APHRODITE POV Agad na nahilot ko ang sentido ko nang mabasa ang mensahe mula sa Skyline. Hindi ko alam kung paano ko ipapabatid kina Cassy ang gano'ng mensahe, lalo na at biglaan 'yon. Hindi ko rin alam kung bakit ngayon lang? Sa dami ng taon na maaari nila kaming padalhan ng ganitong sulat, bakit ngayon lang nila ginawa? Anong nagtulak sa kanila para gustuhin kaming mapaakyat dahil sa batas na alam kong nalabag naman namin. Hindi ko lang maunawaan na hindi naman ata angkop ang panahon. Natigilan ako nang may kumatok sa pinto ng opisina ko. "Pasok," sabi ko. Agad namang bumukas ang pinto at bumungad sa akin ang taong kanina ko pa rin hinihintay. Napangiti ako rito at saka itinago na muna ang scroll na hawak-hawak ko. "Mentor, pinapatawag n'yo raw po ako?" tanong ng kadarating lan
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


