Ianah's POV Nasa tabing ilog ako ngayon kasama si Heroyll na natutulog sa tabi ko. Ang gaan sa pakiramdam ang tunog ng daloy ng ilog isama na ang mga galaw ng mga halaman. Ang simoy ng hangin na para bang nagsasayaw. Ang mga awitin ng mga ibon. Ang mga hakbang ng mga hayop. Ramdam ko ang mga galaw ng nakapaligid sa akin. Habang tumatagal ay natututunan ko na kung paano gamitin ang kapangyarihan ko. Salamat kay Hero, kung hindi dahil sa kanya ay hindi ko malalaman ang ibat-ibang kayang gawin ng kapangyarihan ko. Napapikit ako ng mga mata nang biglang humangin ng malakas. Ang gaan sa pakiramdam. Hindi ito malamig o mainit. Katamtaman lang pero ang sarap sa pakiramdam. Kagagaling ko lang sa training kaya nagpapahinga ako ngayon. Hindi madali ang tinuro sa akin ngayon ni Hero pero ganon

