"Care to tell me the truth now....honey?" Ang kaninang init na nararamdaman ng katawan ko ay nauwi sa panlalamig nang matapos ang ilang minutong katahimikan ay nagsalita ito. "A-Ano ba'ng sinasabi mo?" Kinakabahan ako habang nagmamaang-maangan dito. Sinikap kong bumangon at lumayo rito ngunit mas lalo nitong hinigpitan ang pagkakakayakap sa katawan ko. Nagmistula akong preso sa mga bisig nito. Mapakla itong ngumiti. "That day when I found out about you, I already had this feeling of familiarity over you. Kinutuban na ako noong una, binalewala ko lang. Sabi ko sa sarili ko, imposible. Not until you showed today. Now, I figured out everything. It was a mistake...my mistake." Nang maramdaman kong lumuwag ang pagkakayapos ng braso nito sa katawan ko ay dali-dali ko iyong binaklas saka aga

