Alexandra's POV Argh! Naiirita kong inayos ang buhok ko habang nakaharap sa salamin. Tsk! Naaalala ko lang kasi yung nangyari kahapon. Parang wala ata sa vocabulary ko ang salitang move on eh. Ewan ko ba naiinis talaga ako at nasasaktan sa tuwing naaalala ko yun. Kung makapagsalita kasi siya parang siya lang yung nasaktan hmp! Inantay ko din naman siya ah? Siya nga yung magpapakasal jan eh! Argh enough Alexa. Marahan kong pinisil ang mga pisngi ko at ngumiti. Yan, dapat pretty lang at may family event ngayon sa school ng babies ko. Dapat pretty ako dun noh! Lumabas na ako ng kwarto at nakita kong bihis na bihis na din ang cute na cute kung mga baby. Pero teka, bakit sila nakasimangot. "What's that face huh?" bahagya akong lumuhod para pumantay sa kanila. "Mommy...pupunta ba si Daddy?

