Chapter 72: Nag iinuman Tumayo na kami para maghugas ng kamay dahil tapos na kami kumain nakita kami ni Aleng Analiza kaya lumapit siya sa amin. “Tapos na kayong kumain iho at iha?” tanong nito. “Tapos na po,” sagot ko. “Nabusog ba kayo baka hindi pa kumain na muna kayo nako huwag kayo mahiya.” “Hindi na po Aleng Analiza maraming salamat po kasi busog na po talaga kami kaya huwag kayong mag alala,” ani ni sir Van. “Ah ganun ba mabuti naman kong ganun sir.” “May kailangan ba kayo?” “Maghuhugas sana kami ng kamay Aleng Analiza,” sabi ko. “Ohh hala sige hali kayo sundin niyo ako.” Sinundan naman namin si Aleng Analiza kong saan ito patungo. “Dito kayo manghugas ng kamay,” ani nito. “Tumabi ka muna diyan Christine manghuhugas muna ng kamay sila,” sabi niya sa dalagang naghugas ng m

