Bonding Gezielda's POV NGAYON ang aking off-duty sa trabaho dahil magiging on-duty naman ako sa ‘king kambal. We’re going to have a mother and babies bonding. Napili namin na mamasyal sa mall, zoo, park at sa isang fast food na iniiyakan ni Seven dahil nakita nito sa T.V kaya naman tutuparin ko ang nais ng aking unico hijo. "Naynay, usto eben abbiee," ungot nito na ikinakunot naman ng aking noo. "What?" takang tanong ko habang nagbibihis. "Abbiie, ain uyog -uyog!" bulol na sagot nito at talagang naiinis na rin. "Anak, ‘yan ang laging patalastas sa T.V na talaga namang inaabangan ng anak mo. Kanina pa nga ‘yan daldal nang daldal. Ang sabi ko sa ‘yo na lang magsabi," singit naman ni Mommy habang karga si Sia na tahimik lang na nakatingin sa kakambal. "Let's ask also Sia, kung gusto n

