chapter 16

2974 Words
Chapter 16 Nagising akong wala na si Van sa tabi ko. Hinanap ko siya sa banyo wala din siya. Sa library niya ay wala din, hinanap ko siya sa ibat-ibang parti ng bahay pero hindi ko siya nakita kaya sumuko nalang ako at pumunta sa kusina. Nakita ko na may nakahain na doon at may sulat sa ilalim ng baso I'm sorry mahal, I didn't wake you up because you slept so soundly. Drink your vitamins and this milk, do you understand? I love you and I miss you mahal. -your mahal V Napa ngiti ako sa sulat. Ang corny talaga ni Van. Umupo ako at kinain ko yung mga niluto niya. ... 11:30 am nang naka rating ako sa office ni Van at pinag sisihan ko na pumunta ako dito. Nahulog ang bitbit kong lunch bag dahil sa nakita kong naghahalikan sa loob ng office niya. Kaya ba pagod siya kahapon dahil may pinag kakaabahan siyang babae dito sa office niya? Gulat niya akong nilingon at pumunta ang mata niya sa nahulog na lunch bag sa sahig. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko parang piniga ng husto ang puso ko. Gusto ko silang sugorin gustong sabunotan ang malanding babae na naka dikit sa kaniya. Pero wala akong lakas na gumalaw kahit kaunti. "S-Summer, le-let me explain." Nang narinig ko ang boses ni Van tsaka pa ako nagkaroon ng lakas para... para gumalaw. Tumalakod ako, gusto kong tumakbo palayo sa lugar nato. Gusto kong umiyak pero parang tinatakpan ang mga mata ko para lang hindi tuluyan na dumaloy ang mga luha kong gustong lumabas. "Who is she Van?" Rinig ko na tanong nang babaeng kahalikan niya. "Shut up Dailana." Sigaw ni Van. Nagpatuloy ako sa pagalis. Nasa counter na ako ng may humawak ng kamay ko. Nilingon ko ito at nakita ang pagmamakaawa sa mata ni Van. "Ang tanga ko Van, ang tanga ko sa pagaakalang iba ka sa kanila." Pilit kong pinatatag ang sarili sa harap niya. Nakita ko na nasaktan siya sa sinabi ko. Kunuha ko ang kamay niyang nakahawak sakin. Paalis na ako ng biglang may tinulak sakin kaya napa upo ako sa sahig Hindi ko napansin nasa tabi ko pala si Rose at tinutulongan akong tumayo. Nagulat kami pariho nang sinampal ni Van ang babae. At lumapit saakin. "Mahal okay kalang ba?" Natataranta niyang tanong. Pero takot akong tinignan ang dugo na dumadaloy sa binti ko "F**k." Bulyaw niya at agad akong binuhat nakita ko pa na nanginginig ang babae sa tabi habang pinagmamasdan kami. "Van, ang anak ko... Please, ang anak ko." Pagmamakaawa ko sa kaniya habang siya at tumatakbo habang buhat ako. Iyak ako ng iyak hanggang sa nawalan na ako ng malay. ... Nagising ako at una kong nakita si Van na naka hawak sa kamay ko. "Van, ang anak ko?" Tanong ko pero hindi niya ako sinagot, yumuko siya at umiyak sa likod ng kamay ko "Van." Tawag ko at pinipigilan ko ang umiyak, alam ko na ang sagot sa tanong ko pero hindi ako naniniwala. " Van, sa bahay na muna ako mag papahinga. Maalagaan ko naman ang anak ko kahit nasa bahay lang ako. " Pinahinahon ko ang sarili ayukong mag pa stress at baka mapato pa ang kalagayan ng anak ko. "I'm so sorry Summer... I'm so sorry." Sabi siya habang nakayuko parin at umiiyak. "Va-Van, bakit ka umiiyak? O-okay lang ako, okay lang ka-kami ng anak ko." Sabi ko at naiiyak narin sa mga ginagawa niya. Umangat siya ng tingin saakin ng nakita niyang umiiyak na rin ako. Umupo siya sa kama at niyakap ako. "Van," tunulak ko siya. Nang nagtama ang mata namin ay ngumiti ako sa kaniya. "Okay nga lang sabi kami." Pinunasan niya ang luhang dumaloy sa mata ko. " I'm sorry mahal. " Nainis ako sakaniya kaya sinampal ko siya ng buong lakas " Sabing okay nga lang kami Van. Ako ang ina. Nasa loob ng tyan ko ang sanggol kaya alam ko na okay lang siya." Sigaw ko dito pero tinignan niya ako na puno ng pagalala at niyakap ako ng mahigpit. "I'm sorry Summer." Tinulak ko siya pero hindi man lang siya gumalaw at patuloy na yumayakap sa akin. Napagod ako sa kakatulak sa kaniya kaya walang buhay kong binaba ang kamay ko. "Umalis ka Van. Parang awa mo na, umalis ka." Hinigpitan niya ang yakap saakin at saka paulit ulit na hinalikan ang balikat ko. " I love you Summer, pl-please let me stay, Please." Nanginginig siya habang yakap ako kaya wala akong nagawa kundi ang umiyak ng umiyak. Nakatunganga ako sa silid ng biglang tumunog ang cellphone ko. Tinignan ako ni Van habang sinasagot ang tawag, pero hindi ko siya pinansin kahit na sulyapan lamang siya ay hindi ko na nagawa. " Ate si Rain! " Sigaw ni Pao-pao sa kabilang linya. "Mag-magkasama s-sila ni Kuya Miko at J-James n-na pumunta sana diyan sa hospital ng na-nabangga ang sinasakyan niya. A-Ate wala na si R-Rain. Ate, " parang nandilim ang paningin ko sa narinig nanginginig ang buo kong katawan. "P-Pao? Ano? Hi-hindi ko kasi naiintindihan ang mga sinasabi mo." Nauutal kong tinangon si Pao-pao sa kabilang linya "Ate." Rinig ko ang malakas na iyak sa kabilang linya. Kaya napatayo ako at agad naman akong hinawakan ni Van pero tinulak ko siya. "Pao! Mag salita ka kasi ng maayos." Sigaw ko hinawakan ni Van ang balikat ko at taka akong tinignan habang paulit ulit na dumaloy ang luhang nasa mata ko. Naiinis ako sa kaniya kaya itinulak ko siya ulit. At ayukong hinahawakan niya. " Pao naman.. mag salita ka nga sabi! " Sigaw ko pa ayukong maniwala, wala akong pinapaniwalaan kahit isa man lang sa kanila. " Ate ete-text ko s-sayo ang address ng morgue ate. " Rinig ko ang iyak ni Pao -pao bago napatay ang tawag. ... Nanginginig ang mga paa ko habang nilalapitan ang bangkay ng kapatid ko. Hindi totoo to, walang katotohanan ang lahat ng ito. "Rain, wag ka naman mag biro ng ganyan oh.. bumangon kana diyan wag ka naman matulog ng matagal. Diba hinahayaan ka lang naman ni ate na matulog pero wag naman yung ganito." Sabi ko habang hinahawakan ang maputlang pisngi ni Rain. "Rain... nandito na si ate, gumising kana, oh.." Pilit ko siyang ginigising pero wala talagang may nangyayari naramdaman ko nalang na may yumakap sa likod ko "Ate, sorry." Sabi ni Cloud. Kaya Hinarap ko siya at niyakap. "Ate sabihin mo kay Rain na nag hihingi ako ng paumanhin sa nagawa ko. Nag so-sorry ako dahil hindi ko sila tinanggap ni James. Ayuko lang naman kasi na masaktan ulit si Rain... ate. " Umiyak ng umiyak si Cloud sa balikat ko. "Alam niya Cloud. Alam iyon ni Rain, Cloud" ... Nag titimpla ako ng kape para sa mga bisita close muna kami sa shop at nandito kaming tatlo sa funeral home at binabantayan ang labi ng kapatid ko. Dalawang araw na kami nandito at simula ng nangyaring iyon ay hindi kona kinausap si Van pero dito siya nag papalipas ng gabe. Narinig ko na Namatay si James dahil prenotectaktahan niya si Rain. Nakita ang bangkay nila na niyayakap ni James si Rain sa loob ng kotse. At natuhog si James ng patalim and it went through Rain Kahit papano gumaan ang pakiramdam ko dahil sa pagkakaalam na nakatagpo si Rain ng taong mahal na mahal Siya. Samantala si Miko ay na coma sa hospital pagkatapos nalang siguro ng libing at dadalawin ko siya doon. Hindi ko pa kayang iwan dito si Rain parang ayoko rin na ilibing siya dahil hindi kona siya ulit makikita katulad ng mga magulang namin. Nag titimpla ako ng kapi ng biglang pumatak nanaman ulit ang mga luha ko. Nakaramdam ako ng paninitig sa aking likod kaya pinunasan ko agad ito. ... Isang buwan na ang nakalipas simula nong nilibing namin si Rain malaking adjustment ang ginawa namin ni Cloud at Pao-pao. Hindi na ako nag hanap ng trabaho at nag focus sa shop. Lingo-lingo kong pinupuntahan si Miko sa hospital. At kahit ni minsan ay hindi ko na pinansin si Van kahit na buong mag-damag ang sasakyan niya sa labas ay hindi ko parin siya kinakausap. Nalaman ni Cloud na nalalag ang anak namin kaya noong pinakiusapan ko siya na hindi papasukin si Van ay sinunud niya ang utos ko. Nasa hospital ako at naki usap ang mommy ni Miko na ako muna ang mag bantay sa anak nila dahil may business meeting sila sa ibang lugar, apat na araw silang mawawala hindi naman ako tumanggi sa pakiusap nila. Tumawag naman sila kanina at ngayun daw sila uuwi. Mahalaga sakin si Miko isa siya sa mga taong pinaka importante sa buhay ko noong naaksidente sila ay si Miko ang nag dadala ng sasakyan at nasa likod sina Rain at James. alam ko naman na hindi sinasadya ni Miko at hindi niya gusto ang nangyari. Mahal ni Miko ang kambal na para na niya itong mga kapatid lalo na si Rain. Siya lang ang meron ako ng mga oras na kailangan ko ng tulong sa dalawa lalo na nong nagkasakit si Rain no'n at walang wala ako andiyan siya, kaya hindi ko kayang pabayaan siya dito sa hospital na mag isa. Natutulog ako sa couch ng biglang may tumawag ng pangalan ko. Minulat ko ang mata ko at nakitang naka upod si Miko sa kama niya. "Miko?!" Gulat kong tawag sa kaniya "Mahiga ka muna. At sandali lang at tatawag ako ng doctor." Tumayo ako at patakbo na lumabas nag hanap ako ng doctor at hindi naman ako na hirapan mag hanap. Pumasok kami nakaupo parin si Miko. Pinahiga lang ulit siya ng doctor. " Kailangan nating obserbahan mona ang kalagayan niya Miss. Sabastian, dahil sa aksidente ay maraming nabaling buto sa kaniyang paa. Mag sasagawa narin kami ng x-ray para sa kaniya. " Sabi ng doctor. Tinignan ko si Miko pero parang wala lang may nangyaring aksidente at masigla pa itong nakikinig sa doctor. "Miko, okay naba ang pakiramdam mo? Wala bang masakit?" Pag aalala kong tanong, nakalabas na ang doctor na tumingin sa kaniya at ang sabi ay aasikasuhin daw muna ang gagawing x-ray kay Miko, umuupo ako sa kama niya at tinitignan ang katawan niya kong may problema ba ito o wala. Saka inayos ko ang hinihigaan niya para maging kumportable siya. " Si Rain? Kasama ko si Rain noong araw na naaksidente ako sila ni James . Dito rin ba sila naka confine?" Natigilan ako sa tinanong niya at biglang sumikip ang dibdib ko sa binanggit niyang pangalan. " Wala na si Rain, Miko." Simple kong sagot dahil gusto ko nang umiyak. Ang huli kong iyak ay noong burol ni Rain, at nangako akong hinding-hindi na iiyak at hindi rin mawawala sa piling ko sila Miko at Cloud. Sila na lang dalawa ang lakas ko, indi kona kakayanin kong isa sa kanila ay mawawala pa. "Anong wala?" Taka niyang tanong at nanginginig ang kamay niyang humawak sa balikat ko. "Ba-bakit ka umiiyak Summer? nasaan si Rain?" Utal nitong tanong. Hindi ko namalayan nag silabasan na pala ang mga luha sa mata ko. Hindi ko kayang sabihin na patay na si Rain. Hindi ko kaya. Umiyak ko ng umiyak, gusto ko nalang kunin itong puso kong masakit na masakit na, subra na 'tong nararamdaman ko. Niluko ako ng taong mahal ko, namatay ang anak ko pati ang kapatid kong bata pa ay kinuha rin ng diyos. Hindi ko alam kong totoong mahal ba ako ng diyos. O sadyang ginawa niya lang ako para pahirapan ng ganito. Iyak ako ng iyak sa harap niya. Umupo ng maayos si Miko saka ako niyakap, "Miko hindi ko na kaya, no'ng natutulog ka dito sa hospital gusto kitang bug-buging para lang magising ka. Ayoko nang mawalan ulit Miko. Ayukong mawala ka rin.. Please Miko mangako kang hinding-hindi moko iiwan, please... " Pagmamakaawa ko sa kaniya habang yakap siya. Siya ang unang kumawala sa yakap namin at pinaharap niya ako sa kaniya. Tumango tango siya sa harap ko. "Summer, mawala na ang lahat, hinding-hindi kita iiwan, pangako iyan." Niyakap ko siya ulit ng mahigpit at nag papasalamat na sinabi niya ang mga katagang iyon. Sa ganong position kami naabutan ng mga magulang ni Miko. Nag punas ako ng luha at umayos ako sa tabi ng kama, naiiyak na nilapitan ni tita si Miko. Pinagmasdan ko silang na nag yayakapan sa harap ko, nilapitan naman ako ni tito na ama ni Miko at tinapik ang balikat ko. "Salamat sa diyos, at gising kana anak." Sabi ni tita habang umiiyak at yakap ang anak. "Summer, anak, dito ka nalang kumain. Samahan mo nalang kami." Pag aya saakin ni tito. "Okay lang po tito.. aalis narin naman po kasi ako para makapagpalit ng damit. Isa pa hinihintay na po ako ng mga kapatid ko sa bahay." " Summer, " tawag ni Miko na ikina gulat ng mga magulang niya dahil mula kaninang bumalik sila ay hindi na umiimik si Miko at pinag mamasdan lamang ako. " Hmm? " Nakangiti pa ako na bahagya pang naka taas ang mga kilay. " Gusto kong puntahan si Rain. " Nakita ko kong panu nag tinginan ang mga magulang ni Miko, nawala rin ang ngiti sa labi ko pero agad ko naman iyon ibinalik at tumango. May kaunting luhang bunagsak pero malibis ko itong pinunasan at naka ngiting tumango. "Oo kaya bilisan mo ang pagpapagaling. Matagal kanang hinihintay noon. Halo halo daw ang gustong pasalubong ni Rain Miko." Ang kaninang kaunting luha ay sunod-sunod na dumaloy, pero pilit ko paring pinatatag ang sarili at ngumiti habang hindi pinuputol ang tingin kay Miko. Nag mamadali akong nag paalam sa mga magulang ni Miko. Nasalabas ako ng hospital ng nakita ko si James. Nanlalaki ang matang pinuntahan ko siya at hinawakan sa siko. "James?" Taka niya akong tinignan at marahas na kinuha ang kamay na hawak ko. "Who you!" Inis nitong sambit, doon ko naalala na may kambal nga pala si James at totoong magkamukhang magkamukha sila pero magkaiba naman ang ugali nila. Sa tono palang ng mga pananalita ay makikilala mo agad kong si James ba ang nasaharap mo o hindi. Humingi ako ng tawad sa kaniya at umalis ngunit nabigla ako ng tinawag niya ang pangalan ko. ... "Ate, kamusta si kuya Miko?" Unang tanong ni Cloud nang pagpasok ko ng shop. Tinutulongan niyang mag sira si Pao-pao ng store at naka pambahay na ito ng damit. "Gising na si kuya Miko niyo." Sabay sila napatingin sakin. Maliit akong ngumiti sa kanila. Nakita ko ang saya sa mukha ng mga kapatid ko, sila ni Pao-pao at Cloud nalang ang kasama ko dito sa balay and we are still adjusting because our Rain is no longer here anymore. Pagkatapos naisara ang store ay sabay na kaming tatlo na umakyan. naka pag luto na rin naman si Cloud ng pagkain namin kaya kumain kami kaagad. As usual nag aaral tuwing gabi ang kapatid ko. Nag iba nga lang ngayun at tahimik lang si Cloud, noon kasi, maya't-maya ay may tinatanong si Rain kay Cloud. Wala siyang kasama dahil may pasok si Pao-pao at 9:00 pm ang uwi non. Pagkatapos kong maghugas ng pinggan ay umupo ako sa sofa malapit kay Cloud, ng lingunin ko ay hindi ito kumikibo at tutuk na tutuk sa librong binabasa kaya tahimik lang ako sa tabi at nag ce-cellphone, pag nakapasok nalang siguro si Cloud sa kwarto niya saka ako matutulog. "Ate." Basag nito sa katahimikan. Nasa akin na ang atensyon niya noong nilingon ko ulit siya napa tingin ako sa librong binabasa niya pero kumunot ang noo ko ng nakitang baliktad niya itong hinahawakan. "Ate, ano kasi..." Hindi pa niya nasabi ang gustong sabihin ay alam ko na ang gusto niyang ipahiwatig. Alam ko ang nararamdaman ni Cloud at kahit ako man kay gusto rin gawin ang naiisip niya. "hindi ka kumportable sa dito sa bahay?" Ako na ang nag patuloy sa gusto niyang sabihin. Ilang araw ko na siyang nakikita na ganito alam ko na hindi siya makapag focus pag nandito sa bahay at kahit ako ay nakakaramdam rin ng pangungulila. Hindi siya nag salita at binalik ang tingin sa libro at mahinang tumango. Binalik ko ang mata sa cellphone, "alam ko, ganun din ang nararamdaman ko Cloud. Kaya nag disisyon na akong lumipat ng bahay. Hinintay ko lang talagang magising ang kuya Miko mo." " Saan naman po tayo lilipat?" Tanong ni Cloud " Wag kang mag alala, meron tayong bahay na matutuloyan, wala akong balak na ibinta ang bahay na to dahil sila ni inay at itay ang bumukod nito Cloud, pero ayoko rin naman na dito ka at baka mabaliw kapa sa kakaisip." Sinabayan ko ng tawa ang sinabi para mawala ang awkwardness na namamagitan sa aming dalawa para na kasi siyang iiyak. Ngayun ko lang napag tanto iyakin pala itong si Cloud namin. " Ate, sigurado ka ba?" Tanong niya. Tinignan ko siya pero sa libro na siya natingin. Niyakap ko siya mula sa likod at ako na mismo ang unang umiyak. "Cloud, pasinsiya kana, kasalanan ni ate ang lahat at kung bakit ka umiiyak tuwing gabi. Pasinsiya na Cloud," " Ate, hindi mo kasalanan, wala ni isa ang may gusto sa nangyari. Kahit naman si kuya Van ay hindi niya inaakala na mawawala ang anak niyo." Hindi ko sinabi kay Cloud ang buong nangyari at ang alam niya lang ay nalaglag ang sanggol sa sinapupunan ko kaya ko hiniwalayan si Van. Tumango lang ako sa likod niya at pasinghap singhap. Hindi nasiya nag babasa at nag pupunas na ito ng sariling mga luha. Hindi ko kayang sabihin kay Cloud ang mga nangyari bago nalalag ang anak ko, kahit ganon ang mga nangyari ay pinagmumuhian ko ang sarili dahil mahal ko parin si Van Ang lalaking dapat ay tinanggal kona sa bugay ko at sana ay hindi ko nalang nakilala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD