The Halloween Party Gezielda's POV NGAYON gaganapin ang Halloween Party namin sa kompanya. Kada-taon ay may mga ganito kaming selebrasyon. Kailangang umattend ng mga staffs dahil maraming freebies at may mga pocket money rin sa mananalo ng best in costume category. I decided to wear Poison Ivy costume. It is very seductive and alluring. Kaya naman ang mga make-up artists ko’y talagang binonggahan ang kanilang ginagawa para naman medyo hawig ko ang ginagaya kong character. “Naynay?" tanong ni Seven habang hawak ang teddy bear sa kaliwang kamay at may dala rin na isang ensaymada na nakabalot pa sa plastic. Napangiti ako dahil hinahanap ako nito at mukhang maiiyak pa sa kakahanap sa ‘kin. "Aw! Hello there, Pretty Boy! Wala muna si Naynay kasi may pinuntahan siya," sagot ng baklang hairs

