Limang araw ng hindi nagpapakita si Ivan pero okay lang sakin, masyado na syang maraming naitulong sakn para guluhin ko pa sya. Sa loob ng limang araw ay wala akong ginawa kungdi humilata at kumain, buti na lang malaki ang na-ipon ko kaya di ako gaanong natatakot na gumastos pero hindi ako nakakalabas ng bakuran, binilin daw kasi ni Ivan na wag akong lalabas. Habang tumatagal, pa weird ng paweird ang mga gusto ko kainin katulad ng chocolate dipped with catsup, choco drink with mayonaise as creamer at tubig na kinulayan ng toyo. Kinakabahan na nga ako kasi baka abnormal ang anak, oh dear God, wag naman po sana. Isa pang weird na ginagawa ko ay ang panggigil kong kumagat. Tuwing may nakikita akong braso o kaya kamay gustong-gusto kong kagatin at dahil si Cara lagi ang kasama ko l

