chapter 13

2476 Words
Chapter 13 "Ate..." Tawag ni Rain sakin parang nahihiya pa ang boses nito "Hmm?" Sagot ko. "Ate, Ano kasi... Pupunta kasi dapat si James sa bahay." Yumoko ito at pinag laruan pa ang daliri niya. Ang cute talaga ng kapatid ko pag nahihiya. Parang ayoko pa tuloy tanggapin na may nobyo na ito "E, ano pa ang hinihintay mo dito?" Tanong ko sa kaniya kaya napa angat siya ng ulo at tinignan ako na nag tataka. " Umuwi kana. e kamusta mo nalang ako sa kaniya baka kasi mamayang gab.e pa ako makakauwi gusto ko pang pumunta ng OB para mag pa kunsulta." Sabi ko dito ngumiti naman ito at tumangong tumayo. "Rain isama mo si Pao-pao, Cloud dito ka nalang mona sakin at samahan mo nalang ako dito." Sabi ko Tumango lang ito at nag iba ang mood dahil siguro sa binanggit ni Rain ang pangalang ni James. Umalis na sila at inasikaso ni Cloud ang bills sa baba. Ng dumating ito ay kasama na niya si Van masaya akong naka tingin sa dalawa at nag lalaway na inabot ang binigay ni Van. Pero ang lahat ng excitement ko ay biglang nag laho ng nakita ko ang laman ng plastic na binigay niya. "Ano to!?" Kunot noo kong tinignan ang binili ni Van. "Sabi ko maliliit na mangga. E, hinog natong binili mo!" Naka busangot akong tumingala sa kaniya. "Ate naman... Pano makakakuha si kuya Van ng gusto mo. E, kakatapos lang ng panahunan ng mangga." Si Cloud na ang sumagot para kay Van. Hindi kasi ito kumikibo. "Ate halos lahat ng nagtitinda ng mangga ngayun ay luto na ang mga paninda." " Alisin mo yan! Ayuko ng kumain... Cloud tapos mo na bang asikaso ang bill dito? Gusto ko nang pumunta sa OB at para maka uwi at makapag pahinga na. " Mahinahon ako parati sa mga kapatid ko pero ngayun gusto ko silang bulyawan. Nginitian ako ni Cloud bago tumango. "Mauna na ako sa labas ate." Kasabay non ang pagbukas at pag sira ng pinto Tutulongan sana ako ni Van na maka tayo pero itinulak ko siya palayo. Naiinis ako sa kaniya ang dali dali lang naman ng gusto ko bakit hindi pa niya ma gawa ng tama. Tinignan ko siya ng masama pero ngumisi ito dahil sa ginawa ko. "Ang cute mo pag buntis." Sabi nito. Lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa labi gusto kong siyang itulak pero bigla nalang nawala ang inis ko sa kaniya dahil sa ginawa niya. Mabuti nalang ay wala nang tao dito at kami nalang dalawa ang naiwan. Naging malalim ang halik ni Van, pero hindi ako tumutugon kaya kinagat niya ang labi ko kasabay non ang panggigigil na pag yakap niya saakin baywang. He titled his head "Wag kanang magalit, hmmm... Pagkatapos kitang ihatid sa bahay maghahanap ako ng manga.." tumango ako at nahiya ng mag salita dahil sa malambing nitong boses. Hinalikan niya ang noo ko " I love you Summer." Narinig kong sabi niya. Saka niya ako inalalayan palabas ng kwarto. ... "Mahina ang kapit ng bata. Kaya kailangan niyong mag ingat. Iwasan mo ang ma stress Mrs. Vilaure," namula ako sa tinawag ng doktora sakin. Ito naman kasing si Van pinakilala ba naman akong asawa dito sa doctor. "Ito ang mga gamot na kailangan niyong bilhin. Wag mong kakalimutan ang mga vitamins mo Mrs. Nilagyan ko narin diyan ng gatas dahil kailangan yan para sa kalusugan niyong mag ina." Nakikinig ng mabuti si Van sa doktora bahagya pa akong nainis dahil tutuk na tutuk itong naka tingin sa magandang doktorang nag sasalita sa harap namin. Inirapan ko nalang siya at nag buntong hininga kaya tuluyan akong napansin ng magaling kong kasama. "Why? May masakit ba?" Tanong nito na parang hindi alam ang ginawa niyang pag huhumaling sa harap namin. "Wala." Tipid akong ngumiti. sa subrang tipid ay parang ngiwi ang nagawa ko at hindi ang pag ngiti "And also, Mr. Vilaure good luck And congratulations to the both of you." Nainis ako dahil bakit kay Van siya nag good luck at hindi sakin? ako kaya ang manganganak. Ngunit hindi nalang ako nag salita at kinimkim ang lahat nang gustong lumabas sa bibig ko. Tinignan ko si Van ng masama ng nakita kong nginingitian siya ng doktora. Nginitian din niya ang doktora kaya hindi kona napigilan ang sarili at inabot kona ang kamay niya. "Bakit?" May pagaalala sa boses niya "Wala." Mahina kong sabi at sa ibang direksyon na tumingin may kaunting hiya akong naramdaman ngunit mas naiinis na ako sa mga nakita sa kanilang dalawa. Isinalikop ko ang mga daliri niya sa daliri ko. Naramdaman kong piniga niya ng kaunti ang kamay ko at kinulong ito sa dalawa niyang palad. Nakinig siya sa nga sinabi ng doktora at ako naman ay pinapakinggan ang nag wawala kong puso gusto kong kunin ang kamay ko pero sa tuwing hihilahin ko ay mahigpit niya itong hinahawakan. Pagkatapos kaming pagsabihan ng doctor sa mga bawal at hindi bawal gawin ay agad kaming umalis. Nag kamayan pa sila ni Van kaya wala ako sa mood na kumain ng pagkain dito sa restaurant na pinuntahan namin. Pinakain niya muna kami kahit na sabihin kong nakakain na kami ay hindi ako pinansin at dinala parin kami dito sa Italian restaurant na kinainan namin noon ni Rose. "Van?" May lalaking pumunta sa amin, Italiano ang mukha nito pero makikita parin ang itsura ng pagka pinoy kaya mas lalo itong gumwapo. Masuri niyang Tinignan si Van na mukhang kinikilala kong tama bang tao ang nilapitan niya "Zaire?" Hindi makapaniwalang sagot ni Van. Para silang mga bangag sa paningin ko. Tinawag ba naman ang pangalan ng isa't isa. "Long time no see Van. And this is?..." Tanong niya sabay abot ng kamay at tinanggap naman 'to ni Van.. "It's Summer, my wife. Summer this is Zaire Lui my school mate in high school." Pakilala nito ni Van sa aming dalawa. Inabot ni Zaire ang kamay ko at akmang tatanggapin ko na sana ng bigla itong pinigilan ni Van. Tumawa lang si Zaire, at tinapik ang balikat ng kaibigan at umupo katabi ni Cloud, na kaharap kay Van. "Van this is my business card. Welcome kayu dito ng asawa mo. Gusto ko sanang ipakilala ang asawa ko sayo kaso wala siya dito ngayun." Sabi nito kay Van. "So,.. this is yours?" Van ask. "Yeah. This is my restaurant." Nakinig lang ako sa kanilang dalawa hanggang sa hindi kona maintindihan ang mga pinaguusapan nila dahil tungkol na iyong sa business. Si Cloud naman ay tahimik lang na kunwkain. ... "Saan tayo pupunta? " Hindi kona napigilan ang sarili, na pansin ko kasing iba ang dinadahak naming landas hindi ito ang daan papunta sa bahay namin. "In my house.." in his deep voice. Tinignan niya lang ako saglit at tinuon ulit ang mata sa kalsada. "Huh?" Para na talaga akong bangag, pag itong kupag na to ang kasama ko. "Hindi ako papayag na sa inyo ka matutuloy. At saka Pumayag na ang mga kapatid mo sa alok kong ako ang mag papaaral sa kanila kapalit na saakin ka na titira." Proud pa Nitong sabi na akala mo ay isa akong laruan na nakuha na niya. Tinignan ko si Cloud at maang maangan itong tumingin sa labas na. "Kailan kayu nag usap?" Dahil sa pag tatakang magkasama kami buong araw at wala akong narinig na nag usap sila tungkot dito. "No'ng isang araw pa." Swabe nitong sagot. "Cloud!" Kunot noo ko siyang tinawag at lumingon din naman ito kaagad "Po?" Inosinte nitong sagot. "Baby, ako ang nag pilit sa kanila. Hindi sila pumayag nong una. Pero mas hindi ako papayag na hindi kita ma kuha sa kanila." Namula ang pisngi ko sa sinabi niya. Kinagat ko ang bibig para mapigilan ang gustong lumabas na ngiti sa labi ko. Mahinang pumalakpak si Cloud sa likod ng sasakyan.. ng tignan ko ito ay manghang mangha ang itsura niya. "Kuya Van, may gusto akong ligawan sa school namin.. baka naman... Gusto ko sanang magpaturo." Bahagya pa akong na bigla sa mga pinagsasabi ni Cloud. At tumawa naman sa tabi ko si Van na nagmamaniho "Bakit may tupak sa ulo din ba ang gusto mong ligawan Cloud katulad nitong ate mo." Pinanliitan ko siya ng mata at hindi makapaniwalang sinabi niya ang mga 'yon "Anong tupak sa ulo?" Hindi ako pinansin ng dalawa at sabay silang tumawa. ... Ng dumating na kami sa bahay niya ay hindi na ako nabigla na sa ganitong lugar at ganitong kagandang bahay si Van nakatira. Ngunit hindi ko parin maiwasan ang mamangha dahil sa design at kung gaano ka taas ang standard nang naka tira dito. Gray, black, silver, at white lang ang kulay ng bahay niya. At ang mga kagamitan niyang parang hindi ko gustong hawakan dahil sa napakalinis ito at baka madudumihan ko lamang. Hindi kami sa condo niya. Sabi niya ay minsan lang naman daw siya doon namamalagi binili niya lang iyon dahil malapit sa building na tinatrabahuan niya no'ng hindi pasiya namamahala sa shop. Hindi ko tuloy ma isip kong gaano ka hirap ang mga trabaho niya na kailangan pa niyang bumili ng condominium na malapit doon. "Sino kasama mo dito?" Tanong ko at hindi nag pahalatang namamangha sa bahay niya at hindi katulad no'ng si Cloud na kong saan saan na pumupunta at nag lilikot. "Ako lang." Sabi nito at ngumiti sakin "ngayun meron na akong Summer na makakasama dito." Sabi nito. Kasabay non ang mga kamay niyang nagtungo sa baywang ko hinalikan niya ang tuk tuk ng ulo ko "Van." tawag ko dito "Yes baby?" Bakit ba ganito ang tawag nito sakin? Ngunit hindi ko lang ito pinansin at nag patuloy sa pagsasalita. " Wala kasing kasama ang mga kapatid ko sa bahay. Saakin sila iniwan ng nanay namin kaya ayuko namang basta basta nalang iwan ang kambal doon sa bahay namin. Kong pwedi sana-" hindi ko natuloy ang sasabihin ng nag salita ito " Hindi!. Hindi ako papayag na doon ka. Dito ka lang, sila nalang ang lilipat dito." Nanlalaki ang matang tinignan ko si Van " May sarili kaming bahay Van." Inis kong sabi. Hindi kona nakita ang Van na kilala ko noon na laging galit. Malambing niya akong niyakap at hinalika sa labi. Mabuti nalang at nasa kusina na si Cloud at nag hahanap ng makakain. " I know baby. But I want you here." Lambing pa nito sakin. Nakikiliti ako sa kamay niyang pahagod hagod sa baywang ko. Alam ko naman na gusto niya na safe ang bata. Pero kasi nay nga kapatid din ako at maaalagaan ko naman ang bata kong nasa bahay ako. "Pero yu-" "Shhh.. I want you here. Kakausapin ko sila na dito na muna sila. Dahil ayuko na man na mag isa kalang dito sa bahay." Malapit ang mukha namin sa isat isat. At kaunting galaw nalang ay mahahalikan na niya ako. "Paano yung shop-" Hindi na siguro naka tiis si Van at hinalikan na niya ako pero mabilis lang iyon. "Pwedi niyo naman puntahan nalang don at buksan andiyan naman si Pao-pao." Naiilang ako sa mga kinikilos ni Van nakakapanibago lang kasi dahil ang sweet sweet niya. At ni minsan ngayung hapon ay hindi niya ako tinignan ng masama. "Pe-" gusto kong mag protesta pero pinigilan niya ako "Shh... Anong gusto mong kainin?" Mabilos na tumibok ang puso ko dahil sa boses niya. Bakit ba kasi ganito ito kung man lamig si Van. Kumalas ako sa yakap at nag lakad papunta kay Cloud sa kusina. Sumunod siya sa at hindi tinantanan ang baywang ko na agad niyang hinapit. "Kakakain lang natin Van." Mahina kong sagot. "Baka kasi gutom na ang baby ko." sabi nito sabay hawak ng tyan ko. Inirapan ko nalang siya dahil sa mga pinag sasabi nito, at para hindi ma halata na subrang kinikilig na ako sa mga pinagkikilos niya. "Okey lang ako gusto ko nang maligo at para makapagpahina na ako." Sabi ko. " Anong oras na pala?" "7:40 pm, bakit?" Tanong ni Van "Cloud!" Hinanap ko si Cloud at nakita ko ito na nakaupo sa kusina. Feel at home ang loko. "Bakit ate?" Tanong nito sakin na itinaas ng dalawa kong kilay. "Umiwi kana. walang kasama si Rain sa bahay." Sabi ko dito nahihiya ako kay Van dahil sa inakto ni Cloud dito sa bahay niya. Tumayo si Cloud at bumukas ng isang parador at kumuha ng tissue. Tinignan ko siya na may pag tataka sa mukha. Bakit parang kabisado na niya ang bahay ni Van. "Cloud sabihin mo sakin ang totoo. Nakapunta kana ba dito?" Tanong ko na ikina tigil nga ng kilos niya. "Ate ano kasi.." nginitian ako nito at don palang ay alam kona ang sagot. Hindi agad ako naka tulog dahil sa namamahay pa ang katawan ko. Hindi naman ako makagalaw dahil sa naka dikit na si Van sa likod ko. Ng parang mamamatay na ako sa ngawit ay sinubukan kong gumalaw at humarap kay Van. Ng nakaharap na ako ay mahimbing pa rin itong natutulog. Pinagmasdan ko siya at sinuguragong hindi ko nasiya magigising sa pagkakataong ito. Alam kong busy siya sa office niya dahil sa kaliwat kanang trabaho. Naririnig ko pa minsan na may kausap siya sa cellphone tungkol sa pag re resched ng mga meeting dahil meron pasiyang pupuntahan na mas importanti. Naiinis lang ako kong minsan na ang mga oras na sana kailangan niya ipa hinga e sa akin pa napupunta. Nakakatulog lang itong si Van ng mahimbing pag ako ang kasama niya. Sinabi ni Miko sakin kailan lang na hindi talaga gaanong natutulog itong si Van at pag wala sa opisina ay nasa meeting ito makikita. minsan lang din sila kong lumabas na magkakaibigan. Pinagmasdan ko pa siya. Ayukong mawala siya sakin, ayokong mawala siya katulad ng pamilya ko. Nilapit ko ang mukha sa kaniya at dahan dahan siyang hinalikan sa labi. Hindi ko alam kong kailan ko to naramdaman. Pero alam kong mahal kona ang taong nasa harap ko ngayun, ayoko man aminin ay natatakot akong umalis siya sa tabi ko. Nilagay ko ang buong pagmamahal sa halik na yun tinapos ko ang halik sa kaniya at mahigpit siyang niyakap na parang may kukuha sa kaniya at ayaw ko itong ibigay. "Summer?" Malalim ang boses niyang tinawag ang pangalan ko ngunit hindi ko ito pinansin at yumakap lalo sa kaniya . "Summer." Tawag nito ulit, mahina pa nitong hinusay ang buhok ko gamit ang mga daliri nito. Tumingala ako sa kaniya " I love you." Sabi nito sabay halik sa labi ko tumugon naman ako sa mga halik niya. Ng tinapos niya ang halik ay mahigpit niya akong niyakap at ganon din ako. Gusto kong ipadama sa kaniya ang pag mamahal ko ayokong sabihin na mahal ko siya dahil parang hindi ito sapat. Inabot at hinalikan niya ang balikat ko at kasabay non ang pag tulog ko ng mahimbing sa kaniyang bisig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD