chapter 4

3642 Words
Chapter 4 Naghuhugas ako ng pinggan. Kakatapos lang naming kumain at ako na ang nag hugas kaka manicure lang ni Rain, ayaw ko naman na masira ang manicure nito kaya ako na ang nag hugas ng plato. Nanunood ng tv si Rain, nasa sala si Cloud at nagwawalis. Sunday ngayon wala akong pasok kasi day off ko. Dalawang araw na ang nakalipas ng nagkita kami ni Van. "Rain, maligo kana. Cloud, tapusin mo nayan. Baka mahuli tayo sa simbahan." sabi ko sa dalawa. “Si Pao-pao nasaan?" Nilingon ko si Cloud at bahagyang tinaasan ng dalawang kilay nag hihintay ng sagot niya. "Nasa baba na po tapos na po siyang mag ayos kaya naghihintay nalang po sa baba." Tumango nalang ako at nag patuloy sa ginagawa. Mag aalas otso na ng umaga at 9:00 am ang misa sa simbahan. Ganito kami tuwing lingo, pagkatapos naming magsimba pinapasyal ko ang tatlo, pumupunta kami sa park, kumakain sa mga restaurant, nag m-mall at kong ano-ano pa. Nagmamadali kaming apat na lumabas mula sa maliit na pinto ng store nang makita ko ang sasakyan ni Miko. "Miko?" Bahagya pang kumunot ang noo ko, alam ni Miko na nag sisimba kami pag Sunday pero bakit siya nandito? "Sasama ako," sabi niya habang kinakamot ang ulo at nay mallit na ngisi sa mukha., Si Cloud na ang nag lock ng store dahil siya ang huling lumabas. Nasa simbahan na kami at nakikinig sa misa ni father. Tinutukoy nito ang tali ng nakaraan; ang tali kong saan hindi mo binibitawan kahit saan ka mag punta, Nang dahil sa taling ito hindi ka nakaka move forward kahit anong gawin mo. Hindi mo man ito mapapansin pero ang taling patuloy mong hinahawakan mula sa nakaraan, ang nag bibigay sayo ng rason kong bakit hindi mo magawa ang mga gusto mong gawin kahit anong gawin mo, kahit anong tyaga mo, at kahit anong hila mo hindi ka maka abante dahil sa naka tali ka sa nakaraang dapat sana nabitawan mo na. Alam mo ba kong bakit ka nakatali dito? Dahil merong parti sa puso mo na hindi malilimutan ang mga pangyayaring iyon. Think about it, naka tali ka sa mga bagay na ginagawa mo ay yung mga bagay lang na maabot mo pero hindi malayo dahil may tali ka sa nakaraan, pero what if binitawan mo ito? Maabot mo ba ang mga gusto mong gawin kahit na malayo? Maabot mo ba ito ng walang pangangamba? Magiging malayu ba ang mararating mo dahil sa pagbitaw mo na ang taling iyon? O baka mag sisi ka sa huli dahil mali ang naging disisyon mo. Ito ay naka basi sa iyo at sa gusto mong patunguhan, dahil tayo ay binigyan ng kalayaan ng diyos, na mag disisyon sa ating sarili. dapat nating pag isipan ang mga bagay bagay bago tayo mag disisyon sa bugay, at dapat sa mga disisyong iyon wag mong kalilimutan na ang Diyos ay naka bantay sayo at mag babantay sayo kaya manalangin ka lang. Pagkatapos namin sa simbahan, pumunta kaming lima sa restaurant at kumain ng tanghalian. 10:20 am palang pero gutom na daw si Rain. Malakas si Rain kay Miko, minsan nga eh parang si Miko pa ang kapatid nito kaysa sakin. Si Miko ang nagbayad, siya na daw ang bahala. Sa tagal naming magkaibigan ni Miko, tatlong beses palang siyang sumama samin mag simba. Noong una, pinilit ko siya bago palang kaming mag kaibigan non at nong debut ni Rain. Hindi gustong mag handa ni Rain non, gusto niya lang makasama ang mga kaibigan niya mag night swimming at mag simba kasama si Miko. Na touch si Miko nong araw na sinabi ni Rain yun, kaya hindi ito nag dalawang isip na sumama saming magsimba dahil birthday ng kambal at isa ito sa mga hiling nila. "Ate gusto ko ng 'halo-halo," sabi ni Rain sabay tingin kay Miko na parang nag paparinig. Napa iling si Miko habang naka ngisi, napansin siguro ang inasta ni Rain. Tinawag ni Miko ang waiter, "Cloud, Pao-pao 'gusto niyo rin?" Tanong ni Miko sa dalawa tumango lang ang mga ito habang ang lapad ng ngiti ng lokang si Rain, "Ikaw?" Tanong nito sakin tinuro pa ako ng hintuturo niya at nag nguya ng pagkain. "Ice cream ang gusto ko." Sabi ko at sinabayan ng tawa, natatawa ako kasi parang tatay siya na nagtatanong kong ano ang gusto naming apat na mga anak niya. Bahagyang ginulo ni Miko ang buhok ko, "Three special halo-halo and two strawberry ice cream please." Sabi niya sa waiter na agad namang nilista ang inorder namin. Alam ni Miko ang favorite flavor ko kaya hindi na ito nag tanong. Nakangiti ako hapang kumakain, si Miko parati ang gumagastos kung lalabas kami at kasama siya kaya safe ang pitaka ko, ewan ko ba kong bakit sino-spoiled nito masyado ang kambal kahit si Pao-pao eh nadala narin. Kong maka gastos kasi itong si Miko sa pagkain wagas, gusto ata kaming gawing baboy nitong si Miko. Kung araw araw lang siguro kami nitong kasama, baka hindi na kami magkasyang magkakapatid sa bahay. Pagkatapos naming kumain, pinasyal kami ni Miko sa IT park. Okay lang naman ang lugar, maraming gusali sa kada gilid nito tapos may mga swing, tapos sa harap naman ay may fountain. Maraming malalaking isda sa inuupuan namin, bale ang mga upuan ay may mga malalaking fishpond na nakakabit sa likod. At ang pinakamaliit na isda siguro eh parang isang braso ko. Kumakain ng ice cream ang tatlo habang masayang nag-uusap sa kanilang inuupuang duyan. "Kamusta? Nag uusap parin kayo ni Van?" Panimula ni Miko. Natigilan ako sa pagkain ng ice cream at napa lingon ako sa kaniya. "H-huh?" Tanong ko. " Bakit naman kami mag uusap non? Ikaw talaga." Sinamahan ko ng mahinang tawa. "Diba meron kang binabayaran sa kaniya, yung nabasag na salamin sa kotse niya?" Hindi siguranong tanong nito. "Ah... Yun? Napag-usapan na namin ang tungkol dun" Sagot ko. Totoo naman kasi, nag-usap at nagkaliwanagan na kami don, with benefits? "Ako nalang ang mag babayad sa kanya." Sabi niya. Nanlaki ang mga mata ko at tinaas ng husto ang kilay habang nakatitig sa kanya. “Bayaran mo nalang ako pagkatapos." Malaking iling ang ginawa ko dahil don. Hindi naman sa gusto ko na ako ang magbayad kay Van,.. 'Oh baka siguro may parte na ganon sakin para magkita kami... My God Summer please wag kang maharot’. Kasi naman ayaw ko na parati nalang sinasalo ni Miko ang mga problema ko, oo't marami silang pera pero hindi naman kasi yun. Yung punto, hindi dahil marami silang pera eh pagsasamantalahan kona iyon dahil magkaibigan kami, "Ako na ang bahala Miko." Sabi ko at nginitian siya ng maliit. "By the way, yiee.. Ikaw ha." Sabi ko sabay kurot sa tagiliran niya. "Sino yung babaeng kasama mo kahapon." pinanliitan ko pa siya ng mata na may pang tutukso sa mukha. Pag iiba ko ng usapan, "Sino yun? Sino yun?" Tanong ko habang ang isang kamay tinusok ng tusok ang tagiliran niya kaya lumayu siya ng kaunti sakin. "Stop it Summer!" bahagya pa siyang sumimangot para kunwari galit ito. Kinagat ko ang cone ng ice cream at nginisihan siya. "She's just a friend, ok?" Sabi niya natawa ako sa reaction niya para siyang bata na nahuling may ginagawang masama. Nang makita nito ang tawa ko sumimangot ang gwapo niyang mukha at ang makinis nitong noo ay kumunot dahil sa reaction ko, kaya lumakas lalo ang tawa ko. "Ahh...ganon?" Tanong niya sakin saka kinain ng buo ang paubos na cone na nasa kamay niya at mabilis niyang tinakbo ang distansya namin. Bago pa niya ako mahuli, naka layo na ako sa kaniya at lumapit ako kay Cloud para sana humingi ng tulong. Natatawa akong tumatakbo papunta sa kanila, nabigla pa silang tatlo pero mabilis akong ginapos ni Cloud para ipalapit kay Miko. Walang hiyang kapatid to,.. pinag isahan nila akong apat. "Mga walang hiya kayo! Wala kayong baon bukas!" Natatawang sigaw ko sa kanilang lahat. "Ako ang bahala sa inyo, guys." Ini-enjoy pa talaga ni Miko ang ginagawa nito sakin. 1pm na, at nag babantay ako sa isang customer dito sa Fermie na nag hahanap ng magandang couch para sa bago nitong bahay. Isa lang ang customer namin ngayon at ako ang nag gu-guide sa kaniya may tanong siya pa minsan minsan na agad ko naman sinasagot. Suki na namin ito dito kasi pangilang bili na niya to. Ako ang hinahanap nito parati pag bumibili ito dito. Nasa 50's na ang edad at ang bait- bait niya sakin. Biglang lumapit si Rose sakin, kasama ko sa trabaho may binulong ito na hindi ko ma intindihan, busy ang customer namin sa paghahanap ng couch. "Ano?" Taka kong tanong kay Rose para lang kasing lamok ito na bumulong sa tenga ko, hindi ko ma intindihan. "Isa sa may pinakamalaking share ng company na tinatrabahuan natin ay nandito." Sabi nito parang kinikilig pa ang loka. "Siya ang magiging boss natin ngayon, napromote kasi si Ma'am Viner." Sabi nito na may malungkot na mukha pero agad din ito nawala. Napalitan ng ngiti sa labi. "Pero okay lang, gwapo naman ang papalit kay Ma'am" ngumingisi ito habang nag sasalita "Ang hindi ko maintindihan malaki ang share niya sa company natin pero bakit siya ang papalit kay Ma'am Viner?" Sabi ko na may pagtataka. Napatingin samin ang customer. Sasagot pa sana siya ng biglang nag salita ang customer, sa tagal na ng pabalik balik dito nitong si Ma'am, ni minsan hindi ko natanong dito ang pangalan niya, siya lang ang nakakilala sakin alam nito ang pangalan ko. At ang tanging alam ko lang ay siya si Mrs. Santos Hi "I want this, iha" sabi nito sabay himas sa 'velvet mint blue rounded shape sofa. Napangiti ako sa napali niya ang ganda kasi non lalo na at iilan lang ang design na ganito. The best talaga mag pili itong suki namin "I'll prepare your 'payment ma'am" sabi ko habang naka ngiti. Papunta ako sa counter para ihanda ang payment ng suki namin pero hindi ko paman naabot ang counter ay may nakita na akong familiar na umuupo sa upoan ko. "Excuse me, bakit nandito ka?" Tanong ko sa nakaupong si Van" hindi ka man lang nag text, hindi ka pwede dyan! Do'n ka nalang muna sa labas hintayin moko don." Pagtataboy ko. Hinila ko pa siya pero mahina lang dahil may customer ako at baka kung ano pa ang isipin nito katulad na lang nang nag tataboy ako ng customer. Tinitigan ako nito na sinamahan ng masamang titig . "Van, please wag tayong mag usap dito. Mamaya pag wala na akong customer pupuntahan kita sa labas. Promise." Pinahina ko ang boses para kami lang ang makarinig ng biglang dumating ang customer at si Rose na nag-uusap tungkol sa sofa. Lumaki ang mata ni Rose ng makita niya akong nakahawak kay Van. Lagot na. Napayuko ako sa hiya. Nahihiya ako kay Rose baka isipin nito nag dadala ako ng lalaki sa shop. Inangat ko ng kaunti ang ulo para tignan si Rose mag e-explain ako sa kaniya. " Hindi gano-" naputul ang sasabihin ko ng may sumigaw mula sa labas . "Sir Christian!" Sigaw nito tumakbo pa ito papunta samin hinampas niya ang kamay ko na nakahawak kay Van . Nagulat ako kaya lumaki ang mata ko sa pagtataka, "S-sir... Sorry, magpapaliwa-" Naputol ang sasabihin ko ulit ng kinuha ni Sir Meirgo ang alcohol at binuhusan nito ang panyo niya, natataranta niya itong pinahid sa braso ni Van kung saan ako nakahawak kanina. "Sorry, Sir Christian, hindi na po mauulit to.” Sabi nito kay Van, lalo akong nagtaka. Napakunot ang noo ko sa sinabi ng bakla naming manager, si Sir Meirgo. Nilayo ni Van ang kamay niya na pinapahidan ni Sir. Tinignan ako ni sir Meirgo at hinampas niya ako sa balikat, masakit iyon kaya napa pikit ako ng kaunti at bahagyang yumuko habang nagtataka parin ako sa mga nangyari. "Explain yourself!" Galit nitong sabi. "S-sorry po, Sir." Tanging nasagot ko lang, nakayuko parin ako sa hiya. Habang nakayuko ako, nakita ko sa gilid ng mata ko na ang customer namin ay papalapit samin. "Excuse me," Panimula nito "whoever you are, I just want you to know that kanina pa ako nandito. Umalis lang to si Miss Sabastian to process my payment, and who do you think you are to insult this young lady? You even lay your hands on her." Masama nitong sinambit ng customer. Natouch ako dun sa pagtatanggol niya sakin. Hindi ko rin alam ang kasalanan ko, kaya napahawak nalang ako sa damit ng customer namin hindi kami ganon ka close nito pero ayaw ko rin naman na mapaaway ito ng dahil sakin "O-okay lang po ako, Ma'am." Sabi ko sa customer namin. Magsasalita pa sana si Sir Meirgo ng magsalita si Van. "She's mine." Sabi nito. Nabigla kaming lahat na nasa loob ng shop sa pag salita ni Van. "What?" Lalong nagalit ang customer namin. "Kung isa ka sa may-ari ng shop nato . So yes, She works for you, 'but you don't own her" matigas nitong sambit. Nakita ko kong panu nag iba ang mukha ni Van. Naiinis ito sa mantanda. Kung tumingin ito dito ay walang paggalang. Akmang lalapitan siya ni Van ng may biglang pumasok sa loob ng shop. isang lalaking kasing tangkad ni Van maging ang pangangatawan nila ay magkasing katulad lamang at.. at ang hindi kapanipaniwala ay siya si Arthur. Ang lalaking unang sumira ng tiwala ko Lumapit siya sa amin "Anong nangyari dito?" Tanong niya. tinignan pa ako nito na walang kahit anong gulat sa muhka Yumoko ako dahil sa hiya at ayokong makita si Arthur. Ayokong makita niya ako na nakatingin sa kaniya Hinawakan ako ng customer namin sa balikat at dahan dahan itong hinagod, napatingin ako sa kaniya, ngumiti ako at nag pa thank you dito na kahit walang lumabas na tunog mula sa bibig ko. Tumango lang ito at ngumiti pabalik sakin. Nang tignan ko si Van, sakin ito naka tingin. Nailang ako kaya napatingin ako kay sir Meirgo at nakita ko na masama ang tingin nito sakin pero kay Van parin nakaharap ang katawan niya "Summer tawag ka na ni sir Christian" sabi ni Rose, kaka galing lang nito sa loob ng office ni Van, este sir Christian pala. Employee na kami dito sa Fermie pero may interview nanaman kami dito dahil daw kailangan na makausap ni sir Christian lahat ng trabahador. Kami palang ni Rose ang makakausap niya, ako ang susunod. Kinakabahan ako dahil hindi ako naka pag prepare tapos yun pa ang nangyari kanina. Pagpasok ko, nakita ko ang tatlo na nakaupo. nasa mahabang upuan si Arthur at sir Meirgo, habang si Sir Christian ay nasa isahang upuan. Dalawang nakaharap na mahabang upuan at isang tigisahang upuaan. Pumwesto ako sa harap nilang tatlo, nakayuko ang ulo, nahihiya parin ako sa mga nagyari kanina. "I'm thirsty" panimula ni Van napatingin ako sa kanya. Hinihimas niya ang lalamunan na para bang uhaw na uhaw talaga ito. "I want fresh milk" sabi pa. Sabay himas ng hintuturo nito sa tungi ng ilong niya. Baliw na ako, bakit ba kasi ang cool nitong si Van. Nakita ko kung paano titigan ng masama ni Arthur si Van naka taas pa ang kilay niya. Si sir Meirgo parang natutulo na mga laway dahil kay Van, umiwas ako ng tingin sa kanila tinignan ko nalang ang mga paa ko. Nabigla ako ng biglang sumigaw si sir Meirgo. "Summer!." Sigaw niya at napa talon pa ako sa gulat. Pinanganak ba tong si sir Meirgo na may saltik sa utak? Bigla bigla na lang kasi kong sumigaw "Narinig mo 'ba ang sabi ni sir 'Christian" may panggigigil na sabi niya "Ahh... O-oo" sabi ko akmang kikilos na ako ng magsalita si Van "No, I need her. We have an interview, 'remember?" Sabi nito kay Meirgo na tinaasan pa niya ng kilay naalarma si sir Meirgo at napaupo bigla ng tuwid "Ye-yes sir. Ako nalang ang bibili sayo ng gatas" naging maamo ang boses ni Sir Meirgo. nakatayo na si sir Meirgo ng magsalita ulit si Van "I said fresh milk" walang buhay niyang sambit "Huh" tanong ni sir Meirgo. Tumawa ng mahina si Van. Hindi ako mabibigla sa reaction ni Arthur, kasi kahit ako man ay nagtataka sa mga kinikilos ni Van "Gusto ko sa farm ka namin mismo kumuha ng gatas" sumiryoso ang mukha nito " I want you to get the milk from the buffalo by yourself" taas kilay nitong sabi Nanlaki ang mata ko pero agad ko namang inayos ang sarili ayaw kong mapagalitan ni sir Meirgo mamaya. "But si-" nabutol ang sasabihin niya ng itinaas ni Van ang kamay niya "I said , I'm thirsty" sabinl niya na walang kahit anong emotion sa mukha "Okey Sir" Ngumiti si Sir Meirgo tapos lumabas ng office. "Okey, 'what's your name?" Panimula nito kumunot ang noo ko sa tanong nya. "Summer?" Hindi ako sigurado sa sinabi "Full name" tanong nito ng napatingin ako kay Arthur naiilang kasi ako na nandito siya at nakatitig sakin. "Arthur, 'what's exactly are you doing here?" sasagot na sana ako ng mag salita si Van. "Sabi ni nanay samahan daw kita dito, baka may mga kailangan ka kaya pwedi mo akong sabihan" cool nitong sabi. Tumayo si Arthur at lumalapit sakin, natigilan ako sa ginagawa niya "I'm Arthur Hermos" sabay abot ng kamay nito sakin. Gago kaba Arthur? Syempre kilala kita umalis ka ng walang paalam at.. at ngayun babalik ka na parang walang nang yari? "And you are?" Tanong pa niya. gusto kong maluha sa ginagawa niya sakin. nasasaktan ako, dahil sa hindi niya pag contact sakin 5 years ago kong saang araw na kailangan na kailangan ko siya ang araw ng namapatay ang papa saka niya ako iniwan sa ere, tapos ngayun magpapakilala siya ulit. wala kaming closure kaya siguro ganito ako ngayun Hindi pa ako nag sasalita ng may humawak ng kamay ko yung kamay na dapat ay iiabot ko kay Arthur "Go out I don't need your help" sabi ni Van "Alright, alright" sabi nito tinaas pa nito ang dalawang kamay, patunay na sumusoko na siya at saka ito ngumingising lumabas ng kwarto "You okay?" Tanong ni Van sakin pagkatapos kong matulala ng sampong sigundo. baka nga matagal pa sa sampong sigundo "Mag reresign ako." Wala sa sariling sambit ko. "No! I won't let you do that" mahina niyang sigaw niya sakin. Halatang nagpipigil ng galit sakin, habang ako ay na iiling sa sinabi niya "Hindi mo pweding gawin yun Van" naiinis na ako sa kaniya. Lahat ng bagay na ayaw ko sa isang lalaki nasa kanya. " I won't let you go, nahawakan na kita, akala mo ba makakaalis ka pa?" Pumunta siya sa upoan niya na hindi pa din pinaghihiwalay ang mga kamay namin "Sit" kung makapag utos siya para niya lang akong aso ah, 'sabagay ganun talaga pag mayaman Binigyan ako nito ng papel at ballpen. "Ilagay mo diyan ang tungkol sayu. Lahat allergies, favorites mo." "Kasama ba talaga 'to?" Tanong ko. Kinuha ko pa ang kamay ko sa kaniya at itinaas ang papel ng bahagya. tinignan naman niya ako ng masama kaya napasunod nalang ako sa kaniya, ano pa ba magagawa ko? After 5 minutes natapos kona sagutan ang mga tanong nanakalagay sa papel. puro favorite yun; favorite flavor, favorite color, favorite food, at kong ano ano pa. Ng matapos ko sagutan lahat kunot noo ko tong tinitigan. bakit ganito ang mga tanong nito? Ng mabaling ang paningin ko kay Van. Masuri niya akong tinitigan, tumaas ang dalawa kong kilay ng dahil sa titig niya. Nabaling ang mata niya sa papel na tinataas kona patunay na tapos na ako. kinuha niya iyon at binasa naka ngiwi siya habang pinabasa ito. Tumayo siya, at pumunta sa desk niya binaba niya doon ang papel at umupo sa working chair. "You can go" sumandal pasiya sa upuan at pinikit ang mga mata "Magtatawag po ba ako ng susunod na empleyado sir?" Tanong ko "No" he simply answered Napalunok ako at tumayo na't umalis, may tupak ba si Van?. Bago ako lumabas sinulyapan ko pa siya ng isang beses nakita ko na naka pikit parin ang mata nito. Naka ngiwi akong lumabas ng office nya. "Sum' anong nangyari okay kalang ba?" Pagalala ni Rose sakin marami kaming nagtatrabaho dito pero si Rose ang pinaka malapit sakin. Mabuti na lang at break time kanina nang dating si Van kaya kay Rose lang ako napahiya. "Wala naman. May pinasagotan lang siyang papel, tapos natulog na." Napahina ang boses ko don sa pagiisip na bakit ganon ang mga question non? May question pa sa huli na kong may gustong humawak sakin, saang parti ng katawan ko ang gusto kong ipahawak, ang weird pero sinagot ko nalang na wala. Wala naman kasi akong maisip, kung kamay ayoko naman na kung sino-sino ang humawak ng kamay ko. 3:30 ng makarating si Sir Meirgo, na bigla pa kami ni Rose at ang iba naming kasama nang makita siya na may isang dahon na nakasabit sa ulo niya at magulo pa ang buhok. Pa hingal-hingal din ito ng pumasok sa loob, akmang bubuksan niya ang pinto ng bigla itong bumukas at niluwa si Van, nasa counter ako ng shop naka upo malapit sa pintuan ng office ni Van. "Sir, sorry na-natagalan," Paputol-putol ito sa pagsasalita dahil sa hingal siya ng hingal. Nilagpasan lang siya ni Van, "Throw it." Kumuha ako ng papel para umiwas ng tingin sa kanila, nag sulat din ako ng kung ano-ano para maging besi-busy-han. "Pero, Sir-" Naputol ang sasabihin ni Sir Meirgo ng nakalabas na ng shop si Van. Nilagay ni sir Meirgo ang gatas sa lamesa kung saan ako nakaupo, napatingin ako sa kanya dahil naramdaman ko ang titig nito sakin. Nakita ko siya na masama ang tingin sakin habang hinihingal pa, kinabahan ako sa titig nya kaya automatiko na napa upo ako ng tuwid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD