Whoosh! Whoosh! Whoosh! Apat na malalaking Magic Circle ang lumitaw ng tumama sa kalupaan ang mga summoners ball na may iba't-ibang mga kulay. Lumitaw ang apat na summon beasts na siyang familiar ng apat na miyembro ng mga kalalakihan. Isang uri ng malaking bulate, alimango, butiki at ng lobo. Hindi naman nakaramdam ng takot ang binatang si Evor lalo na at nakita niyang mga ordinaryong familiar lamang ang mga ito ng apat na kalalakihan ngunit ramdam niyang may kaniya-kaniyang mga lakas ang mga ito na hindi pwedeng balewalain kapag pinagsama ang mga ito lalo na pagdating sa pag-atakeng naiisip o maiisip ng apat na kalalakihang ito. Evor find it difficult to determine kung sino ang mananalo sa paunang sagupaan kung saka-sakali lalo na at bagong familiar lamang ito ng binatang si Marcus B

