Sa hardin ng mansyon ay magkasama sina Raven at Kian habang sila’y naka-upo sa may damuhan. Nakatingala sila sa kalangitan at pinagmamasdan ang paggalaw ng mga ulap.
“Ano nang mangyayari ngayon, Kuya? Ilang araw na ang nakakalipas pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nahahanap si Dad. At ilang araw na rin mula nang huli kong kita kay Zane,” saad ni Raven.
Napasinghap si Kian at tumingin sa kapatid.
“Gusto mo na bang bumalik sa bahay natin?” tanong ni Kian.
Tumango si Raven ngunit nagpakawala ng malungkot na ngiti. “Pero hindi pa rin tayo magiging ligtas.”
“Hayaan mo, mag-iisip ako ng paraan para makabalik tayo sa bahay natin. For now, mas mabuting manatili muna tayo dito ngayon.”
“Pero limang araw na ang nakakalipas ngunit hindi pa rin nakakabalik ang boss mo. May balak pa bang bumalik ‘yon o tinatakasan niya ‘yong sinabi niyang kakausapin niya raw ang abogado niya para sa annulment namin?” sarkastikong sambit ni Raven.
“Walang ni-isa rito ang may alam kung ano nang balita kay Zane. May mga inutusan na akong sumunod sa kan’ya sa America pero maski sila ay hindi na ma-contact.”
“Wala naman sigurong nangyaring masama sa kan’ya, ‘no?”
“Why? Nag-aalala ka ba sa asawa mo?”
“Stop it, Kuya. Hindi ko siya asawa.”
Maya-maya ay may sumulpot na isang tauhan sa harapan nila. Kaya naman natigil sila sa kanilang pag-uusap.
“Helius, narito si boss,” anang ng tauhan.
“Talaga? Nasa’n si Zane?”
“Hindi siya ang tinutukoy ko.”
Nangunot ang noo ni Kian at napatingin sa tauhan ng nagtataka. Si Raven naman ay hindi mapakali.
“Si big boss ang tinutukoy ko. Narito si Don Dominique.”
“A-Ano? Kung gano’n, kasama niya rin si Zane?”
“Hindi, siya lang at ilan sa mga tauhan niya. Ang nakakapagtaka nga ay hindi niya kasama si Colt.”
Naguguluhan man ay nagmadaling nagtungo si Kian patungo sa kung saan naghihintay ang Don. Sumunod din si Raven sa kan’ya kahit na kinakabahan siyang makita muli ang mafia boss matapos ng mga nangyari sa pagitan nilang dalawa.
“Where is he?”
“Nasa may sala.”
Pagkarating nila roon ay kaagad nilang binati si Don Dominique maliban kay Raven na nasa likuran lamang ng kan’yang kapatid.
“Why are you still here, young lady?” ma-otoridad na tanong ng Don habang may nakapasak na tobacco sa kan'yang bibig.
Hindi sumagot si Raven at napakapit lamang sa damit ng kan’yang kapatid.
“You know that I don’t like you here. It’s been a week, ano pang ginagawa mo rito sa pamamahay ng anak ko?”
Hindi naman napigilan ni Kian na sumali sa usapan.
“Mawalang galang na po, Don Dominique. Subalit, kapatid ko po ang kinakausap niyo. At hanggang ngayon ay hindi namin malaman kung nasaan si Zane,” saad ni Kian.
“I know about that, Kian Helius,” sarkastikong saad ng Don. “You are my son’s only trusted friend. Ngayon naman ay ang kapatid mo naman ang umasawa sa kan’ya. Ano bang binabalak niyong dalawa sa pamilyang ito?”
Naguguluhang tumingin si Kian sa kan’ya. “Ano pong ibig niyong sabihin sa tanong niyo?”
“Gusto kong malaman kung may nililihim ba kayong agenda sa anak ko o sa pamilya Fuentes. Nalaman ko na rin na isang tauhan ng kalabang pamilya Donato ang ama niyo. Ngayon, pa’no niyo mapapatunayang wala kayong binabalak sa pamilyang ‘to?”
Napakuyom ng kamao si Kian. “Pasensya na po, Don Dominique. I think you just crossed the line. Halos limang taon na akong naninilbihan sa pamilyang ito. Kaibigan ko ang anak mo, hindi dahil sa may binabalak ako laban sa inyo. Hindi rin ata tamang akusahan mo rin ang kapatid ko lalo na’t wala siyang gaanong alam sa mundong ginagalawan ng pamilyang ‘to.”
“K-Kuya…”
“Yeah, I witnessed how skilled you are,” sambit ng Don. “You’re a great asset to the Fuentes family and my best caporegime among the others. But what about that young lady? She’s not even worth a thing. She would be an easy target.”
“I know what you mean, Don Dominique. But don’t underestimate my sister just because she looks weak. Nasangkot man siya sa mundong hindi niya dapat kinatatayuan pero alam kong may lakas siyang iligtas ang sarili niya.”
“Really? How? By being a problematic traumatic patient?”
Akmang susugurin na sana ni Kian si Don Dominique na prenteng nakaupo lamang nang pumagitna kaagad si Raven.
“Kuya, huminahon ka. ‘Wag kang magpaapekto sa mga sinasabi niya.”
“He’s insulting you, Raven. Sa tingin mo, pa’no ako kakalma?”
“But still… ‘w-wag mong ituloy ang binabalak mo,” nangangambang sagot ni Raven. “Guns are pointed at us.”
Napamasid si Kian at tama nga ang kan’yang kapatid dahil halos lahat ng tauhan ay nakatutok ang kanilang mga baril sa kanila. Kaya naman napasinghal ito at hinila ang kapatid sa kan’yang tabi na nanginginig na.
Napatahimik ng ilang segundo si Don Dominique at tumikhim bago nito pinatay ang sindi ng kan’yang tobacco. “Get yourself together. Someone’s here.”
“We have lots of visitors. Give them a special welcome. Mukhang ako ang sinundan nila.”
Nagkatinginan ang lahat dahil na sinabi ng Don at bumunot na ito ng baril. Napalinga-linga ang karamihan at nawala na sa kanilang atensyon ang magkapatid.
“Go to your room for now, Raven,” bulong ni Kian sa kapatid.
Ngunit umiling si Raven at napakapit sa kapatid habang nakapikit. “Dito lang ako.”
“Please, Raven… Hindi ligtas na manatili ka rito. Mukhang tama nga si Don Dominique, may ibang tao---”
Natigil ang lahat nang may magpaputok ng baril mula sa labas kaya naman naging alerto sila. Ang ilan ay pumalibot kay Don Dominique habang inilagay naman ni Kian ang dala nitong earplugs sa makabilang tenga ni Raven. Alam nitong takot ang kan’yang kapatid sa baril ngunit mas takot at lalong nakakaapekto ang tunog ng mga baril. Ang tunog ng mga baril ang pinakatatakutan niya at nagtri-trigger ng phobia nito.
Wala nang naririnig na kahit ano si Raven ngunit nakikita niya pa rin ang mga nangyayari. May nagdatingan din mula sa kung saang mga kalalakihang nakasuot ng maskara. Sunod-sunod na nagkakabarilan ang mga nasa paligid niya at ang ilan naman ay may kan’ya-kan’yang paraan ng pakikipaglaban. May bumabalay pa ring takot sa kan’ya ngunit hindi na ito malala katulad ng dati.
Napasinghap siya nang mabitawan siya ng kan’yang kapatid lalo na nang may nakamaskarang nakatayo sa harapan niya. Gusto niyang maiyak pero mas pinili niyang lakasan ang loob niya. Kaya naman bago pa siya mahawakan ng kaharap niya ay paikot niya itong sinipa sa mukha dahilan para matumba ito.
“H-Hala! S-Sorry, hindi ko sinasadyang mapalakas,” natatarantang saad ni Raven.
Ngunit naging alerto ito nang may akmang susugod ulit sa kan’ya at mabilis niya itong sinipa. Nakokonsensiya siya sa kan’yang nagawa at lalo pang nataranta. Pero hindi rin ito nagpatinag nang sunod-sunod na may sumugod sa kan’ya at pinagsisipa ang mga ito.
May namataan si Raven na dalawang kawayan at walang ano-anong kinuha ‘yon at ipinukpok sa mga ilang mga nakamaskara. Hindi magamit ng mga ito ang kanilang mga baril dahil kaagad itong pinapatalapon ni Raven.
Sa kabilang banda naman ay hindi maalis ni Don Dominique ang kan’yang tingin kay Raven. Kahit na samu’t saring laban ang nasa harapan niya ay nasa dalaga lamang ang kan’yang atensyon. Hindi niya mapigilang mapahanga rito sa husay nito sa pakikipaglaban.
“She’s like her.”
Patuloy niya itong pinagmamasdan hanggang sa may akmang papaputukan siya ng baril pero kaagad niyang binunot ang nakatago niyang baril at pinaputok ‘yon. Nagulat ang mga tauhang nasa tabi niya.
“Pasensya na, bossing. Hindi namin napansin ang isang ‘yon---”
“Just finish the fight.”
“Y-Yes, boss.”
Naiiyak na si Raven dahil sa dami ng mga lalaking napatumba niya. Hinihiling niya na sana’y matapos na ang kaguluhang nangyayari sa mansyon. Nang wala nang nagbabalak lumapit sa kan’ya ay hinihingal niyang ibinaba ang mga braso niya.
“A-Ayoko na. Pagod na ‘ko…”
Nagulat siya nang sunod-sunod na natumba ang mga tauhan na kasapi nila na nasa tabi niya.
“A-Anong… A-Ayos pa ba kayo?” nag-aalalang tanong niya.
Napalinga-linga si Raven at hinanap kung sino ang mga bumaril sa mga tauhan. Nahihirapan ito dahil sa wala siyang naririnig na kahit ano. Nang mapatingala siya ay nakita niya ang isang lalaki sa ikalawang palapag at nakatutok sa kan’ya ang baril.
Napakagat ng labi si Raven at hindi malaman kung paano siya makakaakyat doon nang hindi natatamaan. Pero nanlaki ang mga mata niya nang may lumabas pang ilang mga kasama ng lalaki sa ikalawang palapag at sabay-sabay siyang tinutukan ng baril.
“D-Damn! Raven! Umalis ka d’yan!” sigaw ni Kian ngunit hindi siya naririnig ng kan’yang kapatid.
Bumilis ang takbo ng puso ni Raven at para bang anong oras ay mawawalan ito ng malay dahil sa sobrang kaba. Muling bumalik sa kan’yang ala-ala ang ilang beses na panunutok sa kan’ya ng baril ng kan’yang ama noong siya’y bata pa at noong nabaril ang kan’yang ina.
“K-Katapusan ko na ba?” bulong niya.
Napapikit siya nang pinaputok na ng mga kalalakihan sa kan’yang direksyon ang kanilang mga baril. Pero bago pa man ang lahat ay may napayakap sa kan’ya kasabay ng kanilang pagkatumba at napagulong sila sa sahig.
“A-Aray ko… S-Sumakit ‘yong l-likuran ko,” nakapikit na reklamo ni Raven.
Inis na napamulat ng mga mata si Raven pero nanlaki ang mga mata niya dahil sa taong nasa ibabaw niya.
“Z-Zane…”
“I guess you're doing great, wife.”
Hindi man marinig ni Raven ang sinasabi ng kan’yang asawa ay sa hindi niya malamang dahilan ay niyakap niya ito ng mahigpit. Hindi rin niya mapigilang maiyak.
“A-Akala ko mamamatay na ‘ko…”
“I won’t let that happen.”
Kumalma si Raven ng halikan siya ni Zane sa kan’yang noo bago siya nito inalalayan patayo. Nagulat pa siya ng ini-abot sa kan’ya ang dalawang kawayan na ginamit niya kanina.
“Let’s fight them.”
Sunod-sunod na pinaputok ni Zane ang kan’yang dalang dalawang baril sa mga taong nasa ikalawang palapag. Si Raven naman ay pinagsisipa at pinagpapalo ang mga nagtatangkang labanan sila.
“Damn you, Zane! Huwag mong tsansingan ang kapatid ko!” sigaw ni Kian.
Napangisi si Zane. “I can do what I want, moron.”
“Keep my sister safe. Babawiin ko siya sa ‘yo pagkatapos nito,” kalmadong paalala ni Kian.
“Of course. She’s my wife, after all.”
Nagpatuloy ang lahat sa pakikipaglaban. Ang laging kasa-kasama naman ni Don Dominique na si Colt ay dumating din.
Masakit man ang pangangatawan at pagod ay nagpatuloy pa rin si Raven. Isinantabi niya na muna ang kan’yang konsensya at nakipaglaban. Pero sinisigurado niya pa ring walang namamatay sa mga nakakalalaban niya lalo na ang ilang natatamaan niya sa mukha.
Napatigil si Raven nang mapunta ang kan’yang paningin kay Zane na patuloy na pinagbabaril ang mga kalaban nila. Hindi niya mapigilang humanga rito dahil walang mintis ito kung bumaril. Hindi rin siya nakaramdam ng takot habang pinapanood niya ito.
Naputol ang kan’yang panonood ng may natumba sa kan’yang harapan at nakita niyang galit na sinisigawan na siya ni Zane. Napasinghap na lang si Raven dahil sa wala siyang marinig at sinipa ang mukha ng isang lalaking na akmang papalo sa ulo ng kan’yang asawa. Nagulat naman si Zane pero kalauna’y napangisi.
Nang masiguro na ng pamilya Fuentes na napatumba na ang lahat ng kalaban ay kaagad na inutusan ni Zane ang kan’yang mga tauhan na dalhin ang mga buhay pa sa basement. Kaagad ding pinaligpit ang mga katawan na nagkalat sa buong mansyon.
“Search the area. Baka may nakatakas sa kanila.”
Napansin naman ni Zane ang pagiging balisa ni Raven sa kan’yang tabi.
“Hey…”
Hindi siya nito pinansin hanggang sa napansin niyang suot pa rin nito ang earplugs na nilagay ni Kian. Tinanggal niya ang mga ito kaya naman nakakarinig na muli si Raven.
“Everything’s done, woman. Are you okay? Nasaktan ka ba?” nag-aalalang tanong ni Zane sa asawa pero nagulat siya nang naiyak ito.
“A-Ang sama k-ko na. Ang dami kong nasaktan. S-Sa tingin mo, may napatay kaya ako sa mga ‘yon?”
“Stop thinking about that. What’s more important is you’re safe.”
“P-Pero—”
Dumating naman si Kian at kaagad na niyakap ang kapatid. “Raven!”
“K-Kuya… N-Nakapatay ata ako.”
“Ano?! Nakapatay ka?! Pa’no na ‘yan? Mukhang huhulihin ka ng mga pulis.”
“Ano? K-Kuya, ayokong makulong! S-Self-defense lang ang ginawa ko.”
Natatawang niyakap siya ng kapatid. “Joke lang. Sigurado namang wala kang napatay sa mga ‘yon.”
“P-Pero—”
“Self-defense, Raven. Mabuti na lang hindi mo nakakalimutan ang mga itinuro ko sa 'yo.”
Natahimik si Raven pero hindi pa rin siya mapakali. Naiiyak itong naupo sa sahig dahil na rin sa pagod at sakit sa katawan.
“Well done, everyone.”
Napalingon ang lahat kay Don Dominique na sa ngayon ay naka-upo sa kan’yang wheelchair.
“The Donato family is now on their move to bring us down. This is just a little surprise from that old man. Maybe we can pay it back someday.”
“Dad…”
“He wants something important back. Alam mo ang tinutukoy ko, Zane. Nakuha’t nasira na rin nila ang ilan sa mga ari-arian natin. At siguradong hindi nila tayo titigilan hangga’t hindi nila nakukuha ang gusto nila.”
Sumingit naman sa usapan si Kian. “Ano bang gusto nila, Don Dominique?”
“Power and justice,” sagot ng Don. “They want to be the strongest among the rest of the mafia groups. And the death of his wife is being pinned on us.”
“But that was five years ago. At wala naman tayong kinalaman do’n,” sambit ni Kian.
“Yeah, that’s why we need to figure out who’s pulling the strings. And be attentive to any spies and there may be traitors among us.”
Malalim namang napapaisip si Zane sa isang tabi. Samantalang si Raven naman ay naguguluhan sa pinag-uusapan ng mga nasa paligid niya.
Tumikhim si Don Dominique. “Zane, I need you to go back ‘there’. You left ‘her’ alone. Give everything ‘she’ wants.”
“Yeah.”
Kunot-noo namang napatingin si Raven sa asawa niya na tinaasan naman siya ng kilay at hindi na pinansin. Sa unang pagkakataon ay nakaramdam ng inis si Raven at napanguso ito.
“What’s with that look, woman? Are you trying to kill me by that glare?” mahinang tanong ni Zane na tanging siya lang ang nakarinig.
Suminghal si Raven at bumulong. “Ginawa pa akong asawa kung may kinikita na pala siyang iba.”
“I can hear you.”
Umirap na lamang si Raven at hindi na pinansin ang asawang tahimik lamang na nakikinig sa ama niya. Pero bigla siyang kinilabutan nang magtama ang tingin nila ni Don Dominique lalo na nang lumapit ito sa kan’ya sakay ng kan’yang wheelchair.
“I like how you fight earlier. You’re just like Rebecca, your mother.”
Nalula naman si Raven sa sinabi ng Don. Maging ang kan’yang kapatid ay nagulat din.
“K-Kilala m-mo si Mommy?”
Hindi sumagot ang Don at sinenyasan si Colt na umalis na.
“T-Teka lang po. P-Pa’no niyo po nakilala ang Mommy namin?”
“We’ll about that some other time, young lady.”
Nagsimula na silang umalis kasabay ng ilang tauhan. Pero hindi pa rin mapanatag si Raven ngunit hinawakan ni Zane ang kamay niya para pakalmahin siya.
“Not now, woman.”
“P-Pero---”
Sumulpot naman si Kian. “Tama siya, Raven. Sa tamang oras, makakausap din natin siya tungkol kay Mommy.”
Tinapik ni Kian ang kamay ni Zane na nakahawak sa kapatid niya. Hinila niya sa tabi niya si Raven at pinandilatan si Zane.
“Crazy,” bulong ni Zane.
Nang nakaalis na sina Don Dominique ay nagsi-alisan na rin ang ilang tauhan nila roon. At tanging silang tatlo na lamang ang natitira.
“Bumalik ka pang hayop ka. Sana hindi ka na lang bumalik,” sarkastikong sabi ni Kian.
“Of course, I’ll be back. This is my house and my wife’s here.”
“She’s not your wife. Ang kapal naman talaga ng mukha mo, ang tagal mong nawala tapos nando’n ka lang pala sa kabit mo.”
“What the hell are you talking about?”
“Ah basta, pumirma na kayo ng annulment nang malayuan mo na ang kapatid ko. Magpakasal ka na lang sa iba o kaya do’n sa kabit mo.”
“What’s wrong with you? Hindi ko alam ang pinagsasabi mo.”
Bago pa tuluyang magtalo ang dalawa ay sumingit na si Raven sa kanila. “Doon na muna ako sa kuwarto. Gusto ko nang magpahinga. Ang sakit na rin kasi ng katawan ko.”
Tinalikuran niya ang dalawa at hindi na pinansin hanggang sa tuluyan na siyang nakaalis. Nagkatinginan naman sina Zane at Kian ng masama sa isa’t isa.
“Tingnan mo na ang ginawa mo. Dahil sa ‘yo sumakit ang katawan ng kapatid ko.”
“What? I just saved her.”
“Nasaktan mo pa rin siya.”
“I don’t care about all your nonsense talking. I also need to rest.”
“A-Ano? Dito ka na magpahinga.”
“What’s wrong with you? I need to rest in my room.”
“Dito ka na nga eh. ‘Wag mo lang lalapitan si Raven.”
“What the hell? That’s my room, bastard.”
“Wala akong pake! Basta dito ka na lang at---”
Natigilan si Kian nang may ibigay sa kan’ya si Zane na isang maliit na papel.
“Ano ‘to?”
“It’s your father’s location. Ikaw na ang bahala kung pupuntahan mo ba siya o hindi.”
Natahimik si Kian at napatitig sa maliit na papel na hawak niya. Nakaramdam siya ng inis at napakuyom ng kamao bago tinalikuran si Zane.
“Don’t do something reckless again, Helius. Or else you want to see your sister cry again.”
Natigilan si Kian ngunit nagpatuloy pa rin itong lumabas ng bahay. Napasinghap na lang si Zane at pinasundan siya sa ilang tauhan.
“He’s being impulsive again.”
Naglakad na patungo si Zane sa kan’yang kuwarto. Bumungad naman sa kan’ya si Raven na nakadapang nakatulog. Napabuntong-hininga siya at lumapit dito bago inayos ang kumot nito. Dala ng pagod ay tinanggal nito ang damit niya at itinapon lang sa kung saan bago padapang tumabi sa asawa.
“I’m sorry for being gone for long.”
Bigla namang naalimpungatan si Raven at napamulat ng mga mata. Nagulat siya nang makita sa tabi niya si Zane.
“Anong ginagawa mo rito?” inaantok na tanong ni Raven habang papikit-pikit pa ito.
“This is also my room, woman,” saad ni Zane. “Just go back to sleep. I won’t do anything to you.”
Napasimangot si Raven bago bumalik sa pagkakahiga at mabilis na nakabalik sa kan’yang pagtulog. Napahilik pa ito na ikinatawa ng mahina ni Zane.
“Weird.”
Hinapit ni Zane ang kan’yang asawa at niyakap. Binigyan niya ito binigyan ng munting halik sa noo bago siya tuluyang makatulog.
Sa kabilang dako naman ay mabilis na pinapaandar ni Kian ang kan’yang kotse patungo sa address na binigay ni Zane sa kan’ya. Alam din niyang may mga nakasunod sa kan’ya na tiyak niyang mga tauhan ng pamilya Fuentes.
Huminto siya sa tapat ng isang abandonadong bahay. Malayo rin ito sa siyudad at nasa tagong lugar.
Lumabas siya mula sa kan’yang kotse at inilabas ang kan’yang baril. Tahimik siyang nakamasid sa lugar at sinisiguradong walang susugod sa kan’ya.
“Anong ginagawa niya rito? Ba’t siya bumalik dito?” bulong niya.
Dahan-dahan siyang naglakad patungo sa bahay at nagtago. Nang subukan niyang buksan ang seradura ng bahay ay naka-lock ito kaya naman pumaikot siya sa bahay habang patuloy na pinapakiramdaman ang kan’yang paligid. Maya-maya ay nakarinig siya ng kakaibang ingay na nagmumula sa likuran ng bahay. Maririnig din ang nakakalokong tawa mula roon.
Dahan-dahan na sumilip si Kian at nagulat siya nang mamataan niya ang kan’yang ama roon na binubungkal ang lupa. May kasama rin siyang babae na nakatalikod mula sa kinatatayuan niya kaya naman hindi niya malaman kung sino ‘yon.
“Sigurado ka bang magiging ligtas ang mga ito kapag ibabaon natin d’yan?” tanong ng babae sa kan’yang ama.
Natawa naman ang ama niya. “Tiwala lang. Wala nang nagpupunta rito maski sino sa pamilya ko dahil pinaniniwalaang may multo raw dito. Nakakatawa sila.”
“Bilisan mo na lang d’yan nang makaalis na ako.”
“Huwag mo akong madaliin.”
“Magpapadala na rin ako ng mga tauhan natin dito nang may mga makasama ka. Wala pa rin akong tiwala sa ‘yo.”
Pinanood ni Kian ang dalawa at sinusubukan niyang tingnan kung ano ang ibinabaon nila sa lupa pero hindi niya ito magawa. Bago pa man siya lumabas sa kan’yang pinagtataguan ay may humila sa kan’ya na ikinagulat niya.
“A-Anong---”
“Umalis na tayo rito, Helius. May namataan kaming mga naglalakihang truck na patungo rito,” sambit ng isang tauhan ng Fuentes sa kan’ya.
Napasinghal si Kian bago siya sumunod na umalis doon. Nagmadali silang umalis dahil naririnig nila ang mga paparating na kotse. Namataan niya ang apat na sunod-sunod na truck. Mabilis naman silang nakasakay sa mga kotse nila at nakaalis doon nang walang alinlangan pero hindi pa rin niya maiwasang mapatingin muli sa abandonabong bahay.
“Anong ginagawa nila sa bahay nila Lolo’t Lola?”