Amory POV (Elemental goddess) "Nagtagumpay si Switzel sa unang dalawang pagsubok," bungad sa akin ng isang tinig. Narinig ko pa ang pagtunog ng kandado ng pinto kaya alam kong tuluyan na itong pumasok ng aking silid. Nagtuloy-tuloy lang ako sa pag-aayos ng aking ginintuang buhok sa harap ng ginintuang salamin gamit ang ginintuang suklay ko. Alam kong si Abellona ang nagmamay-ari ng tinig na iyon, ang tagapangalaga ng apoy. Siya, si Geb, Odysseus at Oceana lang naman ang may karapatang pumasok sa silid ko dahil kami ang higher gods and goddesses. "Papayag ka ba na magtagumpay siya sa lahat?" Natigilan ako sa kaniyang tanong. Nangiti ako nang bahagya at saka siya taas noong hinarap. "Kung talagang magaling siya ay makukumpleto niya ang lahat ng pagsubok at wala akong magagawa roon."

