Back To My World Gezielda's POV NANG MAKABALIK na 'ko sa totoong buhay ko sa siyudad ay iginugol ko ang aking oras sa pagtatrabaho sa kompanya. Nalaman ko rin na buntis din ang aking kaibigan na si Veronica. I'm so happy for her. Malapit na rin siyang ikasal na talagang ikinapapasalamat ko. Kahit na masaklap ang nangyari sa ‘kin basta't magkaroon ng masayang buhay mag-asawa si Veronica ay ayos na 'ko. Rush Wedding ginawa sa kaniya at syempre magarbo. "Gosh! Daig mo pa’ng nakikipagbakbakan. Mukha kang sinabugan!" pang-aasar niya sa ‘kin habang nakaupo sa tapat ng aking mesa. Inirapan ko naman siya at sumandal sa kinauupuan ko. "Tsk! Bakit ka ba nandito? Ginugulo mo 'ko imbes na ang fiancé mo, b***h. Mahal ang oras ko kaya't huwag mo 'kong istorbohin. Got it?" malditang turan ko na ikina

