Cassiopeia POV Napabuntong-hininga nang maalala ko na naman ang gulong nangyari kani-kanina lang sa loob ng bahay nina tita Thea. Nahilot ko rin ang sentido ko nang maramdaman na naman ang p*******t no'n dahil sa mga nangyari. Lahat kami ay hindi na napigilan ang mga sarili namin kaya nagkataasan na ng boses. Hindi rin ako makapaniwala na kailangan pa naming pagtalunan ang about sa Skyline when in the first place ay hindi naman dapat dahil pare-parehong responsibilidad namin ang bagay na 'yon. Matapos ang mga nangyari, minabuti ko na lang na umiwas muna sa kanila at magpalamig muna sa garden nina tita Thea. Ang hirap kasi huminga sa loob sa sobrang dami ng nangyayari. Ang mas nakakahiya pa ay hindi naman kami ang may-ari ng bahay na tinutuluyan namin. Hindi naman ata magandang tignan na

