Kabanata 16

1500 Words
BAKIT siya nando'n sa kwarto ni Sofiya? Bakit siya nakahubad? Totoo ba'ng sa opisina siya pumunta at hindi kay Sofiya? Tanong ko sa aking sarili habang nangingilid ang mga luha. Pinalis ko iyon at inisip na 'wala lang 'yon'. Alam kong hindi siya gagawa ng isang bagay na masasaktan ako. 'Don't worry about her.' parang sirang plaka na paulit ulit sa isip ko. Ito 'yong klasing sakit ang tinutukoy ko na kaya ko lang. Makakaya ko lang 'tong mga paandar ni Sofiya. Hindi ako basta-basta magpapadala at magpapatalo sa mga pinag-gagawa niya. Pero hindi ko pa din mapigilang masaktan kahit na may tiwala ako kay Taiden. I fell asleep while my head is clouded of that i********: post. Ni hindi ko binasa ang mga messages sa akin ni Suzie, sa halip ay kay Keion ang binigyan ng pansin at pumayag akong makipagkita sa kanya. Unti-unti akong bumangon at nag-unat. Nakatulugan ko ang pighating naramdaman ko kagabi. Tiningnan ko ulit ang cellphone at nakitang may text doon si Taiden. Taiden: 'Alis na kami, Ze. Hindi na kita ginising. I miss you.' Huminga ako ng malalim, napanatag ng kunti dahil sa text niya. Agad akong dumiretso sa banyo at naligo at nagbihis ng damit para magsimula ng tumulong kina Nanay Helen sa kusina. Pagbukas ko sa aking pintuan ay naapakan ko agad ang isang....card? At may kasama itong mga bulaklak. Napangiti ako sa aking nakita. And just like that, umiikot na naman ang mundo ko sa kanya. Nabura na naman n'ya ang sakit at pagdududa na naramdaman ko kahapon. Pinulot ko ang boquet ng bulaklak pati na ang card at binasa ko iyon. Dearest Ze, 'Good Morning sleepyhead! Sorry kung wala ako ng dalawang araw, i'll make it up to you. I promised. If ever you saw something in the social media, please know that it wasn't true, none of it was true. You're the only girl I'd ever want in my life, Ze.' I Love You. Parang may mga paru-parong nagsiliparan sa tiyan ko ng mabasa iyon. See? Taiden really would never hurt me. Nangako siya sa akin sa ilalim ng mga bituin. Kahit na hindi ko alam kong anong kahihinatnan nitong lahat, iisa lang ang alam ko. Mahal niya 'ko. Abala kami buong araw ni Nanay Helen sa pagpapalit ng mga kurtina sa buong kabahayan ng bumaba si Madam galing sa kwarto niya, hawak hawak ang cellphone niya at pangisi-ngisi. "Aww, these two." sabi ni Madam habang nakatingin sa cellphone niya. Ano kayang tinitingnan ni Madam? Hindi ko na lang pinansin iyon hanggang sa dumating ang hapon. Nagpaalam ako kay Nay Helen na may lakad ako at pumayag naman siya. I'm wearing a tattered jeans with a simple blouse and doll shoes. Naglagay ako ng light makeup at nakalugay ang aking buhok. Susunduin ako ni Keion kahit na sinabi kong wag na lang. Papalabas na ako ng gate ng mabuksan kong ando'n na siya. Nakahilig sa kanyang sasakyan. Gwapo din talaga itong si Keion, pumapangalawa siya kay Taiden para sa akin. Umayos siya ng tayo at binaba ang aviator na suot niya at bahagyang ngumisi. "You look good, Zella." aniya sa isang malalim na boses. "Thanks... Uh... Tara na?" aya ko sa kanya dahil masyadong madiin ang titig niya sa akin, pero hindi naman nakakatakot. Pinagbuksan niya ako ng pintuan ng sasakyan. Pumasok ako doon sabay ikot niya at pasok sa loob. "Uh... saan tayo?" pasiuna kong tanong. Tumingin siya sa akin at ngumisi. "Saan mo ba gusto'ng pumunta?" tanong niya. "Bakit ako ang tinatanong mo? Kahit saan na lang." sabi ko. He chuckled softly. "Alright." aniya Dinala niya 'ko sa Starbucks. First time ko do'n kaya na excite akong bigla. Nang makapasok kami sa loob ay hindi marami ang tao. Pinili niya ang pinakagilid na parte ng shop. Palinga-linga lang ako sa loob nito dahil narinig ko na mahal at masarap daw ang kape nila dito. "First time?" mangha niyang tanong. "Halata ba?" sabi ko at ngumisi siya. "Not really. I'll order for us, stay here." at tumango lang ako dahil hindi ko naman alam ang oorderin ko. Pagbalik niya ay may dala na siyang dalawang Caramel Macchiato at dalawang slice ng velvet cake. Nilapag niya iyon sa aking harapan at nagpasalamat ako doon. Kaswal kaming nagkamustahan habang kinakain namin ang pagkain ng umiba ang kanyang tanong. "Kayo na ba ni Taiden?" kaswal niyang tanong at matiim akong tinitigan. Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi bago nagsalita. "Oo. B-Bakit?" kabado kong tanong dahil sa mga titig niya sa akin. Bahagya siyang umiling at umigting ang kanyang panga at mukha siyang galit? Bakit naman siya magagalit? "Iwan mo siya, Zella. Masasaktan ka lang." seryoso niyang sabi at kumunot ang noo ko doon. Alam ko naman talaga na hindi maiiwasan sa isang relasyon ang masaktan. Pero para pagsabihan niya ako na iwan si Taiden ay nakapagtataka. Ano naman 'yon sa kanya? "Handa ako, Keion. Parte naman 'yon ng relasyon di'ba?" tanong ko. "You don't know what you're getting yourself into, Ze." he said Naiintindihan ko siya. Siguro iniisip din niyang hindi ako nababagay para sa kaibigan niya dahil katulong lang ako. Pero bawal ba'ng sundin ang puso at isantabi na lang ang katayuan sa buhay? Dapat ba'ng ang mayaman ay sa mayaman? At ang mahirap ay para sa mahirap din? "Alam ko Keion. Hindi mo kailangang ipaalala sa akin na hindi ako bagay sa kanya dahil katulong lan-." "What are you talking about? Hindi 'yan ang ibig kong sabihin." he cut me off. Nagpakurap-kurap ako at nangapa ng salita. Kung hindi iyon ang ibig niyang sabihin, ano? "Hindi kita maintindihan." sabi ko at umigting ulit ang panga niya sabay titig niya sa akin. Hindi ko na talaga maintindihan ang lahat. Bakit ba nagkakaganito si Keion? At bakit siya mukhang galit sa relasyon namin ni Taiden? Hindi kaya... "Ang daya-daya mo Keion! Bakit mo dini-date si Zella, baby ng ikaw lang?" napabaling kaming dalawa sa nagsalita sa likod namin, si Elton iyon. "Bakit ka nandito?" takang tanong ni Keion. "Baka nakalimutan mong may Mozes tayong kaibigan? Nalalaman niya kong saan tayo nagpupunta. Katakot ampota." aniya sabay kindat sa akin ni Elton at ngumisi lang ako. Akala ko ba nasa probinsya 'to? "Anong meron?" si Keion. "May lakad tayo mamaya. Tungkol do'n sa batang nakidnap. Na forward ko na ang details kay Taiden. Susunod siya" aniya Narinig ko nga iyon sa kausap ni Taiden sa cellphone. Si Elton kaya 'yong kausap niya? Nasa gitna ako ng pag-iisip ng may tumawag. Si Suzie iyon. Tumingin ako kay Keion at Elton na nakaupo na din sa gilid namin. Tumango ang dalawa. "Go ahead." ani Keion kaya sinagot ko sa harapan nila ang tawag ni Suzie. Wala pa man din ay nagsalita na si Suzie. "Tangina'ng Taiden yan! Nakita mo na ba ang group chat?" aniya sa isang galit na boses. Kinutuban ako ulit sa sinabi niya. Baka ano na naman kayang pakulo ang ginawa ni Sofiya. "Hindi e. Uh... nasa labas ako kasama si Keion at Elton." sabi ko at natahimik ng matagal si Suzie bago nagsalita. "A-Andya'n si Elton?" nahimigan ko doon kakaibang boses niya. "Oo." sabi ko Huminga siya ng malalim bago nagsalita. "Hindi 'yan ang pakay ko. Tingnan mo ang group chat, at sinasabi ko sayo Zella. Huwag ka ng magpapauto diyan sa Taiden na yan!" at pinatay niya agad ang tawag. Wala pa naman akong alam pero ang puso ko ay hindi na magkamayaw sa sobrang kaba na nararamdaman ko. "Who's that?" tanong ni Elton "Si Suzie." sabi ko at agad nag-iba ang templa ng mukha niya. Hindi ko na lang pinansin iyon at nagtungo na ako sa messenger upang tingnan ang messenger. Kinakabahan akong buksan ito, kung ano mang nasa loob. Nang mabuksan ko ang group chat namin ay para akong nanlalamig sa nakikita. Agad nagsitakasan ang luha sa aking mga mata at napahikbi kung kaya't nakuha ko ang atensyon ng dalawang kasama ko. Tumayo si Elton at lumuhod sa harapan ko na may pag-aalalang mukha. "What's wrong, Zella? Anong nangyari?" pag-aalala niyang tanong pero walang humpay ang pagtulo ng luha ko. Nagulat ako ng kinuha ni Keion ang phone ko at tiningnan niya iyon. Nakita ko kung paano umigting ng paulit-ulit ang panga niya at gaano kagalit ang mukha niya. Nakitingin din si Elton sa phone na nasa kay Keion at marahang napamura si Elton sabay yakap niya sa akin. "Hush.. tama na Zella." pagtatahan niya sa akin. Paano ako tatahan kung makita mong nakahiga sa sun lounger si Taiden at nakaupo sa may tiyan niya si Sofiya habang hawak ang beywang nito?! Paano ako tatahan?! Bakit nasa ganoong ayos sila? Halatang wala silang alam na nakuhanan sila ng picture. Ano na naman ba 'to? Kaya ko pa ba'ng tanggapin 'to? Ano ba talaga sila ni Taiden? Pinaglalaruan lang ba niya ako? O baka si Sofiya naman talaga ang gusto niya. Parang pinipilipit ang puso ko sa sakit. Sabi ko, hindi ako magpapadala sa kung ano mang paandar ni Sofiya. Pero sa nakita ko ngayon, parang iba. May kakaiba.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD