Ianah's POV Binuksan ni Flame ang pintuan na lumabas sa harapan namin. Pagkalabas namin ay nasa harapan na kami ng grand gate ng Godderna Palace. Bale nasa last floor kami ngayon. "Anong mayroon sa Goddess of Earth? Hindi kaya nahanap na nila ang Goddess mo Ianah?" baling saakin ni Kenneth. Napakibit-balikat ako. Hindi ko naman alam kung nahanap nga nila. Kaya kami nandito kami para alamin yon. "Dalawa lang ang ibig sabihin kung bakit tayo pinabalik ngayon tungkol sa Goddess of Earth. Maaaring nahanap na nga nila o tayo ang maghahanap sa kanya" sagot ni Water. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko ngayong pinag-uusapan namin ang Goddess ng mahika ko. Ang tagal ko na ding hinintay na makilala siya. Makilala ang taong pareho kami ng tinataglay ng mahika. "Anyway any idea kung sino

