6

1100 Words
MAAGANG nagising si Julianne kahit na nga ba late na rin nang makauwi siya. Gaya nang nakagawian ay naglinis siya ng shop. Inilabas niya ang glass cleaner at pranelang basahan para ipanglinis sa salaming dingding ng shop. Uumpisahan na niya ang trabahong iyon nang mapansin niyang may babaneg nakatayo sa harapan ng shop niya. “Yes, ma’am? Ano ang kailangan nila?” magalang na tanong niya dito. Naghubad ng dark glasses ang babae at tiningnan siya. “Ikaw ba si Julianne de Luna?” Tumango siya. “Bakit ho?” “Wala naman. Pangalan mo kasi ang nakasulat sa karatula nitong shop. Nagagandahan lang ako sa suot ng mannequin. Design mo ba iyan?” Tumango siyang muli. “Pasok ho kayo. Baka gusto ninyong magpatahi.” Umiling ito. “Saka na lang. Wala namang okasyon para puntahan ko. Sige.” Nang tumalikod ang babae ay saka niya naalala na nakita na niya ito. Ito ang babaeng bumaba sa taxi kagabing nasa lobby siya ng hotel. Nakita niyang pumasok ito sa isang deli shop na malapit lang sa shop niya. Sandali siyang nagtaka at binalikan na ang ginagawa. “Good morning, Juli,” lapit sa kanya ni Auntie Mildred. “Kumusta ang kasalan?” “Okay lang ho. Eto, nakahinga na nang maluwag. Pressure din ho sa akin ang kasalan. Baka kasi may mamintas ng mga damit na gawa ko. So far, kabaligtaran niyon ang nangyari.” Ngumiti ito. “But of course. Magaling ka namang talaga, hija.” “Salamat. Tara sa loob, Auntie. Magkape tayo.” “Tapos na ako. Alam mo namang nakasanayan ko lang na bumaba pag umaga. Parang exercise ko na rin. Kumusta ang pinapatahi ko sa iyo?” “Nasa finishing stage na ako, Auntie.” “Kung bakit ayaw mo kasing ipakita sa akin,” malambing na sumbat nito. “Kapag tapos nang talaga, Auntie. Isa sa mga masterpiece ko ang gown mong iyon.” “Well, malaki naman ang tiwala ko sa iyo na maganda ang resulta niyon.” “GANITONG-GANITO ang traje de boda ng nasira kong kapatid noong panahon namin, Juli,” nasisiyahang wika ni Auntie Mildred nang ipakita niya rito ang natapos niyang gown. Masyado siyang inspirado sa gown na iyon at pagkaraan lamang ng dalawang araw ay nagawa na niyang tapusin ang pagkakabit ng huling detalye niyon. “Nag-research po ako para makuha ko ang estilong gusto ninyo,” humble na sagot niya dito. Natutuwa rin siya na nabigyan niya ng kasiyahan ang matanda. “Gustong-gusto kong isukat, Juli.” “By all means, Auntie.” At dinala niya ito sa fiiting room ng kanyang shop. Inasistihan pa niya ito sa pagsusuot niyon. Nang ganap iyong maisuot ay lumabas ito ng fitting room at tumapat sa lifesize mirror sa isang panig ng dingding. “Bagay ba, hija?” she asked. Hindi siya agad nakasagot. The old woman looked so ethereal in that gown. At parang nakikita na niyang kung aayusin pa ang buhok at lalagyan ito ng makeup mas lalong babagay dito ang gown. “So perfect,” nasambit na lamang niya. Ngumiti lamang ang matanda at hinubad na iyon uli. “Magkano mo ako sisingilin sa gown na ito, Juli?” “Auntie, alam ninyo namang basta kayo ay hindi pinag-uusapan ang bayad.” “Huwag mong sabihing libre na naman?” anito na kahihimigan ng pagtutol ang tinig. “Paano ang hirap mo?” “Huwag ninyong initindihin iyon, Auntie,” bukal sa loob na sabi niya. Balewala naman sa kanya kung libre ang serbisyo niya para sa naturang gown. Hindi naman niya kinukuwenta ang hirap niya. Ang totoo, nang gawin niya iyon ay enjoy na enjoy pa siya. At iyon pa lamang ay parang bayad na rin sa kanya. “Bueno, ako na lang ang bahalang magregalo sa iyo. Paano, dadalhin ko na ito?” “Sure, Auntie.” Inihatid niya hanggang sa may pinto ang matanda. Nang makita niyang pumasok na ito sa kabilang pinto na siyang bahay nito ay saka siya muling nauposa desk niya at nagsimulang mag-sketch. Ngayong natapos na ang kasal ni Maxine, matututukan naman niya ang isa pang kasal na naka-schedule sa Romantic Events. “Good morning!” Bigla siyang nag-angat ng tingin. Magkahalo ang pagkagulat at kagyat na kasiyahan nang makita niya ang bisita. “Tim? Paano mo nalaman ito?” saludar niya. Sa likod ng isip niya ay nagtataka siya kung bakit kailangan niyang matuwa na nakita itong muli. Noong isang gabi, matapos na lisanin nila ang coffee shop ay inihatid siya nito sa parking. Maliban doon ay wala na itong sinabi kung magkikita pa silang muli. Ngumiti ito nang malapad. “Konektado ka sa Romantic Events base sa mga info na nabasa ko sa mga previous issue ng magazine. Doon ako tumawag para malaman kung saan itong shop mo.” “And?” Ikinibit nito ang balikat. “I want to see you again.” Hindi niya alam kung ano ang isasagot doon. “Gusto rin sana kitang imbitahin for lunch. Iyon ay kung hindi ako makakaabala.” “Paano kung makakaabala ka pala?” aniya. “Well, I’ll try to invite you for dinner. Or for breakfast tomorrow. Maghihintay ako kung kailan ka puwede,” prangkang sabi nito. “For what reason?” tanong niya. Tinitigan siya nito. “I’m interested in you.” “Hindi mo naman ako kilala.” “Ganoon ka din naman sa akin. Let’s get to know each other, Julianne. Wala naman sigurong masama doon, di ba?” “Yeah, right,” tugon niya na hindi naiwasang mag-isip. Kailan lang niya ito nakilala. Pero sa tono nito ngayon, hindi man siya deretsahin ay parang sinasabi na nito sa kanya na manliligaw ito. “Juli.” Napatda sa kinatatayuan si Auntie Mildred nang makitang mayroon siyang bisita. “Auntie,” baling niya dito. “Halika, ipapakilala ko sa iyo ang bago kong kaibigan. Si Timothy Pozzorubio. Tim, si Auntie Mildred. Siya ang may-ari nitong place.” “Magandang hapon po, Ma’am,” magalang na bati nito. “Mildred Sunico?” Nagulat ang matanda. “Paano mo nalaman?” Ngumiti lang si Tim. “Nabasa ko po ang pangalan nitong building sa labas. Sunico Apartments.” “Ah,” sambit lang ng matanda. “Julianne, mamaya na lamang ako babalik. Sige, hijo,” paalam nito sa kanila at tumalikod na. “So, can we have lunch together?” bohemyong tanong sa kanya ng binata. Dahil nararamdaman naman niya na gusto rin itong makasama, hindi na siya nagpakipot pa. “Sabi nga ng iba, the best thing in life is free.” Natawa si Tim.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD