Cassiopeia POV Naramdaman ko agad ang lambot ng kung anong hinihigaan ko nang magkaroon ako ng malay. Muli ay nahilot ko ang sentido ko dahil sa konting kirot na naroon pa rin. Pakiramdam ko ay may kung anong pumipintig sa ulo ko. Nang tuluyang mabawi ko ang diwa ko, do'n ko lang napagtanto na nasa kwarto namin ako. Nang subukan kong bumangon, may kamay na pumigil sa akin. At that time, I realized that I was not alone. Napatingin ako sa taong nakaupo sa tabi ko, napunta rin sa kamay niya na nasa braso ko ang mga mata ko kaya awtomatikong naalis niya ang kamay niya. "Maghinay-hinay ka na muna sa paggalaw," aniya. Tinignan ko siyang muli. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala. Agad ko namang iniwas ang tingin ko nang tumingin din siya sa akin. Wala akong lakas ng loob na salubungin ang nag-a

