~~Ashley Dave Ysha~~ Pagkababa namin ay agad kaming sinalubong ng isa sa mga organizer ng event, namimilog pa ang mga mata nitong nakatingin sa akin.. "My gosh! Halos hindi kita nakilala Miss Mendez. Napakaganda mo! " Ang puno ng paghangang palatak nito, habang hindi mapakurap itong nakatingin lamang sa aking mukha, Nagtagal ito roon.. Nakalarawan parin ang matinding magkamangha at paghanga habang pinapasadahan nito ang aking kabuuan.. Hindi pa alam ng mga ito na kasal na ako, tanging malalapit lamang na mga kaibigan at ilang meyembro ng pamilya ang siyang nakakaalam na kasal na ako. Hindi pa kase tuluyang naisasapubliko ang naganap na kasalan namin.. Balak sana iyong e annouce in public pagkatapos sana ng kasal namin sa simbahan.. Kasal sa simbahan na kailanman ay hindi na mangyayar

