Maraming kilalang tao ang nandito sa Bachelors night at hindi ko mapigilang hindi makaramdam ng hiya at panliliit sa sarili. Maraming mata ang ngayon ay nakatuon sa aming dalawa, marahil siguro ay kay Timothy. Sa kakisigan nito at taglay nitong kagwapuhan at sa hindi nito maipaglakaila na foreigner features ay talaga namang makalaglag panty na ang itsura nito kaya hindi na ako nagtataka bakit ilang beses ng may nagtangkang lumapit dito sa iilang oras pa lamang naming nagtatagal sa event na ito. At ngayon ay nandito naman kami sa harapan ng mga lalaking naka tuxedo rin ay may mga hawak na wine glass. Iba sakanila ay halos kalahati ang tansya kong tanda sa edad kay Timothy. Puro tungkol sa negosyo ang pinag-uusapan nila kaya tahimik lamang ako. “So what’s your girlfriend’s name again?” tan

