Sa ilang araw na pagkulong kay Erin ngayon lang siya muling gumising nang ganito katagal hindi katulad noon na halos oras-oras ay dilat ang mata niya dahil sa maaring mangyari ulit sa kanya. Noon, palaging kailangan niyang bantayan ang paligid dahil maaring maulit ang muntikang panggagahasa ng tauhan ng lalaking kinamumuhian niya at mismong ang lalaking iyon na ni bigkasin ang pangalan ay hindi niya magawa. She was terrified of him. She’s been with hell when she was with him. Ang iniisip niya nalang ngayon ay kung paano siya babangon pagkatapos noon kahit papano sa mga nakalipas na araw habang narito siya sa bahay ni Abby ay nakakangiti na siya kahit kaunti. Hindi pa man masyadong naibabalik ang kanyang gana sa pagkain para kahit papano ay magkalaman-laman muli siya dahil halos buto’

