Chapter 23: Naguguluhan Pagkatapos naming mag usap ay pinatulog ako ni Sky dahil masakit na naman ang aking poson hinayaan ako nito na makatulog sa kama. Ginising lamang ako nito ng mananghalian na kami nagluto ito ng ulam kaya nagtaka ako kong saan siya bumili ng karne para mag adobo. “Namili ka ba nito?” tanong ko. “Inutos ko kay Jake,” sagot ni Sky. “Maalagaing boyfriend kong ganun,” ani ko. “Dapat lang nanliligaw ehh dapat gawin lahat,” nakangiti nitong sabi. “Kunsabagay sasagotin mo naman kaya ayos lang na pahirapan mo,” wika ko. “Mahal ko lang talagga siya noon pa Summer pero natatakot akong sumugal baka kasi mawawala lang bigla yung pag ibig na naramdaman niya sa akin pero ngayon handa na ako sa mga mangyayari mas takot na akong mawala siya sa buhay ko,” seryosong sabi niya s

