Bandang alas kwatro gumising na kami ni Ulysses, nagsuot lang ako ng white short at medyo hapit na na t-shirt then white rubber shoes. Kumain muna kami bago umalis. Maglalakad na lang kami para daw ma-enjoy ko ang paligid. Sobrang fresh talaga kapag sa probinsya, ang saya lang. Simple lang ang buhay pero masaya ang mga tao dito. Kuntento na sila kung anong pamumuhay meron sila. Niyaya ako ni Ulysses na pupunta kami sa manggahan daw nila, sinabi raw ng isa sa mga tauhan nila na mag-aani sila ng mangga. Medyo may kalayuan ng konti pero keri lang, parang exercise na rin. Malayo pa lang nakita ko na mga kumpol na mga tauhan niya at nakatingin na rin sila sa amin. Medyo malapit na kami doon ko nakita na maraming babaeng tumutulong sa pag-iimpake ng mangga. "Senyorito," tawag ng may katandaan

