Water's POV Ilang minuto na ang nakalipas simula ng lumabas si Shan. Nanatili kaming tahimik habang nakatayo parin kami ngayon sa kinakatayuan namin maliban lang kay Hero na hindi na niya nakayanan ang antok niya kaya natutulog na siya ngayon ng mahimbing sa upuang nandito na kung tawagin sa mundo ng mga ordinaryong tao na 'sofa'. Ngayon lang namin napagtanto na magsasama kami sa iisang bubong. Oo. Sanay na akong kasama ang mga lalaking ito dahil mula pagkabata ay kaibigan kuna sila maliban lang kay Hero. Ngunit kahit ganon ay hindi ko maiwasang hindi ma awkward sa kanila dahil lalaki parin sila. Akmang puputulin ko ang katahimikan nang biglang umilaw ang hawak na stick ni Air na kanina ay iniwan sa amin ni Shan. Nagkatinginan kaming lahat bago pinindot ni Air ang kulay orange sa taas

