Bumalik na rin ako sa loob. Nandoon na sila sa sala nag-uusap, umupo ako sa tabi ni Mommy. Titig na titig sa akin si Ulysses at bigla rin niya ako tinaasan ng kila. Ang hilig niya ng gan'yang ekpresyon, pero still super handsome pa din niya! Grabe, kilig keps ako, super macho na super hot pa.
After namin kumain ng hapunan, bumalik ulit kami sa sala para doon ulit ipagpatuloy ang pag-uusap.
"So, hija pwede ka na doon tumira sa condo ni Ulysses, total ikakasal naman kayo," excited na sabi ni Tita Faye.
"Honey, huwag muna natin puwersahin si Cassy," aniya naman Tito Grey.
"It's okay Grey, para naman masanay na si Cassy," singit naman ni Daddy na halatang gusto na yata ako palayasin sa bahay.
Napanganga na lang talaga ako. Mapaaga pa yata ang honeymoon. Actually, marami-rami na rin akong nakarelasyon, but I'm still a virgin, of course hanggang momol lang talaga ako.
"It's okay with you, Ulysses?" Daddy ask.
"That's a good idea tito, and para naman matuto si Cassy ng housewife chores," diin na sabi niya.
Talaga gusto pa yata akong gawing katulong! Subukan niya lang talaga!
"Excited na kami magkaroon ng apo," tuwang-tuwa naman na sabi ni Mommy.
"Okay Pare Caden, uuwi na kami, and Hija Cassy, susunduin ka ni Ulysses tomorrow, " saad ni tito Grey.
Pilit naman akong ngumiti kay Tito at Tita.
Nagbeso si Tita Faye kay Mommy at sa akin. Lumapit sa akin si Ulysses at biglang bumulong ito.
"Be ready tomorrow," nakangising sabi niya. Napanganga naman ako na sinundan ko ito ng tingin.
God! Kinakabahan tuloy ako.
"Dad, pinapalayas muna ako. Iyong ibang magulang marriage muna bago magsama, kayo naman ni Mommy, live-in muna bago ang kasal."
"Doon na rin kahantungan niyan at saka isang buwan na lang ikakasal na kayo, at sana naman tumino ka na at huwag mo ako ipahiya Cassy! Huwag ka na pumasok dahil lilipat ka sa probinsya kung saan doon daw kayo titira sa hacienda ni Ulysses," saad naman ni Daddy.
"Grabe talaga kayo Daddy, parang hindi niyo ako anak!"
"Baby, para naman sa iyo ito, ayaw lang namin maiwan ka na mag-isa balang araw, hindi habang buhay nandito kami ng Daddy mo. Anak you already turning 23, wala ka pa rin naabot sa buhay mo," malungkot na sabi ni mommy.
Natamaan naman ako sa sinabi ni Mommy. Sa sobrang bait ni Mommy, lahat ng gusto ko hinahayaan niya lang ito.
Napabuntonghininga na lang ako. Nagpaalam na ako magpahinga at bukas kailangan ko makausap ang mga kaibigan ko. Hindi mawala sa isip ko si Ulysses, hanggang tuluyan akong nilamon ng antok. Kinabukasan, maaga ako nagmessage sa mga kaibigan ko na magkita kami sa Jollibee. Nagpaalam ako kay Mommy na makipagkita ako saglit sa mga kaibigan ko. At kailangan ko daw bumalik ng alas dose ng tanghali dahil susunduin na ako ni Ulysses.
"Omg! Really!?" gulat na sabi ni kelly. Kumpleto kami ngayon at kasalukuyang kumakain ng almusal.
"Yeah, ipapakasal nila ako sa business partner ni Dad at mamaya susunduin na niya ako para doon na tumira sa bahay niya," tamad na sagot ko naman.
"Who's the lucky guy?" tawang-tawa na tanong ni Bea na nanliit pa ang mga mata.
"Ulysses Grey Herrer," nakangisi kong sagot.
"Really!" sabay-sabay na sabi nilang apat.
"How? Gosh, girl you're so lucky!" sabi naman ni Ann.
"Actually nagulat lang ako na friend and business partner ni Daddy, iyong Dad ni Ulysses."
"Oy, shota ka lagot ka doon, malaki iyon panigurado at mahaba," hagikhik na sabi ni Jane.
Nagtawanan silang apat. Well let's see.
Mahigit alas onse na nakatapos kami sa pagkwentuhan at nagpaalam na rin kami sa isa't isa dahil may pasok pa sila. Sumabay na ako kay Ann at hinatid na rin niya ako sa bahay. Pagdating sa bahay dumiretso na ako sa aking kuwarto at nakita ko na nakaayos na sa maleta ang mga gamit ko. Grabe talaga si Mommy, parang gusto niya rin na lumayas ako sa bahay. Habang inaayos ko ang ibang gamit biglang pumasok si Mommy.
"Baby, sa baba na si Ulysses, kakarating lang niya," nakangiti na saad ni Mommy.
"Okay po," malungkot na sagot ko. Kahit paano nalulungkot ako dahil hindi ko na araw-araw makita si Mommy at Daddy, medyo may kalayuan ang bahay namin daw sa condo ni Ulysses.
"Don't worry anak ,bibisitahin kita doon, okay? Sige na ipapakuha ko na lang sa katulong ang mga gamit mo."
Bumaba na kami ni Mommy, nakita ko nakaupo si Ulysses sa sala at nakatingin sa amin ni Mommy. Hinakot ng dalawang katulong ang aking mga gamit at nilagay sa kotse ni Ulysses.
"Sige po Tita, aalis na po kami," paalam ni Ulysses.
Hinalikan ako ni mommy sa noo.Sumunod naman ako kay Ulysses, binuksan niya ang pinto sa unahan at doon na ako umupo. Habang sa biyahe wala kaming imikan, ni hindi man lang ako nakapagpaalam kay Daddy kasi nandoon siya ngayon sa kompanya.
"Ihatid kita sa condo then babalik ako sa company, huwag kang aalis na hindi ka nagpapaalam sa akin at bawal mag-imbita ng bisita sa condo ko except sa parents natin, naintindihan mo?" diin na sabi niya.
Tinaasan ko siya ng kilay. Kapal talaga!
Naksuot ito ngayon ng business suit na lalo bumagay sa kanya.
"Up your eyes, Cassy. Mamayang gabi na pagdating ko, makikita mo din 'yan," sumilay naman ang ngiti sa mga labi niya.
"A-Ano ang ibig mo sabihin," nabubulol na saad ko naman.
"You will know later. Do you have a boyfriend? break up with him now."
"Wala akong boyfriend." nakangibit kong saad. Denial Queen na yata ako.
"Good, what is your course?"
"Nursing," nakangiwing sagot ko rito.
"Tagal naman ng kurso mo..almost 10 years ba 'yan?"
"Grabe ka huh," nakaismid na sagot ko.
Mahina naman itong napatawa.
Halos one and half hours din ang biyahe namin at nakarating rin kami sa condo niya. Nasa 12 floor siya nakatira, at pinasuyo na ni Ulysses ang mga gamit ko sa guwardiya .
"Okay, fix your things here sa kabilang cabinet, may mga pagkain sa ref, kumain ka na lang diyan or magluto."
"Saan ako matutulog?"
"Tabi tayo," saad niya na parang tatagos na sa aking katawan ang kan'yang tingin.
"Pwede naman sa kabilang kuwarto ah," irap ko naman.
"Mga gamit ang nandoon. Dito ako kakain ng hapunan magluto ka."
"Hindi ako marunong magluto."
"So anong silbi mo sa pagiging asawa ko? Sa kama lang?"
"Puwede rin," tamad na sagot ko.
"Haistt! Sige ako na magluto pagdating, baka panty mo hindi ka pa marunong maglaba, ayusin mo na mga gamit mo at aalis na ako Huwag ka magpapasok na hindi mo kilala, lock mo ang pinto!"
"Okay," tamad ko lang ito tiningnan.
Nakataas na naman ang kan'yang kilay na nakatingin sa akin.
"Okay na rin, kahit wala kang alam sa bahay basta maibigay mo lang ang pangangailangan ko," nakangising saad ni Ulysses na bigla naman namula ako.
"Bastos mo talaga!" inis na saad ko rito.
"Sige na alis na ako," bigla niya ako hinalikan sa labi, sa gulat ko di ako nakapagreact hanggang umalis na ito. Ramdam ko pa rin ang kan'yang malambot at masa-masang labi. Napatalon-talon pa talaga ako.
Ang sarap!