Ianah's POV Ginala ko ang tingin sa paligid para hanapin kung saan na ba napadpad si Hero at nang mahagilap ng mga mata ko kung nasaan siya ay muntik ng malaglag ang panga ko. Nakaupo siya sa isa sa mga punong may kalayuan saakin habang seryosong nakatingin saakin. Plano nga niyang hayaan ako sa mabangis na hayop na naghihintay saakin sa harapan ko. Alam ko kung ano ang balak niya. Sinadya niyang iwanan ako para ipuwersa ako na ilabas ang mahika ko sa mabangis na hayop na to. Kung alam ko lang ang paraan ng pagtuturo niya ay ang i-force ako ay hindi na sana ako pumayag. Masyadong mapanganib ang balak niya. Hindi ba niya alam na may chance na hindi ko malabas ang mahika ko? Paano kung ikamatay ko to ng maaga? Nakakainis! Hindi niya inalis ang tingin saakin na kinairap ko. Lagot ka saakin

