Luke's POV Walang nagsasalita sa amin habang kumakain kaming apat. Nagulat ako nang tumunog ung cellphone ko. Kanina ko pa hinihintay ung tawag nila eh. Tinignan ko ung tumatawag, sila nga. Hahaha. Tinignan ko si Thalia at kinindatan ko siya. Haha. Alam niya rin na sila yon kasi kami ang dahilan kung bakit napapayag ang aking bestfriend na si chael na sumama sa academy of girls to do our project. Tumayo ako sa upuan ko at nagexcuse ako sa kanilang tatlo. Pumunta ako sa labas ng starbucks sa may gilid. I answered the call of Jason. "Hello Jason! Nandito pa rin kami sa starbucks. Ampotek! Ngayon ngayon lang dumating si Chael. Halos 2 hours kami naghintay." sabi ko agad sa kanya. Kasama niya si Dianna ngayon. Pupunta sila ng st. James university. Sina Leo, Khione, Will at Iris naman sa Ou

