Chapter 93: Nakipagkita Pa rin Mabuti na lang ay maaga pa rin akong nagising kinabukasan kaya ganun pa rin ang routine maliligo, kakain saka aalis. Nag aantay na ako ng masasakyang jeep kahit mag aalas siyete pa lang ng umaga mas mabuti na yung maaga kaysa malate ako mapapagalitan pa ako kong sakali. Kinaway ko ang aking kamay para pumara ng jeep na paparating huminto naman agad ito saka agad ako sumakay. Pumara na ako ng malapit na ako sa tapat ng kompanya. “Para manong dito lang ako,” ani ko sa drayber. Huminto namna agad si manong saka ako nag abot ng bayad sa katabi kong lalaki. “Paki abot ng bayad salamat,” ani ko nito kinuha naman niya iyon kaya bumaba na ako. Naglalakad na ako patungo sa kompanya nandoon na rin si manong na mabait sa harapan ganun pa rin kapag makikita niya ak

