Chapter 12: Napagkamalan Umupo nga ako gaya ng sabi ni sir Jake hindi ko maiwasang titigan ito ng mag usap na silang dalawa ni sir Van. Naguguluhan ako kasi paano sila nagkakilala ni Sky at magka ano-ano silang dalawa. Sa palagay ko hindi rin naman ito kapatid si Sky kasi hindi sila magkamukha. Habang ako ay titig na titig kay sir Jake hindi ko rin alam na kanina pa ako minamasdan ni sir Van. Hindi ko na nga naintindihan ang kanilang pinag uusapan kasi sa kaiisip kay sir Jake at Sky. Nang biglang bumukas ang pintuan ng opisina ni sir Jake. Isang magandang ginang ang pumasok halata sa ayos nito na mayaman ito sa damit na isinuot, ang sapatos, alahas at ang dala nitong bag. “Good morning son,” bati nito kay sir Jake. “Ohh you are here Van, long time no see mas lalo ka yatang gumwapo nga

