Chapter 51 - Resurrection

1644 Words

"Mahaba na ulit ang listahan niyo rito, Tisay! Aba, baka gusto niyo muna magbayad!" Singhal ni Aleng Uswalda sabay sara sa maliit na bintana ng tindahan niyang dumami lang ang laman dahil sa mga nakasabit na tagpipisong sitsirya. "Pigilan mo ko, insan. Ipapasok ko 'tong kamao ko sa ngala-ngala ng aswang na iyan." Nagtitimping bulong ni Odessa sa tabi ko. Kasama ko ito sa pangungutang ng puwedeng almusalin dito sa tindahan ni Aleng Uswalda. "Huwag mo ng patulan, baka lalo tayong 'di pautangin." Bulong ko rito at bahagya pa itong hinawi papunta sa likod ko. "Aleng Aswangk---este Uswalda, magbabayad naman ho kami ng utang. Dumedilihensya pa nga lang po kaya hindi pa kami makapagbigay ngayon." Paliwanag ko na iningusan lang nito. "Naku, lumang tugtugin na iyan! Asa ka pa naman na babalikan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD