Marahan kong binuksan ang pintuan ng aming barong barong. Ito marahil ang unang beses na makakauwi ako ng dis oras ng gabi at hindi madaling araw o umaga galing sa trabaho. Kinapa ko ang switch ng ilaw pero kahit napindot ko na iyon ay hindi lumiliwanag. Napabuntong hininga nalang ako ng mapagtanto ko na naputulan na naman kami ng kuryente. Agad kong hinanap ang kandila sa may lababo. Pilit ko iyon inaaninag kahit na madilim. Nang masindihan ko iyon ay agad kong hinanap ang aking kapatid sa aming higaan. Pero wala iyon doon. Sinilip ko ang palikuran pero wala rin siya roon. Agad na binundol ng kaba ang aking puso ng makailang ikot ako sa maliit naming bahay pero ni anino niya ay wala. Agad kong pinuntahan si Lola Sita baka nagbabakasakali na naroon ito. Sarado ang tindahan nito at pata

