Chapter 1

2003 Words
01 Nandito ako sa tapat ng Amore,umiinom ng softdrinks,nakakauhaw kanina pa ako nag hahanap ng mineral water pero wala akong mahanap kaya softdrinks nalang ang binili ko,kanina ko pa rin hinahanap sina Maye pero hindi ko sila makita,sabi sa tapat daw ng Amore mag kikita.wala naman sila. I open my i********: account to view my friends story and I laugh when I see Tina's story about Cherry,when cherry's drunk.kahapon 'yon dahil birthday ni Tina kahapon at may inumang naganap,mahina pa naman uminom si Cherry. Nag message sa girls group namin si Maye. marielle_G: Guy's cutting muna ako haha,tinatamad akong pumasok. Cherry: Same Inis akong nag message sa group namin at pinaghintay pa talaga nila ako dito sa labas ng Amore almost 2 hrs! Me: HOY MGA DEMUNYO KAYO!SANA SINABI NYO KANINA PA EDI SANA HINDI AKO NAG HINTAY SA INYO DITO!! marielle_G : Hala,kawawa naman si Hopey natin:(( cherry_21 : Ano pa bang aasahan mo samin,magaling kami mag cutting.gusto mo itry?just kidding love u. itsyahgirl_valentina : Hoy bwiset kayo!,sana bumagsak kayo mga fuckers,palibhasa kami lang ni Hope ang masipag sating lahat. I laughed when I see Tina's massage,nakita ko rin syang palapit sa akin dito at inalok ko sya ng soft drinks na binili ko pero tinangihan nya naman. "Pass,may UTI ako." she said before she laughed. "Badtrip yung dalawa wala nang ginawa kundi mag cut classess." sabi ko habang nag lalakad kami papunta sa may kanto para kumain ng pares o kaya lomi. Kahit naman mag cut class ang dalawang yun ay makakapasa parin naman sila,buti nalang at pinanganak silang may utak.atleast kahit mag cut class sila hindi sila babagsak dahil bumabawi naman. "Hayaan mona ano pa bang magagawa natin.kumain nalang no?" tumawa kaming dalawa at kumain,we like street foods kahit na ang iba sa amin ay mayayaman,hindi naman namin kinakahiya na kumakain kami sa labas sa mga fishballan,kwek-kwek,lomihan,paresan,kahit ano G kami!wag lang sasakit ang tiyan. Nang matapos namin kumain sa labas,bumalik na kami sa loob ng school para mag aral,syempre. Naiinip nako dito sa pinagsasabi ng prof ko na hindi naman related sa pinagaaralan namin,nakinig nalang ako kahit ang pinagsasabi nya ay tungkol sa pamilya nya na halos ikwento na nya araw-araw,lupet mo sir. Nang matapos ang mahaba naming klase nag pasya na akong umuwi.nag commute nalang ako dahil hindi ko dala ang kotse ko,anong gagawin ko don?flex?e pwede namang mag commute,mas mahal pa ata gas e. Sa condo ko ako bumaba,hindi na kami nag sabay nila Tina dahil may worksheet pa daw syang gagawin sa library.sipag talaga ng best friend ko buti nalang mana sakin. Tommorow morning ganon parin naman ang routine ko,maliligo,magbibihis,kakain at papasok.walang bago bukod nalang sa sabado at linggo. My phone rang and I see Cherry's name so I answered her missed call. "Hope,bukas sa condo ko movie marathon tayo,wala akong pasok ngayon e.bye.love you." sabi nya sa tawag at binabaan na nya agad ako,talaga naman,ang babaeng yon! Lumabas na ako sa condo ko,gagamitin ko ngayon ang kotse ko,biyernes naman ngayon kaya gamitin ko muna. Nang makarating ako sa Notry pumasok na ako at nakasabay ko pa ang blockmates kong si Chloe na mukhang hindi pa nakakapag suklay at madaling madali,maaga pa naman ah,weird. "Bakit nagmamadali ka Chloe?" tanong ko ng makita ko syang umayos ng paglalakad at tiningnan ako,kumunot pa sya."Hindi mo alam?" sabi nya pero umiling naman ako. "Mag rerepresent ang mga Amore students dito sa Notry,mga 3rd yr college.mga pogi." may pa kilig kilig na sabi nya,kumunot naman ang noo ko,parang wala naman akong nabalitaang ganon,siguro hindi lang ako nakinig kaya hindi ko alam ang balitang sinasabi ni Chloe. "Huwag mong sabihing hindi mo alam?" sabi nya at tinaasan pa nya ako ng kilay "Hindi naman talaga ako nainform no." diretsong sabi ko pero kita ko ang kilig sa kanyang mukha,ay ewan. It's already 12 o'clock at may nag-aanouce na pumunta raw ng court mamayang 2 PM,bakit naman?sayang lang oras ko,kung pwede namang ilaan sa pag gawa ng mga worksheet kong hindi pa tapos. Cherry is a colleger on Amore,Marielle,Tina and I was colleger in this school.sad to say nandoon kasi ang course na kinuha ni Cherry kaya duon sya ngayon pumapasok. "Pupunta ka mamaya sa court?" usisa nitong si Zia isa ring blockmates ko,umiling ako "Hindi ko sure." sabi ako,kahit na hindi naman talaga ako pupunta,wala naman akong mapapala kundi panoorin ang mga taong nasa stage. "Malay mo dun mona mahanap 4ever mo ayieee." pang aasar nitong si Zia na halos tumili tili pa sa tenga ko,i rolled my eyes before go out but I heard her shout,saying 'Madaming gwapo dun!' Nahanap ng mata ko si Maye na malapit sa gate ng Notry na naghihintay,kanina kasi ay nag text sya sa akin na hintayin nya daw ako sa gate at sabay kaming kumain,hindi na namin niyaya si Tina dahil busy sya sa ginagawa nya. "Tagal mo,inet inet oh." reklamo nya sabay turo sa araw at tinatakpan pa nya ang mukha nya gamit ang isa nyang palad "Arte mo,di naman masakit sa balat ang araw." panunuya ko sa kanya,inirapan naman nya ako na ikina tawa ko naman,sarap mang-asar ngayon ah. Kumain nalang kami sa karinderya dito sa labas na palagi naming tinatambayan noon nung hindi pa busy sina Che at si Tina,dito kami pwumesto sa may lilim na natatanaw pa namin ang Notry,maganda daw ang pwesto dito.swerte raw sa pagibig.weh. "Hope,dala mo kotse mo?" Maye asked after she drink a mineral water. "Oo,hindi mo dala sayo?sabay kana lang sakin." tumango naman sya at kumain ulit na parang gutom na gutom lang. "Hinay hinay lang,gutom na gutom?" I teased and she looked at me with a angry face,i laughed. "Hilig mo mang-asar ngayon ah,btw pupunta ka mamaya sa stage?" she asked me,pero umiling ako "Why?" nagtatakang tanong nya "May exams kami sa lunes,mag rereview ako." sabi ko sabay uminom ng soft drinks. "Punta tayo,dami daw pogi." sabi nya sabay ngumiti ng nakakaloko "Tsaka pupunta dun yung crush ko si ano." hindi nya binangit ang pangalan dahil mukhang hindi naman nya natatandaan ang pangalan ng tinutukoy nyang crush nya raw. "Si ano,sino bayun.yung basket ball player." naguguluhan syang napaisip,bahala ka sa buhay mo. "Ayun naalala ko na,si Mike." "Bagong crush mo nanaman?last time I checked crush mo yung taga kabilang building,daming reserba Maye,ah." natawa naman sya sa sinabi ko. "Hayaan mona crush crush lang naman,don't worry I search for you,ano bang tipo mo?matangkad?player?gwapo?matalino?maputi?ano?" she said while counting what she say in her fingers. "Hmmm.." I mumbling. "I don't know." sabi ko na kinakunot ng nuo nya."What the?I don't know in your face,hahanapan parin kita,let's search Ken Dino on your insta." sabi nya.kaya binuksan ko ang insta ko at sinearch ang pangalang binigay nya sa akin. @kenn,dino 232 post 1,577 followers 789 following Umiling ako,hindi ko type. "Hindi ko type,andaming post e." natawa naman sya at kinurot ako sa tagiliran,sinamaan ko naman sya ng tingin "E sa Hindi ko nga type,sayo nalang." umiling din sya at sinabinh hindi nya rin type,tapos irereto sakin?hindi na. "Search Richard Surreno i think magugustuhan mo sya." sabi nya,at tinaype ko naman ang pangalan nya sa ig at may lumabas agad. @richard.S 88 post 437 followers 123 following I view his profile picture and I saw he's wearing a short with no t shirt so I saw his abs,medyo kinalibutan pa ako kaya agad akong umiling kay Maye. "Hindi ko rin type,parang wild e." natawa naman sya sa sinabi ko. Habang may time nag search search kami sa IG ng mga gustong ireto sakin ni nitong si Maye,pero wala naman akong nagustuhan sa mga nireto nya na ikinainis naman nya,reto sya ng reto sa akin tapos wala naman syang jowa she's annoying me. Nang makapasok na kami sa loob ng Notry,naghiwalay na kami ni Maye at susunduin nya nalang daw ako para pumuntang court at maghahanap daw sya ng pogi,what a freak. Wala kaming class ngayon,kaya tumambay muna akong library para pag-aralan yung exams namin sa para sa Monday. Tumungo muna ako sa table saglit,medyo inaantok ako e,saglit lang naman. Nagising ako dahil tunog ng tunog ang cellphone kong iniwan kolang malapit sa table na inuukupa ko dito sa library,nanlaki ang mata ko ng makita ang pangalan ni Maye na 26 missed call at 21 texts,nag message din sya sa IG ko. marielle_G : HOY NASAN KABA!?? marielle_G : WHERE ARE U NABA!!?AKALA KOBA PUPUNTA TAYONG COURT,MAGHAHANAP NG POGI? marielle_G : wala na girl,patapos na ang kaganapan dito sa court:(( marielle_G : aalis na yung basketball player kong crush:(( marielle_G: salamat sa lahat. Nataranta ako at nag madaling ayusin ang gamit ko at nagmamadaling pumunta sa court,natanaw ko naman si Maye na kumakamot pa sa ulo nya at pumapadyak ang paa,I laughed. "Mayee!" tawag ko sa kanya,nang makalapit ako.tinarayan nya ako at nilagay ang braso sa tapat ng kanyang dibdib. "Wala na." nanghihinayang na sabi nya. "Alin?" kunot nuong tanong ko,nanlaki ang mata ko ng beltukan nya ako ng pagka lakas lakas. "I hate you,wala na, they already gone na." natawa naman ako sa inaakto nya "Bakit?hindi mo ba nakita?" takhang tanong ko "Nakita." talaga 'tong babaeng 'to nakita naman pala nya may palungkot lungkot pang nalalaman. "Nakita mo naman pala,grabe ka maka react dyan." I teased her. She rolled her eyes and crossed her arms,niyaya nya rin akong mag cut class,sumama nalang ako sa kanya.wala naman akong klase ngayon kaya uuwi nalang ako ng maaga para makapag review,pero curious parin ako sa mga pumunta dito sa Notry,sayang hindi ko nakita kung anong nangyari kanina.lecheng antok naman kasi e! "Daan tayong department store,may bibilhin ako." Maye said nang makapasok sya sa kotse ko at nag suot ng seatbelt,tumango naman ako at nag simula nang mag drive. "Hope,see this!" iritang sabi nya at pinakita sa akin ang phone nya,a picture of a girl and a boy kissing each other,tinaas ko naman ang isang kilay ko,ano namang paki ko sa pinakita nya sakin,hmp. "He's my crush." she said in a dramatic tone at may pahawak hawak pa sa dibdib nya na para bang nasasaktan,andami naman nitong crush. "Lahat na ata crush mo." natatawang sabi ko,tiningnan naman nya ako ng masama,okey lang naman mag ka crush pero sobra naman 'tong si Maye,crinush na lahat ng lalaking nakikita.my god. Nang makapasok kami sa department store,bumili sya ng pang highlight nya raw,nagtingin tingin din ako ng mga ballpens pero hindi ako bumili,tumingin nga lang! Nang mabili na ni Maye ang mga kailangan nya nag paalam muna sya sakin na mag ccr lang daw sya,kaya naman naghintay muna ako sa kanya bago sya matapos. Matagal pa naman mag cr ang babaeng yon!kaya nainip ako at naglakad lakad nalang muna,itetext naman ako non kung sakaling hindi nya ako makita. Nagcecellphone ako habang naglalakad lakad nag message kasi sakin si Cherry about tomorrow kaya nag reply ako sa kanya ng 'Oo na ang kulit!' tumawa ako bago ko tumingin sa harap. I bumped a guy,yeah a guy halata naman kasing lalaki dahil sa amoy nya.medyo masakit din ang pag tama ko sa kanya,tanga tanga ko naman kasi,hindi natingin sa dinadaanan ayan tuloy! Nang tumingin ako sa kanya,he's wearing a gray buttoned shirt and khaki pants,may suot rin syang shouler man's bag,okey Dickie's.sa totoo ang gwapo nya. "Uh,Sorry." hingi ko ng tawad ko sa kanya "it's fine." he said in a cold voice,nakakatakot naman ang lalaking 'to! "Sorry again,sige mauuna nako." pagmamadali ko,baka mamaya humaba pa ang usapan namin at sapakin ako ng lalaking 'to,madaldal pa naman ako sa mga taong hindi ko kakilala,paalis na sana ako ng mag salita sya. "Your things." humarap ako sa kanya at punulot nya ang mga binili ni Maye kanina,pano naman nalaglag yon?hawak hawak ko kaya yun kanina! "Uhh,thanks." he nod and leave,I smiled,I don't know. "Hoy babae!san kaba nagpupupunta!?" galit na sabi ni Maye at kinuha ang paper bag na iniwan nya sakin kanina,binawi ko naman 'yon na kinakunot naman ng noo nya. "Akin 'to Hope,bakit ayaw mo ibigay?" takhang tanong nya. I hugged the paper bag before give it to her,sya naman ay kumunot ang noo at nagsalita. "Abnormal." she laughed. . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD