Chapter 40: Pagnagkataon Mabuti at naisipan naman ng boss ko na pauwiin ako ng maaga iniligpit ko na ang aking mga gamit at inayos ang lamesa dahil wala pa naman ako rito ng isang linggo. Naisipan ko rin na sasabay na lang kay bakla total wala naman akong gagawin sa bahay mababagot rin naman ako pag uuwi ako ng maaga. Lumabas na ako ng opisina at nagtungo kay bakla at naabutan ko silang nagchichikahan sa mga kasamahan niya. Natahimik sila ng makita ako dahil tinawag ako agad ni bakla. “S-Summer...” Ngumiti ako sa kanyang mga kasamahan at bumati sa mga ito. “Good afternoon.” “Good afternon din Summer.” “Ohh ba’t may dala ka ng bag uuwi ka na babae?” nagtatakang tanong ni bakla. Hindi ko sinagot ang tanong niya bagkos ay nagtanong rin ako sa kanya kong anong pinag uusap nila. “Hoy

