Alexandra's POV Lumalalim na ang gabi yet I can't even take a nap or kung pwede lang pigilan ang pag-blink kanina ko pa ginawa. Pano ako makakatulog sa ganitong situation? Nasa labas parin siya ng bahay namin and wala man lang akong magawa. Argh! Kanina pa ako nakadungaw dito sa bintana habang tinititigan nalang namin ang sarili namin from afar. Pakiramdam ko tuloy ako si Rapunzel at nasa ibabaw ako ng torre nakakulong at nasa baba ang prince charming ko. Masyado ng madami ang bantay sa labas kaya kahit siguro hibla ng buhok ko ay hindi makakalabas sa bahay na'to unless may permission ni Daddy. Hays, kung andito lang sana si Mommy baka pinagtanggol niya na ako. Sa kalagitnaan ng nakakalungkot na gabi sa buong buhay ko ay biglang dumagundong ang langit tsaka naglabas ng kidlat at bumuhos

