Alexandra's POV Ngayon ko lang nakitang sobrang liwanag ng mukha ng mga anak ko. Hatid sundo sila ng Daddy A nila sa school. Sa ilang araw nilang magkasama parang pati ako nahahawa na sa pagmumukha nila. Yung mag amang yun. Tsk! Well, I'm so happy as well pero dumidistansya na ako kay Aaron. Masaya na akong nakilala at nakasama siya ng kambal. Naging busy na din siya lalo dahil sa pag aasikaso sa kasal nila. Ilang oras nalang pala at kasal na nila. Tinitigan ko ang sarili ko sa salamin. Hmm... pupunta ba ako? Parang hindi ko ata kaya na makita siyang ikasal sa iba at baka kung ano pang masabi ko dun. Malay mo diba? Sumigaw ako ng 'itigil ang kasal!' Tulad sa mga napapanood ko sa tv. "Mommy bakit hindi kapa po nagbibihis? Are you not going to attend Daddy A's wedding?" Nag aalalang

