Tahimik na pumasok si Danica sa silid kung nasaan si Erin bawat galaw nito ay dahan-dahan may kasama itong pag-ingat. Ang galaw nito ay kalkulado. Dahan-dahan ang paglalakad nito upang hindi magising ang iba. Walang pakialam kung mapatay man ito ng kapatid nito o kung anuman ang mangyari rito. Ang importante ay may nailigtas si Erin sa kamay ni Alejandro doon man lang ay mabawasan ang kasalanan ng kapatid nito dahil sa mga ginagawa nito. Tila isang kawatan si Danica sa ginagawa nito may suot pa siyang mascara at gloves upang kahit na anong mangyari ay walang makikitang bakas sa gagawin nito. Dahil sa sanay na ito na umuwing malalim na ang gabi noon sa Italya kahit na madilim ay alam nito kung ano ang mga bagay na nasa paligid nito. Slowly but surely ang galaw ng mga paa nito. Alam nit

