Cassiopeia POV Days passed at walang nangyayari sa misyon namin sa lugar na 'to. Sa dami ng lugar na pinuntahan namin, wala ni isa sa mga tao roon ang may abilidad na gaya ng amin. Hindi ko na nga rin sigurado kung may mahahanap ba kami. Sa dami ng taong mortal, paniguradong iilan lang sa kanila ang may kakayahan na gaya ng amin at dahil wala kaming abilidad, magiging mahirap sa amin ang maghanap. Hindi ko na rin mapigilan ang mag-alala. Habang patagal nang patagal kami sa lugar na 'to ay lumiliit ang kumpyansa ko na mababawi ko agad ang aking ina mula kay Oliver. Nag-aalala ako dahil baka kung ano na ang ginagawa niya kay ina. Kahit pa sinabi ni Ry na kahinaan ni Oliver ang saktan ang nanay ko, hindi ko pa rin magawang magtiwala kasi si Oliver ang pinag-uusapan dito. Alam ko at nababas

