Chapter 5

1478 Words
Ianah's POV "Welcome to Magical School!" ngiting sabi ni Water habang nakatayo sa harapan ng labas ng gate ng tinutukoy niyang paaralan dito sa Godderna. Ang paaralan na pinapasukan ni Water na siyang papasukan ko simula sa araw na ito. Ang akala ko ay hindi na ako muling makakapasok ng paaralan pagkatapos kong matigil noon dahil sa kakulangan ng pera at naubos na din ang ipon ni Lola na iniwan saakin. Laking pasasalamat ko na napunta ako sa mundong ito dahil magagawa kuna ang mga bagay na gusto kong gawin dito. "Salamat." ngiting sabi ko at pinagmasdan ang mahabang gate. Sobrang taas nito at ang haba. Parang yung sa palasyo ng Godderna. "Pasok na tayo. Mukhang late na tayo haha" napapakamot sa ulo na sabi niya. Napailing nalang ako sa kanya. Hindi naman ito ang unang beses na pumasok akong late pero unang araw ko sa paaralang ito kaya hindi maganda sa pandinig na nahuli ako sa unang araw ko sa klase. Pagkapasok namin sa paaralan ay muli akong namangha at nilibot ang tingin sa paligid ng paaralang ito. Sobrang lawak ng ground na kasing lawak din ng building ng paaralan. Kung nasa mundo lang ako ng pinanggalingan ko ay hindi kailan man ako makakapasok sa ganitong kagandang paaralan dahil pang Elite lang ang paraalang ito. Mayayamang tao lang ang pwedeng pumasok dito ngunit mabuti nalang ay nasa ibang mundo ako kaya nabigyan ako ng pagkakataon na makapag-aral sa ganitong kagandang paaralan. "Tara na! Kailangan nating tumakbo papunta sa room natin." tumango ako sa kanya pagkatapos ay tumakbo kami. Nakasunod lang ako sa kanya dahil hindi ko naman alam kung saan ang daan papunta sa room namin na tinutukoy niya. Hindi ko maintindihan kung bakit magkaklase kami ni Water. Ang akala ko ay magsisimula ako sa unang grado kahit na nakakatawa dahil mga bata lang ang pumapasok sa grado na yon. Iba naman kasi ang tinuturo nila sa paaralang ito. Pangalan palang ay klaro na. Magical School. Habang tumatakbo kami sa loob ng gusali ay nakikita kong napapatingin saamin ang ibang mga estudyanteng nasa loob ng kanilang mga klase. "Late na naman si Water." dinig kong sabi nila habang sinusundan kami ng tingin. Mukhang kilalang late comer si Water. Naku lagot ako nito baka magaya ako sa kanya. "Sino yang kasama niya?" dinig ko pang tanong nila. Ang lakas lang ng pandinig ko. Mabilis ang takbo namin ni Water pero dinig ko parin ang sinasabi ng mga estudyanteng nasa loob ng kanilang mga room. Hindi ko alam kung parte ba to ng kapangyarihan ko dahil bago lang saakin ito o baka talagang normal lang sa mundong ito na lumalakas ang pandinig namin. "She's pretty." Hindi ko nalang pinansin ang mga sinasabi nila. Patuloy kami sa pagtakbo kay Water hanggang sa tumigil kami sa harapan ng pintuan at naging sunod-sunod ang paghinga niya habang ako ay nakatingin lang sa kanya na hindi manlang nakaramdam ng pagod. Teka--Bakit hindi ako nakaramdam ng pagod sa tinakbo naming yon?! "Pag earth controller nga naman." mahinang sabi ni Water na nakatingin saakin habang naghahabol parin siya ng hininga. Ibig bang sabihin ay kaya hindi ako nakaramdam ng pagod dahil sa kapangyarihan ko? Anong klasing kapangyarihan ba ang meron ako? "Pasok na tayo" sabi niya nang maging ayos na siya. Tumango ako sa kanya. Hinawakan ni Water ang doorknob pagkatapos ay dahan-dahan niyang binuksan ito. Nauna siyang pumasok kaya agad siyang napansin ng guro. "Nahuli ka sa klase Tubig." dinig kong sabi ng isang lalaki sa loob. Mukhang siya yata ang guro namin sa klaseng ito. "Haha sorry Guro." "Anong sorry? nahahawa kana sa mga lenggwaheng ginagamit sa mundo ng mga tao kaya pati ang pangalan mo ay pinalitan mo ng Water" sabi ng guro na kinangiti ko. Totoo ba ang narinig ko na pinalitan ni Water ang pangalan niya? Ano naman ang problema ng guro kung pinalitan nga niya ito? Pareho lang naman ng kahulugan. "Umupo kana nga." "Wait este teka lang po! may ipapakilala ako." sabi ni Water at mabilis na lumabas pagkatapos ay hinila ako papasok. "Gusto kong makilala niyo ang bago nating kaklase. Ianah teka anong apelyido mo?" tanong saakin ni Water na kinatawa ko ng mahina. Hindi pa pala niya alam ang buong pangalan ko. "Ang ganda niya. Sino siya?" "Bagay na bagay sa kanya ang buhok niya." "Ang kasuotan niya ay ngayon ko lang nakita" "Jayanah Alixes Calix" pakilala ko na kinalaki ng mga mata ni Water. "Jayanah pala pangalan mo? bakit hindi mo sa akin sinabi? Samantalang dalawang araw tayong magkasama" nakangusong sabi saakin ni Water. Hindi ko sinadyang makalimutan na sabihin sa kanya ang buong pangalan ko dahil masyado akong namangha sa mundong ito kaya hindi kuna pala napansin na hindi pa ako nakapagpakilala ng maayos sa kanya. "Sorry" mahinang sabi ko sa kanya. "Jayanah.." nabaling ang tingin ko sa taong bumulong na narinig ko. Hindi ko alam kung bakit narinig ko ang bulong niya samantalang ang layo niya saakin. Nakaupo siya sa huling row habang ako ay nasa harapan kasama si Water at ng Guro. Hindi ko maklaro ang mukha niya dahil may ginagamit siyang bagay para takpan ang mukha niya. "Jayanah Alexis Calix, Napakahaba ng iyong pangalan. Saan ka nanggaling at ngayon lang kita nakita. Bakit ang pangalan mo ay tunog english din? at ang kasuotan mo.." sunod sunod na sabi ng Guro. "Ano po. Galing ako sa mundo ng mga tao na kilala sa pangalan na Earth." sagot ko dahilan kung bakit napang singhap ang ibang mga tao sa loob ng klaseng ito. "Mundo ng mga tao?" gulat na tanong ng Guro habang nanlalaki ang mga mata niya. "Opo." sagot ko na kinalapit niya saakin. "Kung galing ka sa mundong iyon ay paano ka napunta dito? at ang kasuotan mo." sabay tingin na naman niya sa suot ko. Anong bang masama sa damit na suot ko? Wala namang pinagkaiba sa kanila. "Tama kayo sa inyong iniisip G.Okasyo" sabi ni Water sa kanya na kinatingin ko sa kanya habang nagtataka. Hanggang ngayon ay hindi ko parin mapigilang magtaka sa tuwing may nag-uusap sa harapan ko. Hindi ako makasabay dahil minsan ay hindi nila dinideretso ang sinasabi nila. "I-isa kang-" hindi matuloy na sasabihin ni G.Okasyo. Naghintay ako nang sasabihin niya pero natigilan kami nang marinig ang bumukas na pintuan sabay pumasok ang lalaki. "Earth Controller" seryosong tuloy niya sa sasabihin dapat ni G.Okasyo. Agad akong umiwas ng tingin sa kanya. Baka ano pa ang mangyari sa mga mata ko. Ayaw ko ng maramdaman ang sakit na yon. "G-God of Fire-este Flame!" tawag ni Water sa kanya sabay iwas din ng tingin. "Earth controller?" sabay na tanong ng ibang mga tao sa room na ito. Halos lahat sila ay nakatuon ang pansin nila saamin habang mainam na nakikinig kaya naagaw ng pansin ko ang lalaking bumulong kanina na ngayon ay siya lang yata ang hindi interesado sa nangyayaring ingay ngayon dahil tahimik lang siyang nakatingin sa bintanang tabi niya. "Oo siya nga." sabi naman ni Water. "P-Paano- M-Maupo na kayo at Bibining Ianah, masaya akong n-narito ka" sabi ni G.Okasyo habang nauutal. Nginitian ko siya at tumango. Halatang may gusto siyang itanong pero hindi niya tinuloy sa hindi ko malamang dahilan. "Maaari kang umupo sa tabi ni Balder" sabi niya na hindi na nauutal at bumalik sa kaseryosohan ang mukha niya. Tinuro niya saakin kung saang banda nakaupo ang tinawag niyang Balder. Natigilan ako nang makita ang lalaking nakaupo sa dulo na siyang bumulong kanina sa pangalan ko at ang kanina pang nananahimik. Lumapit ako sa bakanteng upuan na katabi niya. "Hi!" bati ko na hindi manlang niya pinansin. Napakibit balikat nalang ako at nabaling ang tingin kay Flame na ngayon ay naglalakad palapit saamin. Umupo siya sa tabi ko kaya pinaggigitnaan na nila ako. Apat ang bakanteng upuan sa huling row na ito at isa siya sa seatmet ko sa klaseng ito kaya kailangan kong galingan ang pag iwas ng tingin sakanya. "Don't look at my eyes" bilin niya na kinatango ko. Don't worry, wala akong balak. "Pssttt! Ianah.." nabaling ang tingin ko kay Water na nakaupo sa pangatlong row. Ngumiti ako sakanya sabay kumaway. Ang layo niya huhu. "Air huli ka din?" sabi ni G.Okasyo habang nakatingin sa bagong dating. Si Air nga. Hindi ko na siya nakita matapos ang nangyari sa gabing yon. Nabaling ang tingin niya saakin. No. Sa katabi ko. Tulad ng inaasahan ko ay umupo siya sa tabi ni Flame. Bakit sa lahat ng taong pwede kong makatabi ay silang dalawa pa? Masyadong seryoso ang mga mukha nila isama pa ang katabi ko sa kaliwa ko na sobrang tahimik. "Bakit ba may ganito akong mga estudyante?" problemadong tanong ni G.Okasyo na kinatawa ko ng mahina dahilan kung bakit nabaling ang tingin sa akin nina Air at Flame. "Bakit?" tanong ko sa kanila na kinaiwas nila ng tingin. Napansin ko ang biglang pamumula ng mga tainga nila. Naiinitan ba sila?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD