Chapter 36 - Give back

1440 Words

Nagising ako na maaliwalas ang pakiramdam. Parang napakagaan ng umaga. Gumuhit ang matamis na ngiti sa aking mga labi ng masilayan ko ang guwapong mukha ni Treece sa tabi ko. Ang sarap talagang magising kung ito ang mukhang mabubungaran mo. Itsura pa lang, almusal na. Magkatapat ang mga mukha namin habang nakapulupot ang isang braso at isang paa nito sa katawan ko kaya gustuhin ko mang bumangon ay hindi ako makatayo. Sumusukong tinitigan ko na lamang ito. Nang dumako ang tingin ko sa lantad nitong balikat at dibdib ay nangingiting sinariwa ko ang nangyari sa'min kagabi. Isang beses lang ako nitong inangkin ngunit sa isang beses na iyon ay naging lubha itong masuyo, marahan at maingat. Gusto lang daw nitong maramdaman ang init ng katawan ko at dahil alam nitong pagod ako sa byahe ay hindi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD