sira. Ang mga katrabaho ko ay nandito na rin. Ilang minuto pa ay natapos na ang pag uusap nila Mr.Choi agad namang nagsilapit ang mga katrabaho ko sakaniya kaya nakigaya na rin ako.
Hindi pa man ako nakakalapit ay kita ko na kung paano itinaboy ni Mr Choi ang ilan sa mga ito.
“Mr. Choi,” nilingon ako niyon pero bagsak ang balikat nito at nanatili ang matigas na expression ng mukha nito.
“Sisante kana wala na trabaho wala na aasahan sakin,” hindi tuwid ang Tagalog niyang iyon pero sapat na yon para maunawaan ko.
“Mr. Choi baka naman po maipapasok niyo ako sa iba niyong business. Nagmamakaawa po ako kailangan ko po ang trabahong ito,” wala akong pake kung pinagtitinginan na ako ng mga tao at kung napaka wrong timing ng ginagawa ko. Pero sa ngayon ay wala na rin kasing ibang natakbo sa isip ko kundi paano bubuhayin ang kapatid ko.
“Umalis ka na wala ka mapapala sakin! Alis! alis!” ipinagtulakan ako nito dahilan upang kamuntikan na akong matumba.
Nang wala na ito sa harapan ko ay napalamukos nalang ako sa mukha ko. Kung kailan kailangan na kailangan ko ang pambayad saka naman ganito!
“Ate...” nilingon ko ang pinanggalingan ng boses— si buboy kasama si Feli. Nakahinga naman ako kahit papaano sa kaalamang hindi ito iniwan ni Feli pabasta nalang.
“Nagpumilit na sumama rito eh,” isang tipid na ngiti lamang ang naibigay ko at niyakap ang kapatid ko.
“Paano na yan? Saan kana magtatrabaho?” umiwas ako ng tingin at pinagmasdan ang natupok na gusali.
“Bahala na. Sige una na kami ha salamat,” hindi pa man kami nakakaalis ay tinawag ako nito muli.
“Deli, yung offer ko katulad ng sabi ko bukas pa rin. Pag nagbago isip mo alam mo kung saan mo'ko makikita,” walang lingon lingon akong umalis doon.
------
ISANG LINGGO na ang nakalipas simula ng mawalan ako ng trabaho. Ito kami ngayon sa lansangan ni Buboy nagtitinda ng sigarilyo at kendi. Hindi naman araw araw palengke kaya halos barya lang kinikita namin kada araw.
Napansin ko na malungkot ang mukha ng kapatid ko. Nakaupo ito sa mono block na katabi ko na nakapwesto sa side walk kung saan daanan ng tao.
“Pagod kana ba, Buboy? Gusto mo na umuwi?” alas dies na rin kasi ng gabi at simula tanghali andito na kami. Naawa na ako sa kapatid ko lalo na sa kalagayan niya na sakitin at hikain hindi dapat siya napapagod ng ganito.
“Antok lang po ako, ate.”
Tinignan ko ang kaha na kahoy kung saan nakalagay ang pinagbentahan namin nakalikom kami ng dalawang daan sapat na para makabili kami ng bigas at delata kay Lola Sita. Tambak na rin ang lista namin doon kaya iniiwasan ko muna umutang dahil wala pa talaga ako pambayad.
“Tara na, Buboy. Uwi na tayo may pangkain naman na tayo eh,” hinawakan ko ito sa mapayat niyang braso.Hindi ko maiwasan na hindi manligid ang luha.
Bakit ba kasi sa dami ng tao na pwedeng bigyan ng pagsubok na ganito ay ako pa? Ano bang nagawa ko para maghirap kami ng ganito? Buong buhay ko wala na akong ginawa kundi kumayod para samin. Para mabuhay kami, hanggang kailan magiging ganito ang buhay namin?
Nakarating kami sa may eskinita namin. Binuksan ko ang kahoy na pinto at ilaw ngunit kahit anong pindot ko ay hindi lumiliwanag. Ganon nalang ang pagkairita ko dahilan upang isang mabigat na paghinga ang aking napakawalan.
“Ate, madilim po.”
Agad kong hinanap ang lampara at sinindihan iyon gamit ang posporo, “Mukhang naputulan tayo ng kuryente. Diyan ka muna ha? Bibili lang si ate ng bigas at ulam saka kandila.”
Iniwan ko muna saglit ang kapatid ko saka dumeretso sa tindahan ni Lola Sita, “Pabili po ng isang kilong bigas saka po sardinas. May kandila po ba kayo?”
“Naku Deli sinabihan naman kita na pwedeng lista muna hanggang makahanap ka ng trabaho dapat tinatabi mo yang kita mo panggastos niyo ni Buboy,” tipid akong ngumiti. Ayoko rin yung ganito na puro dulot samin lahat. Nakakahiya na rin.
“Okay lang po baka malugi kayo samin eh,” tumawa ako ng mahina.
“Hindi naman, saka nga pala naputulan kayo ano? Nakita ko yung taga Meralco kasi kanina kaya siguro bibili ka kandila?” kiming ngumiti nalang ako.
Iniabot nito sakin ang mga binili ko, “Ayan dinagdagan ko na yang bigas niyo pati kandila huwag ka mag alala at hindi yan lista bigay ko yung dagdag. Ikaw talagang bata ka..” ngumiti ako.
“Maraming salamat po.”
“Osiya sige magluto ka na.”
Pagkarating ko sa bahay ay nadatnan ko si Buboy na nakasubsob sa lamesa. Sa tulong ng ilaw na nagmumula sa lampara ay napansin kong pawisan ito. Agad ko naman itong dinaluhan. Ganon nalamang ang kaba sa dibdib ko na mapagtanto na mataas ang lagnat ni buboy.
“Jusko bakit hindi mo sinabi sakin na masama pakiramdam mo?”
“Ate...” agad ko itong binuhat papunta sa papag namin at hinubaran ng t-shirt. Kumuha ako ng bimbo upang punasan ang katawan niya.
Halos magdamag ko siyang binantayan. Kada dalawang oras ay pupunasan ko siya upang bumaba ang lagnat niya ngunit pagsapit ng umaga ay hindi parin ito nababa. Maputla ang mga labi niya at malalim ang paghinga.
Kinuha ko ang pitaka ko ang kaso ay ganon nalamang ang pagbagsak ng balikat ko na makitang bente pesos lamang ang laman nito. Alam ko na kailangan ko ng maipacheck up si Buboy at mabilhan ng gamot sa madaling panahon.
Kaya ng araw na iyon ay hindi na ako nagdalawang isip. Pinuntahan ko ang taong alam kong makakatulong sakin.
————
Marahang katok ang ginawa ko sa isang maliit na bungalow house. Ito ang isa magandang bahay rito sa Barangay Tres. Nakailang katok ako bago ako pagbuksan ng isang lalaking walang pang itaas at tanging boxer lamang ang suot.
Magulo ang buhok nito na halatang kakagising lang. Tinignan ako nito mula ulo hanggang paa sabay ngisi.
“A-Ah si Feli?” dinilaan nito ang pang ibabang labi niya habang malagkit akong tinitignan napansin ko rin ang bahagyang pag umbok ng ibaba niya.
“Bakit?” tanong nito.
“A-Ano—” nakahinga ako ng maluwag ng sumulpot ang babae mula sa likuran nito na ang tanging suot lamang ay bathrobe na kulay pink. Bahagya pang bumabakat ang u***g nito doon.
“Oh, Deli? Napabisita ka” nginitian ako nito. Umalis na sa hamba ng pinto ang lalaki pero bago ito mawala sa paningin ko ay binigyan ako nito ng malagkit na tingin.
" Nakakahiya man, Feli pero kailangan ko ng tulong mo,” ipinagkrus nito ang braso niya sa dibdib at sumandig sa hamba ng pintuan.
Hindi siya nagsalita kaya pinagpatuloy ko ang sinasabi ko, “ May sakit si Buboy wala akong pera baka sana makakahiram ako sayo babayaran ko rin.”
Pagkatapos na pagkatapos kong magsalita ay pumasok ito sa loob at paglabas nito dala na nito ang wallet niya at may binibilang.
“Ayan 10k sana sapat na yan. Huwag mo na rin bayaran tulong ko na sayo yan," iniabot niya iyon sakin at marahan ko naman iyon tinanggap.
“Maraming salamat, Feli. Hayaan mo maibabalik ko rin sayo ‘to,” iwinasiwas nito ang kamay niya na ikinangiti ko.
“Girl hindi ko hilig drama saka naiintindihan naman kita. Pagamot mo na kapatid mo ha. ” tumango tango ako. Nakahinga naman ako kahit papaano.
“Matanong ko lang may trabaho ka na ba ulit?” umiling ako. Isang matamis na ngiti naman binigay nito sakin.
“Deli, kulang parin kami sa empleyado. Ikaw lang nakikita kong bagay don. Sana this time tanggapin mo na offer ko. Para rin iyon sa kapatid mo saka balita ko may utang ka pa don sa matandang biyuda na yon,” pagtutukoy nito kay Aling Marita.
“Hindi ako nanghihimasok pero sayang ganda mo. Mamayang gabi puntahan mo'ko sa bar. Tignan mo lang, hindi naman kita isasalang,” tinapik ako nito sa balikat at bahagyang pinisil iyon.
“Pero Feli—”
“Aantayin kita pagbigyan mo na ako tagal na non eh. Osiya mauna na ako sayo at gusto ko na mag almusal hindi na kita maaya sa loob ibang almusal kasi gusto ko,” makahulugang sabi nito bago isara ang pintuan.
Napatitig nalang ako sa perang iniabot nito sakin. Malaki ang kinikita niya roon. Kaya nga nakapagpagawa siya ng bahay niya. Pero hindi ko kasi kaya ang ganong trabaho hindi ko masikmura. Pero naiisip ko ang kapatid ko lalo na ang kalagayan nito ngayon.
Hindi ko alam kung gaano ako katagal na wala sa sarili ko. Nabalik lang ako sa diwa ng makarinig ako ng baso na ibinaba sa lamesa. Maaliwalas na ulit ang mukha ng munting paslit at halata mong medyo maayos na ang pakiramdam nito. Sa tulong na ibinigay ni Feli ay nakabili ako ng gamot ni Buboy. Naipacheck up ko rin siya sa malapit na clinic. Nabayaran ko rin ang ilang lista ko kay Lola Sita, nakapag grocery din ako ng kaunti para sa pagkain namin. At higit sa lahat nabayaran ko rin ang kuryente namin kaya may magagamit na rin kaming ilaw.
Lumapit ang batang paslit sa akin at niyakap ako,“Buboy, kung ano mang maging trabaho ni ate sana mahal mo parin si ate ha?” tumingin ito sakin.
Ginawaran ko naman ito ng halik sa noo bumaba na ang lagnat nito, “mahal naman po kita ate eh.”
Sana tama ang desisyon ko. Sana ito nga ang susi para guminhawa ang buhay ko at ng kapatid ko. Sana hindi ko ito pagsisihan...