Maaga kami pumunta ni Yaya sa bayan at si Mang jose ang nag drive sa amin. Kailangan daw kasi na mas maaga kami kasi baka daw marami magpacheck-up at lagi pilahan ang clinic doon. Pagdating namin marami mga buntis at kasama ang kani-kanilang asawa. Lahat nakatingin sa akin. Bahihiya tuloy ako, kinuhanan ako ng upuan ni Yaya para makaupo daw muna ako. Si Yaya naman pumunta sa secretary ng doctor para ilista ang pangalan ko. Ang tagal bago ako tinawag. Ang bata pa ng Doctora. Ang ganda niya rin. Siya daw si Doktora Solis. "Hi, napakaganda mo naman," nakangiting saad niya. "Hello po," bati ko sa kan'ya. "Ilang taon kana?" she ask. "22 po," sagot ko naman. "Ang bata mo pa. Cassy Reign Salvacion Herrer? Kaano-ano mo si Ulysses Herrer?" "Ahmm, asawa ko siya Doc," nakangiti na sabi ko. "

