chapter 10

2887 Words
Chapter 10 "Aray naman, Rose." Malakas akong hinampas ni Rose sa balikat nang pumasok na kami sa shop. Nagalit ito nang nalaman niyang binigyan ko ng malaking teddy bear si Mikayla. "Saan mo binili to? Isusuli natin. Ikaw talagang g*g* ka. Alam mo naman na kailangan mo ng pera, diba? Para sa tuition ng kambal mo tapos bumili kapa ng ganito kamahal." Maingat nitong pinaupo ang teddy bear sa upoang malapit sa cashier. "Hindi ko alam." Mahina kong sambit. Parang ayukong sabihin sa kaniya na galing yan kay Van at baka lalong magalit. Kanina no'ng kinuha niya ang teddy bear nalungkot si Mikayla at iiyak-iyak pa itong umalis, baka mamaya kong sabihin ko sakaniya baka ako naman ang paiiyakin nitong si Rose. "Anong hindi?" Ng natapos na niyang ipa-upo ng maayus ang teddy bear saka siya tumayo ng tuwid at kunot noo akong tinignan. "Rose, galing... Galing kasi yan kay Van." Kinabahan ako sa paglaki ng mata niya parang gusto niya akong bug-bugin sa narinig. "Baliw kana ba? Galing kay sir Christian yan, tapos binigay mo kay Mikayla?" Mabuti nalang at wala customer. At alam kong rinig ng mga kasamahan namin ang sinigaw ni Rose. Pero alam naman nila ang tungkol sa amin ni Van. Minsan konang narinig na pinag usapan nila ako sa CR, napa ngiti pa ako dahil wala silnag sinabing masama sakin, kahit na hindi ako masyado nakikipag kaibigan sa kanila. "Rose, naman, yang bibig mo." Inirapan niya ako dahil sa sinabi. "Kasi naman Summer, ano ba kasi ang pumasok diyan sa utak mo?" Sasagot pa sana ako ng biglang may punasok sa shop. "Good afternoon sir Arthur." Sabi ng isa sa kasamahan namin napa tingin ako sa pinto at agad na umalis sa harap ni Rose para makapag trabaho na.. Bumati rin ako kay Arthur. Tinignan niya pa ako pero agad naman akong umiwas sa kaniya at nag tungo sa bagong dating na customer. Naramdaman kong sinunud niya ako ng tingin... At binalewala ko lang 'yon. Ng natapos kong asikasuhin ang customer, bumalik na ako sa pwesto ko kanina at nag hihintay ulit sa bagong customer.. mabuti nalang at may inaasikaso si Rose kaya panatag ako na nag susulat ng mga information about sa mga stocks na bagong dating. Biglang dumating si Sir Meirgo nag taka ako kasi parang natataranta siya habang may kinakausap na matandang lalaki sa palagay ko nasa 70 years old na ito. "Sir, sorry it's all my fault.. I'm the one who told sir Christian to handle this shop." His voice is shaking but he try to look normal. "Enough Meirgo, who do you think you are to talk to me like that?!" Natakot ako sa boses ng matanda. Tinuro turo pa niya si Sir Meirgo. Yumoko ako ng makarating sila sa harapan ko habang galit akong tinignan ng matanda. "Where's Van?" He ask, as I tried not to shake and stutter while I answer. "In his office Sir." I felt guilty because of what I said, like it was wrong. Tinignan nanaman ako ng masama ni Sir Meirgo,. And they continue to Van's office. Ng nakapasok na sila napa tunganga ako sa pinto. Isa sa mga katrabaho ko ay pumunta sakin at tinapik ako sa balikat, at pagkatapos ay binigyan ng tubig. "Okey kalang?" May pag alala sa mukha nito. "Okey lang ako... thank you." Nanginginig ang kamay kong kinuha ang baso.. hindi ko alam kong bakit ganun nalang ang kaba ko nong nakita ko ang nakakatakot na itsura ng matandang 'yon. "Okey lang yan, 'yan din ang reaction ko ng una ko siyang nakita. Hindi ngalang katulad ng sayo na kinausap ka pa niya, pag ako siguro yon hihimatayin ako dahil sa kaba." Kunot noo ko siyang nilingon at uminom pa muna ako ng kaunting tubig para kasing naubosan ako ng tubig sa katawan ng nakita ko yung matandang 'yon. "Anong ibig mong sabihin? Kilala mo 'yon?" Tanong ko at napa ngiwi ang itsura niya sa tanong ko. "Summer 5 years kanang nag tatrabaho dito hindi mo parin kilala si Don Francis Castillo?" Tanong niya at taka akong tinignan.. familiar ang pangalan niya pero hindi ko pa kasi nakita yon matandang 'yon. "Siya ang may ari ng mall na to, Summer... Siya din ang may ari ng Fermie corporation. Isa siya sa pinaka malaking tao dito sa Pilipinas. He has successful businesses here and outside of the country. Isa pa meron din siyang mga hasyenda, isa na don ang hasyendang Grace kung saan ako lumaki. Siya ang nag bigay sakin ng trabaho dito sa manila. Sa tatlong mall niya dito meron siyang pinapa trabahong tao na galing sa ibat-ibang hasyendang niya." I was about to speak ng lumabas si Sir Meirgo. Masama itong tumingin sakin habang naglalakad palapit. "It's all you fault, Summer..Pag may nangyari talagang hindi maganda kay Sir Christian. Mananagut ka talaga sakin,.. understand?" Tango lang ang nasagot ko dahil sa takot kay Sir Meirgo. "Bilhan mo kami ng maiinom. bilis!" Tumango ako at patakbong lumabas ng shop. Pahinga hinga akong pumila sa coffee shop. Bakit kaya nandito ang may ari ng Mall? "Four Americano, please." Sabi ko ng ako na ang nasaharap. Alam ko na Americano ang palaging iniinom ni Van maliban sa vodka. Nag isip naman ako ng masarap na kape para sa may ari ng mall, pero kasi wala akong alam sa kape. Hindi naman ako umiinom non. Ng nakuha kona ang inorder agad akong bumalik sa shop. Kumatok ako sa pinto, gusto ko sana'ng si sir Meirgo nalang ang kukuha ng kape para sana hindi na ako pumasok kaso si Arthur ang bumukas ng pinto. Pinapasok niya ako at agad ko namang pinatong ang binili sa lamesa. Isa isa ko yung nilapag "Sir, I want to stay here. And it doesn't mean na hahayaan ko na ang iba kong trabaho. I know my duty for your company, sir." I was shocked by Van's voice because he spoke so calmly. "Make it sure, Mr. Vilaure" " may diin nitong sabi. "I will never disappoint you sir." Yun ang huli kong narinig ng tuloyan ko nang isara ang pinto. Grabe ang awra ng matanda para mawawalan ako ng hininga sa presensya niya. I didn't look at him again, because I was scared and I felt like I would faint the next time our eyes met. I shook my head to focus sa mga ginagawa ko. Nasa meeting kami ng mga impleyado dito sa shop. Dahil sa susunod na linggo na ang anniversary ng Fermie. Nag lilista ako ng mga kakailanganin namin sa maliit na celebration na magaganap at kong saan ito magaganap Nasa kinse'ng impleyado lang naman kami dito sa shop kasama na ang delivery boy namin. Walang customer dahil sa gabe na naman din bihira lang ang magka costumer ang shop namin pag gabe. Nag txt ako kila Cloud na gagabihin ako sa pag uwi dahil sa biglaang meeting. "What about mag night swimming tayo?" Agad nag sang ayon ang lahat sa sinabi ni Maye. Ako lang ata ang hindi. KJ na kong KJ, hindi lang dahil sa wala akong gana sa mga ganyan. e, wala din akong maisip na susuotin.. Kaya nag suggest akong mag dinner nalang kami para hindi masyagong gastos. Pero wala ni isang may nakarinig sa suggestion ko. Kaya nakinig nalang ako at nag sulat sa tabi. Marami kaming mga pagkaing naisipang dalhin inisa isa ko lang 'yon isinulat. Ako na ang nag presinta sa mga inumin namin Saktong 8 pm ay natapos ang meeting, Naginhawaan ako kanina sa meeting namin dahil umalis si Van kaninang hapon kasama ang matandang yon. At naka uwi na ako ngayun ngunit hindi parin siya nag paramdam kahit txt man lang eh wala akong natanggap. Kunot noo akong humiga ng kama. Bakit kaya gustong manatili ni Van sa shop? Hindi naman siguro dahil lang sa gusto niya akong gantihan. Napaka unprofessional naman ata kong ganun.. I removed what was on my mind because I wanted to go to bed early. And I didn't fail nakatulog nga ako ng maaga but woke up at 5 am because of Van's call. Hindi ko pinansin 'yon dahil sa inis. nakaramdam ako ng inis sa hindi nga pag tawag o kahit txt lang man sa'akin kagabi. Inayos ko na ang pagkain ng mga kapatid ko hindi na ako nag abalang buksan ang cellphone ng tumonog ito ulit kanina dahil sa messenger. Paniguradong GC lang ito ng mga classmate ko noong high school.. Naging madali ang oras dahil apat na araw na noong pumunta dito ang may ari ng mall. Naging busy si Van ngunit hindi nawalan ng oras para sakin halos gabi gabi na siyang pumupunta sa bahay. Naging close nadin sila ni Cloud dahil sa binigyan niya ito na limang box nang cheese. Binenta ba naman ako sa cheese lang, wala talagang hiyang kapatid. May ginagawa ako sa counter ng biglang may dumating na customer. Familiar siya pero hindi ko lang ito pinansin bagkus ay pormal ko siyang kinausap. "Good morning sir.. what do we need, 'po?" Tinignan ko siya ng maigi. Dahil hindi ito kumikibo. "Sir?" "Ahh.. napatingin lang ako." Sabi niya sabay alis. weird. "Summer!" Napa talon ako sa gulat dahil sa biglaang pag sigaw ng demonyo sa likod ko.. Ng tignan ko ito I saw the red b****y eyes of Van. I was confused first but alam kona kong bakit but still. "Po?" "In my office!" Galit na naka tingin si Van sa lalaking kakaalis lang ng shop. Nag kibit balikat nalang akong pumasok sa office niya wala akong magagawa siya ang boss e. "Yes sir?" Panimula ko ng nakapasok na sa office niya. "Explain yourself." with authority in his voice. "Po?" Maang maangan ko pa. "Summer, damn it.. why are you so formal with me?" "Van..." Gamit ang pagod kong boses. Ayokong makipagtalo sa kaniya ngayon gusto ko ng katahimikan kahit isang araw man lang. "Summer, I don't want you talking to any men." Galit ang mukha niya pero mahinahon naman ang boses. "Imposible yang gusto mo Van, isa akong sales lady dito sa shop niyo." Pilit kong tinatanggal ang inis sa boses ko. "Then be my secretary" kong sabihin niya parang ang dali dali lang sa kanya ang lahat. Kaya mas lalo akong nainis, kumonut ang noo kong tumaas ang isang kilay."Are you out of your mind? May secretary kana Van." "Then, I'll fire her." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at umiling sa harap niya. "Hindi ako papayag." "Then don't talk to any of my men." Lumalaki ang mata niya habang nagsasalita. "Ang gulo mo Christian Van." Pagkasabi ko non saka ako lumabas at pumunta sa dating pwesto. Nasa counter ako ng narinig kong bumukas ang pinto ng office ni Van, nanlaki ang mata kong tinignan siya ng nakita kong dala niya ang swivel chair. Tinignan ko siya habang dumadaan sa harap ko. Nilagay niya ito sa bandang halaman sa kilid mismo ng pinto. Sinundan ko siya ng tingin habang naglalakad pabalik sa office niya. Ilang minuto nakita kong may maliit siyang lamesang binubuhat, nilagay niya ito sa harap ng swivel chair niya at agad na pumasok ulit sa office. Ang sunod niyang dala ang mga paper works niya at ang laptop. Nagkatinginan kami ni Rose at walang kumausap sa kaniya dahil masama nanaman ang timpla nito.. "Nag away kayo?" Tanong ni Rose sa tabi ko. Umiling ako sa kaniya at agad na pinuntahan si Van. Ngunit hindi pa ako nakakalapit ng nagsalita na ito. "Don't mind me. Do your works." Sabi nito at saka tinignan ang mga impleyado. Wag daw siyang pakialaman kaya bumalik ako sa tabi ni Rose. Hindi ako masiyadong nakagalaw dahil sa paninitig ni Van sakin. Nagngangalay na ang paa ko kakatayo, dahil sa hindi ako makaupo o kahit pag hinga ko ng maayos ay hindi ko magawa ng dahil sa paninitig nito'ng si Van sakin . When suddenly someone saved me. "Ija, meron kayung lamesa dito?" Sabi ng mabait na matandang customer namin siya yung suki namin dito sa shop. "Opo, dito po banda." Muntik pa akong ma tumba sa biglaan kong pagkilos. nalimutan kong isang oras na pala akong nakatayo at hindi makagalaw. Mabuti nalang at naka balanse ako at naging maayos ang pag lalakad ko. "Para po ba saan ma'am?" Tanong ko sa matanda. "Kasal kasi ng anak kong babae. Gusto ko sana siya regalohan chandelier kaso naisipan kong mas mabuti kong glass table nalang ang iregalo ko sa kaniya." Paliwanag nito habang nag lalakad kami at gina-guide ko siya papunta sa mga table namin.. Sinamahan ko siyang namili ng gusto niya at agad naman siyang nakapili.. "Summer iha, may nobyo kana ba?" Nabigla ako sa tanong ng matanda. "Wala po ma'am bakit po?" Sagot ko na nakangiti "Timing, ang anak ko kasing lalaki gusto kong ipakilala sayo hindi pa nakakapag nobya yun." sagot nito na nagpawala ng ngiti ko. "May kapatid po kasi akong pinagaaral ma'am wala pa po yan sa isipan ko." Nakita ko ang paghihinayang sa mukha niya . "pwedi naman kayung magkita kahit isang beses lang." Pilit nito. "susubokan ko po ma'am, pag may free time po ako." Sagot ko nalang para tumigil na. nahihiya narin ako dahil sa pagrereto ng anak niya sakin. Malapit na kami sa cashier. Ng bigyan niya ako ng number. "Number yan ng anak ko wag mong kalimutang itxt 'yan." Sabi nito na may ngiti sa labi agad naman akong napa ngiti sa kaniya at tumango. Binayaran niya at ipina deliver ang table na binili sa amin. kinuha niya rin ang numero ko para daw matawagan ako At baka daw makaligtaan ko pa itong gawin, kaya binigay ko nalang. Natapos ang araw na iyon na puro kaba ang naramdaman ko Dahil sa hindi ako masiyadong makagalaw sa pagbabantay ni Van. Pag may mga lalaking dumadating ay masama niya akong tinitignan at inuutosan ang ibang empleyadong umasikaso rito. Nasa loob ako ng sasakyan ni Van habang siya ay tahimik na nagmamaniho. Ng biglang tumonog ang cellphone ko nakita kong nilingon ako saglit ni Van. Unknown number ito. "Hello." I answered while looking outside the window. "Hello, This is Kerson. Miss Winny's son. Sabihin mo nalang kay mommy na nag kita na tayo. I don't f****ng want to know you... Aray, mom!" Narinig kong sigaw sa kabilang linya. Napangiti pa ako dahil alam kong binatukan siya ng mom na tinatawag niya dahil sa mahinang kalabog sa kabilang linya. "Summer iha, pasinsiya kana sa anak ko ha." Paumanhin ni tita Winny. Yun pala ang pangalan niya. It suits her. "Okey lang po tita. May pagka pilyo pala yang anak niyo." Natawa ako habang nag sasalita. "Oo.. pero mabait to iha wag kang mag alala." Sabi nito at nag paalan na. Dahil may gagawin pa daw siya. Agad akong nakatanggap ng txt ng ibinaba ko na ang phone. Unknown number: when is your free time? Me: Sunday in the evening lang siguro. Unknown number: let's meet .. I'll just text you the place later. When mommy is no longer by my side .. kainis... Natawa ako sa txt "Sinong ka txt mo." Nabigla ako sa biglaang pagsalita ni Van. "Si tita Winny" sagot ko baka magalit nanaman kong sasabihin kong lalaki ang katxt ko. Kerson sounds familiar. Wait... Nanlaki ang mata ko sa naisip. Hindi naman siguro. Isa pa maraming Kerson sa mundo hindi lang anak ni tita Winny ang may nagmamay ari nang Kerson na pangalan. "What are you thinking?" tanong ni Van sakin na nagpa kulo ng dugo ko "Pati ba naman yung iniisip ko pakikialaman mo Van!?" Inis kong sabi dito. "I'm just asking, because before you were smiling and then all of a sudden your face was serious!" Pasigaw na sabi nito. "Paki mo ba!" Inirapan ko nalang siya dahil sa inis. "I do care because you're here in my car. How do I know if you'll kill me later on!" Tinignan ko siya ng masama sa sinabi niya. Mabuti nalang ay nandito na kami sa harap ng store kaya agad akong lumabas at badabog na sinira ang sasakyan. Padabog din akong umakyat kahit alam kong hindi siya sumunod. "Miko?" Tanong ko kay Miko ng nakita ko siyang ngumingiti sa bintana. "Bakit andito ka?" "Nag txt si Cloud na nabobored daw siya dahil sa sem break nila ngayun at wala siyang magawa, kaya pumunta ako dito at naglaro kami ng card. Gusto mong sumali?" Ngumingiting sabi nito. "Ayoko." Sabi ko at saka pumasok sa kwarto naligo na ako at lumabas ulit para kumain, sila ni Rain na ang nag handa ng hapunan. "Summer nag away nanaman kayu ni Van?" Panimula ni Miko. Hindi ko maintindihan din ang isang to noo'ng una parang gusto niya akong itago kay Van pero ngayun botong boto na.. "Kakainis siya Miko. Pinakikialaman ba naman kahit yung iniisip ko!" Inis kong sambit naghuhugas ako ng plato at siya naman yung audience ko sa gilid. "May ginawa ka sigurong masama, 'ano?" Pinanliitan ko siya ng mata dahil sa narinig. "Ako pa ang may kasalanan e, siya nga tung bigla lang magagalit pag may kumausap sakin na customer." Inis kong sabi "Correction lalaking customer." Masama ko siyang tinignan "oh.. bakit, totoo 'diba?" "Umalis ka diyan naiimbyerna ako sa inyo." Sabi ko sabay taboy sa kaniya tumawa lang ito at nagtungo sa sala. next time I'm really going to hit Van's face, pag mangingialam ito ulit sa buhay na may buhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD