Chapter 66: Nangisda “Papatayin ko na lang ang ilaw rito sa kwarto ngunit bubuksan ko ang ilaw sa kusina para hindi masyadong madilim,” wika ni sir Van. “Sige sir.” Bumangon si sir Van sa pagkakahiga at tumayo lumabas muna siya para buksan ang ilaw sa kusina at bumalik rin para patayin ang ilaw rito sa kwarto. Nang mapatay nito ang ilaw ay humiga ulit ito kahit hindi ko na makita ay naramdaman ko ito sa aking tabi. Gusto ko na sana matulog kaso takot naman akong tumihaya baka kasi masisikipan si sir Van hindi ako komportable nakatagilid kaya bahala na sinubukan ko na lang na tumihaya hindi ko naman sinasadya na masigi ang balikat ni sir Van mabuti na lang at hindi ito nagreklamo tahimik lang kasi ito sa aking tabi hindi ko alam kong natutulog na ba ito o ano kahit may ilaw sa kusina ay

