Chapter 2 ✓

801 Words
On-leave Gezielda's POV NAG-EEMPAKE ako ng aking mga gamit dahil magbabakasyon ako at titignan rin ang hacienda namin doon sa Bario Dos. Pagmamay-ari ni Mommy ang hacienda do'n kaya't kaming dalawa’y magtutungo dahil pansin ko ang pagiging matamlay nito. Gusto ko rin naman na bumalik ang sigla niya. Nakarinig ako nang katok mula sa 'king pintuan kaya't huminto muna ako mula sa ginagawa ko. "Senyorita, nand'yan na po ang sasakyan ninyo papuntang hacienda. Nasa ibaba na rin po si Senyora Gelly, hinihintay na po kayo," tawag pansin nito kaya't tumango ako dito. Inayos ko nang mabilis ang aking gamit na dadalhin. "Sige, patulong naman ako rito Mildred sa mga luggages ko. Make sure na dala ni Mommy ang lahat. Ayaw kong maging palpak ang aming bakasyon. Kapag may problema just call me, okay?" saad ko rito at agad naman itong tumango. Sinunod nito ang aking sinabi. Kinuha ko naman ang aking body bag at inilagay do'n ang aking pabango, make-up, phone, portable WiFi, charger and power banks. I need to be ready. Gusto kong plantsado ang lahat. --- "OH! ANAK, What took you so long? Tara na! I can't wait to see Mama and Papa's house. For sure, may mga bagong ani na namang mga mangga and also may gawa din do'n na mga macapuno delights. I'm so excited, Anak!" nakangiting sabi ni Mommy sa 'kin. Kaya hinawakan ko ang kamay niya. I love the way she smiles, because my heart goes giddy. She's my happiness, and my world. "Sorry, Mommy. I just made sure na prepared ang lahat. Alam niyo naman po na ayaw kong pumalpak ang mga plano ko po... " Napanguso naman siya sabay iling sa 'kin. Sumakay na rin ako sa loob ng sasakyan. "Hmm... You're always make sure that everything is complete pero wala ka pa ring asawa't anak. Oh! Come on, Gezielda! Kailangan pa ba ikaw magse-settle down siguro kapag patay na ko? Gusto ko naman masilayan ang magiging apo ko sa 'yo," saad habang nakangiti samantalang ako nama'y biglang napataas ang kilay. Okay, ayan na naman ang Drama Queen. Let's behold to her acting skills. "Mommy, you know naman na hindi ko pa po nakikita ang the right one ko. Ayaw ko pong madaliin ang lahat dahil 'di ito planado," sagot ko rito at sumandal sa 'king upuan. Talaga naman oh, she's very persistent when it comes to this matter. "Sh*t to that planado thingy mo! Sana'y hindi mo 'ko biguin. You know me..." pananakot niya't sumandal pagkatapos ay ipinikit na ang mga mata. Napabuntonghininga naman ako, hindi niya ‘ko minamadali sa lagay na 'yan. Naiistress tuloy ako. Napahilot nalang ako sa 'king sentido. Mas mabuti pang matulog muna ako dahil mukhang medyo malayo pa ang tatahakin namin. --- NAGISING AKO sa yugyog mula sa 'king balikat at nakita ko si Mommy na nakangiti. "Anak, wake up we're here!" masiglang turan niya kaya't napaayos ako nang upo. "Okay, Mommy. Wait lang po, ayusin ko lang muna ang sarili ko. Just wait me outside," saad ko at agad naman siyang lumabas. Alam ko na si Mommy ay hindi mapakali sa mga ganitong bagay. Inayos ko na ang aking sarili at nanalamin mula sa'king compact powder. Nang ma-satisfied ako sa itsura ko'y lumabas na 'ko. "Oh! 'Yan ang unica hija ko po, Tatay Dodong," turan niya kaya't napalingon naman ako dito. Isang matandang moreno na batak ang katawan at may suot na buri hat habang nakangiti sa 'kin. "Kamusta, ineng? Naku! kamukha mo dine si Gelly namin no'ng kabataan. Kay ganda naman! Panigurado akong maraming hahanga sa 'yo rito sa bario," saad ni Tatay Dodong at lumapit ako dito at nagmano. "Gano'n ho, ba? Salamat po pala sa papuri. Sana nga po'y makabingwit ako rito ng lalaki," pagbibiro ko dito na nakangiti kaya't natawa rin ito sa 'king sinabi. "Kung alam niyo lang po, Tay. Gusto ko na talagang makakita ng lalaki ang aking anak at magkaanak na sila agad," sabi ni Mommy na nagpapula sa mga pisngi ko. Oh, here she goes again. "Wala kang kakupas-kupas kahit kailan, Gelly! Mahilig ka talagang mag-pares ng mga tao. Alam mo ba, Ineng! 'Yang Mommy mo noo'y laging suki sa mga pista o hindi kaya'y sa mga sayawan. Do'n nga niya nakilala si Zield, eh." masayang kwento ni Tatay Dodong sa 'kin kaya't napatingin ako kay Mommy. Nakikita ko sa mga mata niya ang kalungkutan pero nakangiti pa rin siya. Halatang miss na miss na niya si Daddy. I miss him too. Mukhang maraming memories ang mga parents ko dito. "Tara na't pumasok na tayo sa loob para mas maganda ang kwentuhan," sabi niya at sumunod naman kami ni Tatay dito. Sana nama'y mag-enjoy talaga ako sa bakasyon na ito. I even leave my works for this.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD