Madilim na sa labas ng ako'y nagising. Ang haba ng tulog ko. Bumaba ako at pumunta ng kusina. Nadatnan ko si Yaya at si Ate Laila na naghahain. "Oh, buti gising ka na," nakangiti na sabi ni Yaya. "Opo," humihikab na sagot ko. "Kumain ka na. Sumama si Ulysses kay Lando magbibinta ng mais sa bayan," sabi ni Yaya. "Gabi na po ah," sabi ko at umupo na para kumain. "Kailangan kasi maibagsak agad sa bayan kasi dadalhin paluwas iyon," dagdag pa ni Yaya. Tumatango na lang ako, masarap pala ang dahon na ito. "Yaya ano po ito," turo ko sa dinurog na dahon na kinakain ko. "Laing tawag diyan, paborito ng asawa mo iyan." Nabusog ako sa sarap ng ulam na niluto ni Yaya. Kumain din ako ng suman na galing kay Christine. Masarap ito at pagkatapos ko kumain nagpaalam na ako na aakyat na sa kwarto.

